Tapos na ang Christmas party namin at masaya naman ang kinalabasan. Medyo napagalitan lang ako noon kasi 5:00 pm na ako nakauwi eh ayaw pa naman ni Mama nun kaya pagkauwing-pagkauwi ko nun ay sermon at dakdak ang inabot ko sa bahay ko. Hay naku.
(Heto na at magpa-pasko na sa Pilipinas, umagang-umaga eh biglang nag-text sa akin si Eric. Nangangamusta... )
Eric:"Hello Mel! Gising na po! Hahahah! Merry Christmas! at Good Morning!"
(Nung umagang iyon naka-seven messages ang lokong iyon sa akin na kina-inis ni Mama kasi nga aga-aga nagte-text na daw. Kaya pagkakita ko noon agad ako nagtext... )
Melissa:"Ui! Good Morning din po! :) Hehe. Merry Merry Christmas din po! Ang dami mo namang text anung meron?"
Eric:"Ah.. Kasi ang boring dito sa bahay eh. Puwede ka?"
Melissa:"Na ano po? :/ "
Eric:"Text text tayo! Ano? Geh na please! :)'
(Hay. Hindi naman ako nakatanggi sa sinabi niyang iyon, buti na lang at may pera ako nung araw na iyon. Kung ano-ano ang pinagke-kuwentuhan namin na mga topic, nagpunta kami nun sa bahay ng Tita namin kaya medyo hindi muna kami nagtext-text. Dito na yung time na nag-GM ako, huwag kayong mag-alala pera ko naman yun eh, haha. Then suddenly, naisip ko si Kristian.. )
Melissa:(Pabulong sa saril)"Hay. I-text ko naman kaya ito? Baka naman magtatampo sa akin ito at hindi ako nagtetext ng Merry Christmas man lang. Hay. Takte kasi parang nagtetext kasi siya sa akin eh. Pasalamat talaga siya at nasasagi siya sa isip ko kung hindi talaga baka makakalimutan ko na yung lokong yun."
(Ayun, tinext ko na siya ng Merry Christmas Kristian, then hindi na ako umasang magre-reply iyon sa akin pero ok lang at least nasabihan ko man lang siya. Masaya na ako dun. Pumayag na si Mama sa akin na akin muna yung cellphone niya ngayong araw, hayun, walang-humpay na pagtetext tapos gabi na iyong araw na iyon, mga 11:30 pm na, text pa din kami hanggang nagtanong na ako sa kanya... )
Melissa:"Ui, teka lang ah, sa dinami-dami nating text may gusto lang akong itanong sa iyo."
Eric:"Ano yun?"
Melissa:"Ako lang ba katext mo palagi? Wala ng iba? Kasi grabe ka makipag-text sa akin eh."
Eric:"Oo. pero minsan sila Giovanni katext ko pero sa ngayon ikaw lang katext ko. May sasabihin pala ako.."
Melissa:"Ano yun?"(kinakabahan)
Eric:"May gusto ata ako sayo.. "
Melissa:"HA? Weh? Di nga? Ikaw? Magkakagusto sa akin? Imposible."
Eric:"Oo nga. Pero 2% lang, may gusto ako sayo pero 98% kay Lovely."
Melissa:"Ahh okay. Sino-sino pa ba ang mga naging crush mo noon?"
Eric:"Bukod sayo, si Iyra, Lovely at si Ivy."
Melissa:"Si Ivy? Wow. Niligawan mo yun di ba? Ano nangyare?"
Eric:"Wala eh ayaw niya. hehe."
Melissa:"Ah ganun? Haha. Mahirap kasing magtiwala ngayon eh."
Eric:"Hindi naman basta sa tamang tao lang."
Melissa:"Sa bagay. Teka, hindi ka pa ba inaantok?"
Eric:"Hindi pa eh, bakit? Gusto mo na bang matulog mhel?"
Melissa:"Oo eh. Ang dam kasing nangyare ngayong araw at saka gusto ko na ding magpahinga. Eh ikaw?."
Eric:"O sige na nga. Ako? Maya na ako, magduduyan pa ako dito. hehe."
Melissa:"Oh sige tutulog na po ako. Ikaw din po. Huwag ng magpuyat."
Eric:"Ok po. Thank you! Tulog ka na geh gud nyt! :)"
(Hanggang natapos na nga yung usapan naming dalawa nun. Kinilig talaga ako grabe kahit medyo nasaktan ako kasi nga di ba? Ang dami pala niyang naging crush bukod sa akin pero ok na yun. Naging big revelation yun sa akin. Super talaga. Pero hindi ko muna sasabihin na mahal ko siya kasi may boyfriend pa ako. Ayoko kasing saktan yun eh. Hay. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko, pero kung ako papipiliin kung anong gagawin ko? Gusto ko munang maging single at pagkatapos nun ay ipagpapatuloy ko na yung kahibangan ko kay Eric. haha. Ewan talagang mahal ko yung tao eh pero hindi ako ang tipo na magbibigay ng motibo. Never. )
BINABASA MO ANG
L-O-V-E
Romance- Hi ! Ako si Melissa ,makulit, baliw, matalino, may itsura at madaling makasama, ang babaeng na-inlove sa isang lalaking hindi ko naman nakilala- si Eric. Ang unang lalaking nahulugan ko ng loob. Nung araw na magkakilala kami ay nagkaroon na ng ma...