My story starts when I'm in First year-Indonesia. I'm only a transferee at St. Francis Xavier school. Maraming bagay akong isinaisip na alam kong MALABONG MANGYARI at iyon ay may magkakagusto sa akin. Well, yun talaga paniniwala ko eh!. Ako nga pala si Melissa L. Monico, 13-14 years old na, may bangs at isang napaka-simpleng babae. Akala mo tahimik yun pala speaker! Inasar ako noon na LOUD SPEAKER kasi malakas ang boses ko nung ipinakilala ko sarili ko. Hindi ko kasi alam na ganoon pala kalakas iyon!.
Then one time T.L.E, katabi ko sa kanan si Michenso at sa kaliwa naman ay si Demiao.
Ma'am Yasmine:'Okay, sino ang mga broken family dito sa classroom?"
(Nagsi-taasan na yung may mga broken family, then ... May isang estudyante na kinausap s ma'am Yasmine na talaga namang napatingin ako kaagad)
Ma'am Yasmne:"Oh! Ikaw Baylon! kwento mo naman kung anong meron sa family nyo!"
Eric:"eh kasi nga po ma'am ganito po yun ..."
(Tapos doon ko lang nalaman yung name niya talaga. At saka nagsimula na rin akong tignan siya, pasulyap-sulyap lang! Ng hindi ako mahalata! Tapos nung July eh may nangyaring kakaiba! Si Lovely, ang makulit kong kaklase, ay may sinasabi sa akin! May nagkakagusto daw saken! Si Kristian Copino daw, eh hindi ko yun kilala kasi hindi ko pa kilala talaga lahat ng Indo. Tapos ayon, doon na ako nakatanggap ng mga love letters, mga text messages at mga tsismis!)
Mae-ann:"Grabe Mel aa! Isang buwan pa lang tayo dito eh may nagkagusto kaagad sayo! Sino ba yun? sabihin mo naman! Share!"
Melissa:"Yun nga ee! Nakakainis hindi ko naman kilala tapos mangliligaw! Ano kaya yun? Kristian daw pangalan ee. Hay!"
Mae-ann:"Ano? Ligaw kaagad? Grabe aah! Tindi mo teh! Pakilala mo sa amin ah!"
Melissa:"Hala! Grabe! Dadaan muna sa inyo? Ahhahahahaha!"
(Ayon, then sinagot ko siya nung July 20, 2010. Hay. Nakakainis lang eh wala naman talaga akong gusto sa kanya. Gusto ko kasi yung makilala ko yung tao. Kristian Vince H. Copino pala pangalan niya, mahiyain siyang tao, mahilig maglaro ng computer games, medyo may itsura at kasing-height ko lang. May times na nangangasar siya saken o kaya naman ay tinatawanan ako. Minsan, nagtiti-titigan kami tapos lingat na naman sa iba. Then, nagsimula na rin yung mga asar sa amin at paggawa ng mga name combinations like: Melisstian, Monicopino, Kriselissa at kung ano-ano pa! Tapos lagi kaming pinagtatabi, lagi kaming pinagti-tripan lalo na sila Jake, Jasmine at Lovely. Lahat ng gagawin ko parang may malisya na. Oo masaya pero minsan talaga naiinis ako kasi ayoko ng ganoon. May time na din na may naririnig akong nagseselos "DAW" sa amin at yun ay si Angelica Joy Julio.)
Jasmine:"Hala ka Mel! Magagalit si ate Joy niyan!
Melissa:"Ha?" (Eh kasi nga hindi ko kilala!)
Jasmine:"Si ate Joy taga-Thailand!"
Melissa:"Ahh!" (Tumungo na lang ako)
(Ayun na yung time ng mga rivalry pero hindi ganoon kalupit! Haha. Then dumating na ang October 8, 2010, birthday ko. Nage-expect ako ng isang gift kahit maliit lang from him but nothing.)
Wendy:"Oh? Bakit ang lungkot mo diyan ha?"
Melisssa:"Wala ito! Drama ko lang! Haha!"
Wendy:"Loko ka! Umayos kang babae ka aah! Haha!"
(Pero deep inside talaga nasasaktan ako kasi nage-expect ako ng malaki sa birthday ko. And that really hurts!. Expecting too much will kill you! Grabe talaga! At dumating na ang October 15 at birthday pala iyon ng First Love ko, Eric Joel Baylon.)
Melissa:"ui! Happy Birthday po ah!"(nanginginig)
Eric:"Thank you" (sabay ngiti)
Melissa:"Nice glasses ah!"
Eric:"ah eto? Wala 'to! Ahaha!"
Melissa:"Geh. Happy Birthday ulit!"(tumalikod, umalis ng kinikilig)
(Alam mo yung feeling na naglakas ka ng loob na sabihin iyon? Grabe talaga akala ko eh hindi niya ako papansinin nun. Then, natapos na ang birthday niya. Doon na nagsimula ang lahat ng bagay! Tungkol sa amin ni Eric Joel Baylon. Mas lalo akong kinilig at mas lalo akong nabaliw sa kanya noon. Nagsimula na rin yung pinapa-upo niya ako sa tabi niya kapag discussion at gustong makipag-usap. Doon na nagsimula ang lahat.)
BINABASA MO ANG
L-O-V-E
Romance- Hi ! Ako si Melissa ,makulit, baliw, matalino, may itsura at madaling makasama, ang babaeng na-inlove sa isang lalaking hindi ko naman nakilala- si Eric. Ang unang lalaking nahulugan ko ng loob. Nung araw na magkakilala kami ay nagkaroon na ng ma...