Bogart says "11"

35.2K 1.1K 92
                                    

Eiji’s Point of View

Hay grabeng init sa bahay! Feeling hell! Kahit nakatodo na yung aircon at nagpakuha na ako ng dalawang electric fan at naghubo’t hubad na lahat lahat(except of course the boxer shorts) super hot pa rin! Or is it just me (being hot) all this time? Homagad!!! Is this sudden exceedingly hot weather a sign of the end of the world!? Nooooo!? (prolonged whining)  It can’t be just yet! I knew I have something to reveal to someone… it’s just that I’m not sure what it is or whether that’s right.

 Gusto kong gawin yung project sa History kaya lang nakakatamad. This heat makes me go lazy. Suddenly, my phone vibrated. Gulat ako syempre kasi nasa pagmumukha ko nakadikit yung phone e.

“Hello?” I picked up.

“Eiji tara swimming tayo!” ang maligalig na bungad ni Patti.

“Sorry the pool is being used by Bogart.” Sabi ko.

“Si Bogart na naman!? E bakit ba kasi nag-ala-alaga pa yang daddy mo ng crocodile!? So weird.”

“E alam mo naman si Papa maka Kuya Kim Atienza din ang peg! Napakahayop!” We really do have a croc as a pet. Di ko nga alam how the hell dad convinced me that it’s domesticated. Basta malaki na rin sya ever since Dad brought him in the house ten years ago. Bogart was a birthday present to my lolo “The original Kuya Kim”of the family.

“Anyway, i-invite sana kita dito sa Amoranto mag-swimming! Our class rent the pool for the whole day!”

“Okay. Go ako dyan! Let me just find my swimsuit and I’ll be there in a flash.”

“Teh swimsuit talaga!? Trunks ka hoy!”

“Hindi ako kahoy! O sige bu-bye na!”  

After packing up all the essentials I needed , I telephoned mom and dad that I’ll be having some recreational activity (a real one). Nag-iwan din ako ng note sa may fridge then I’m good to go. Who says I need Kuya Pedro and the van? I can commute under the sun with a little help of Cavalri shades and SPF50!

Nakarating din ako sa venue after a century of mapping. Ang lakas lang ng loob kong mag-gala hindi ko naman actually know ang lugar. But I’m totally fine. Totally…except nung naghihikahos na akong  makainom ng tubig dahil tuyot na esophagus ko! Iinumin ko mamaya ang pool! Kidding! No seriously I need to register in my mind that water is an essential wherever I go.

Patti appeared like she just emerged from the pool and gave me a hand wave. I waved back. Nang pagbuksan na ako ng bantay dun sa gate, Patti accompanied me up the swimming pool itself. The torqouise color of the pool filled my vision all at once. I thought they already know that I’m coming yun pala hindi pa. So some of those whom I know greeted me while others just smiled and watched me passed by.

“Oy Eiji!” someone called. Si Robert ata yun. Yung siniko ni Buknoy dati.

“Hi!”

“Tignan mo si Willer! Hindi marunong lumangoy! Langoy aso!”

“Saan? Hindi ko makita! Nalunod na ata! Haha!” naki-ride in ako. Then nagulat na lang ako nang may humawak sa paahan ko – si Buknoy na waring hinihila ako sa pool. Kabado!

“Bitiwan mo paa ko kung ayaw mong ma Chun Li ko mukha mo!” pananakot ko. Natakot din naman sya. Haha!

Ang Multo sa Manhole - Under revisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon