New seating arrangement na ng classroom namin at assigned by Ma'am Maricris, adviser ng 1st year-Indonesia, ang nag-manage. Katabi ko na si Jacky, nasa harapan ko na si Rest, Giovanni at si Eric. Tapos katabi ni Kristian si Jasmine nung time na yun. Ok lang saken yun, pero ang talagang kinakabahan ako eh yung kaharap ko na siya. Ito na yung time na nagtatabi na kami sa upuan.
(Magsi-C.L time na, discussion ni Sir Fernan, si Eric nangungulit sa akin)
Eric:"Mel! Halika dito! Tabi Tayo!"
Melissa:"Ha? Sure ka?"
(Tumungo agad si Eric, lumipat na ako kasi wala siyang katabi nun, dala-dala ko Bible ko at yung C.L notebook ko nun. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi ako makahinga.)
Eric:"Mel? Ok ka lang?"
Melissa:"Ha?"
Eric:"Ok ka lang?"(nagtataka na)
Melissa:"Opo! Ok lang ako! Nga pala, bakit mo ako pinaupo dto?"
Eric:"Wala akong katabi."
Melissa:"Ah! Ok."(kinakabahan)
Eric:"Itatanong ko din sana kung may Facebook ka."
Melissa:"Ako? Oo meron akong FB account. Maya ko na ibigay kas andiyan na si Sir Fernan eh."
Eric:"Oh sige."
(Sa whole lesson na iyon, kinakabahan talaga ako, bilis ng tibok ng puso ko tapos grabe yung panginginig ko, hindi na nga ako naka-focus sa discussion namin eh. Iba talaga yung feeling. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Hinhintay ko na lang na matapos yung discussion ni Sir.)
Melissa:(pabulong)"Sana matapos na 'to!"
(Then ayun nga! Thank God at natapos na din!. Balik na kami sa topic ni Eric at sinulat ko na FB account ko.)
Melissa:(Iniabot yung paper)"Ayan na FB account ko ah."
Eric:"Salamat! Nga pala, busy ka ba sa bahay niyo?"
Melissa:"Hindi naman except sa mga assignments at projects, bakit po?"
Eric:"Kung puwede sana text-text tayo. Puwede?"
Melissa:(Agad-agad)"O sige."
Eric:"Ok! Pahingi na ng number mo."
(Nung time na iyon aayaw na sana ako kaso sino bang hihindi sa pagkakataon na yun no?, baka magsisi pa ako sa huli. Ang hindi niya kasi alam number ng mama ko yun. Hay. Pero ok lang, magdadahilan na lang ako kay mama. Nung uwian... )
Eric:"Mel! Thank you nga pala ah! Reply ka kapag nagtext ako ah!"
Melissa:"Ok!"
(Umuwi na siya nun, kinabahan talaga ako kasi ang lapit niya talaga sa akin. Halos mahihimatay na ako!. First time ko talaga maramdaman yun. Para akong na-stock! Sa sobrang kaba ko. Hindi ko maintindihan. Kinilg ako nung umuwi na ako. Halos hindi na natanggal sa mukha ko yung ngiti ko. Sobrang saya talaga ng araw ko.)
BINABASA MO ANG
L-O-V-E
Romance- Hi ! Ako si Melissa ,makulit, baliw, matalino, may itsura at madaling makasama, ang babaeng na-inlove sa isang lalaking hindi ko naman nakilala- si Eric. Ang unang lalaking nahulugan ko ng loob. Nung araw na magkakilala kami ay nagkaroon na ng ma...