Conflict

63 0 6
                                    

After Christmas eh hindi ko na masyadong tinext si Eric nun. At medyo pinagalitan na ako ni Mama kasi nga text ako ng text kaya hayun, pinatigil ni Mama si Eric sa kakatext, tinawag ni Mama yung Mama ni Eric. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung number nun basta. At yun na ang simula ng conflict namin ni Eric sa isa't-isa.

(Pagadaan ko sa may hallway ng school namin para ilagay ko yung lunch box ko, nakita ko si Eric at si    Jacky na naka-upo sa may bench. Si Jacky naman nakakainis kasi kung ano-ano ang pinagsasasabi...)

Jacky:"Hala ka Mel! Lagot ka! Nagalit si Eric sayo!"

Melissa:"Ha? Ano bang ginawa ko? Wala naman ah!"

Eric:"Jacky, halika na. Alis na tayo dito."

(Sabay alis nung papalapit na ako. Nalungkot talaga ako nung time na yun, sobra. Ang tahimik ko talaga nun. Hindi ko ma-explain pero ang bigat ng dinadala ko talaga. Ang hirap talaga. Then, new seating arrangement for the Fourth Quarter. Hayun, sa pinaka-harap na ako at katabi ko na si Jousemarie sa kaliwa ko. Then nung nasa kanan ko si Kristian, yung sa kaliwa si Eric. Lingon ako ng lingon sa kanya ng palihim tapos biglang...)

Jousemarie:"Huy! Kanina ka pa, Melissa parang hindi ka na naman mapakali diyan ah."

Melissa:"Ha? Ako? Wala 'to naiihi lang talaga ako! Katakot kasi magpaalam kay Ma'am Cris eh nagtuturo."

Jousemarie:"Sus! Huwag ka na nga! Halata ka na eh."

Melissa:'Ha? Bakit?"

Jousemarie:"May gusto ka kay Eric no?"

Melissa:"Ha? Ako? Wala ah! Adik! Bakit ako magkakagusto kay Hotdog? Ahhahaha."(todo-deny at sapilitang tumawa na lang)

Jousemarie:"Asus! Ikaw ah! Hehe. Malalaman ko rin iyan!"

Melissa:"Hay naku! Bahala ka Yang! Pagkabaliw mo na naman."

(Bukod kay Mae-ann na nasabihan ko ng lovelife ko talaga eh mukhang mbubulgar na rin ako ni Jousemarie. Mababaliw na ata ako. Hindi talaga ako mapakali hanggang nung time na ni Ma'am Morandarte. Nung tinignan ko si Eric. Muntikan na niya akong makita nun. Grabe kinabahan ako.)

Jousemarie:"Oh? Kinakabahan ka ata! Ikaw ah? Sabihin mo na kasi Melissa."

Melissa:"Hay. Mukhang wala na talaga akong matatago sa iyo Yang. Okay ganito kasi iyan..."

(Ayun, pinaliwanag ko na kung anong nangyari sa amin ni Eric. Nagulat siya sa akin nun. Bigla syang natahimik then biglang nagtanong... )

Jousemarie:"Sino ba talaga mahal mo? Si Eric o si Kristian?."

Melissa:(nalungkot)"Si Eric."

(Ayun. Hindi na muna sya nagsalita and then.. )

Jousemarie:"Alam mo i-break mo na lang si Kristian kasi baka umasa pa yung isa niyan. Ok? At saka kasi baka magkagulo-gulo buhay mo eh."

Melissa:"Okay. Pero paano kaya?."

(Napa-isip talaga ako nun. Hindi na kasi kami nagpapansinan ni Eric eh. Parang gusto ko na ngang umiyak pero ayokong ipakita kasi baka naman magkaroon pa ng gulo eh ayaw kong magka-problema nun. Hay. Nabaliw talaga ako nung araw na iyon. Pagkatapos nun, last subject namin ay English. Kinakabahan ako mag-report kasi may hindi ako kasundo at si Eric yun. Pero nagbigay ng advice sa akin si Angelo..)

Angelo:"Huwag mo ng isipin si Eric. Ok? Magandang gawin eh hayaan mo na lang na lumipas yung panahon malay mo kakailanganin ka din niya. Baka malay mo maging kayo. Di ba?"

*Na-kwento ko na din kay Angelo yung nararamdaman ko para kay Eric.*

Melissa:"Angelo, tingin mo kakayanin ko ito? Parang hindi eh. Hay. Hindi ko kasi siya kayang nakabusangot palagi eh. Hay."

Angelo:'Hay naku naman. May mga mas mabibigat na problema ang kinahaharap ng iba Mel tandaan mo yan."

Melissa:"Oo nga, hehe geh mag-rereport na ako kami na kasi ang sunod eh."

Angelo:"Geh goodluck!"(sabay apir sa akin)

(Hayun. Ang report kasi namin tungkol sa pagbibigay ng meanings sa salitang,"TEACHER". Nung nasa E na ako eh biglang..)

Agub:"Eric!"

(Nagulat ako nagpalusot siya..)

Agub:"Tinatawag ko lang po ma'am s Eric!"

(Biglang nagdabog si Eric nun pero ..)

Ma'am Bernadeth:"Please continue Melissa.."

Melissa:"Okay ma'am.."

(Hay. It's been a long day for me. Hindi ako makapaniwala sa nangayri kanina. Gusto ko sanang mag-sorry sa kanya pero nanghihina ang loob ko para sa kanya. Hay. Naiiyak tuloy ako pero thanks to my friends kasi pinapasaya nila ang araw ko ngayon. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin si Eric.)

Melissa:"Hay Ano na kasi gagawin mo Mel? Ano ba yan. Ang hirap naman nito."(naluluha na)

L-O-V-ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon