C H A P T E R 38: RED ALERT
Audrey Pov.
Kahapon nangyari ang eksenang pag-iisip ko magdamag, ne halos lutang na nga ata ako. Napahiya pa nga ako dahil tinawag yong pangalan ko kahapon lalo na't recitation namin kahapon, ngunit wala akong naisagot sa Filipino pa mismo!
Kaya zero ako kahapon sa recitation dahil nga wala akong naisagot diba? Kaya ito na ako nabaliw charot! Hahaha ito na ako ngayon naglalakad na papuntang university medyo malayo pero kaya ko naman lakarin kaya Go lang ng Go.
Wala naman kasing problema sakin kung maglakad ako mas nakakatipid pa nga ata ako kasi ang mahal ng mga pamasahe at sayang pa yung mga salapi. Nag-iipon kasi ako di ko alam pero gusto kong bumili ng dress ko, para incase na may party o kaya May nag-invite sakin ay may susuotin din ako kahit paano.
Galing ko talaga! Sa sobrang kakapuri ko sa sarili ko 'di ko namalayan na nandito na pala ako sa University at halos kakaunti palang ang tao. Binati ko ang security guard na bago lang ata dito? Kaya agad ko siyang kinawayan at syempre nasa mood ata ako ngayon nu? Hahaha
Kaya agad na akong tumakbo sa aming classroom at hulaan niyo ako palang ang nanditi hayst! Masanay na kayo, partida naglakad pa ako nyan, mga mayayaman talaga. Tamad pumasok ng maaga meron na nga silang kotse tapos malalate pa sila? Mga mayayaman talaga eh!
Halos nakarating nadin yung iba kung kaklase at nahagip ng mata ko ang pagpasok ni Anak ni spongebob , kaya ang napakaingay kaninang kaklase ko ay biglang nanahimik? At ito namang kumag na 'to.
Grabe kong makatingin sakin, na akala mo ay papatayin ako. Kaya agad na akong umiwas ng tingin at sakto namang pagpasok ng teacher namin kaya lahat ng estudyante ay tumayo at binati ang teacher, syempre pati ako ay tumayo narin at binati si mam. Syempre pagbibigay ng galang ano ba! Hahaha
Ng pagkaupo ko ay nakaramdam ako ng sakit at kirot mula sa aking puson. Ngunit 'di ko muna yon pinansin, dahil normal lang talaga sakin ang pagkirot ng puson ko.
--
Ng matapos ang klase ay nakaramdam naman ako ng sakit sa ulo ko at syempre pati narin sa puson ko. Haysst!
Pakiramdam ko ay meron tuloy ako? Kaya agad akong nakaramdam ng pangamba na sana ay wala pa ako ngayon pleasee?Dahil wala akong extra uniform at lalo na wala akong napkin na dala pati nadin sa locker ko. Kabanas naman oh?
Sobra na akong nahihiya 'di ko lang pinahalata. Dahil sobra na talaga akong pulang pula lalo na ang aking mukha. Di ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon? Huhuhu.. Bakit ngayon pa Lord?
Maya-maya pa ay narinig ko ang ingay mula saking likod rinig ko ang pagsasalita ni Kenjie mula saking likod at siguro pinag-uusapan nila yung tungkol sa band nila. Kaya agad akong tumayo at mabilis na tumakbo palabas, at yung bag ko naman ang ginawa kong pangtakip mula sa aking likdo ng aking palda.
Pero agad akong nakarinig ng bulong-bulungan ng nandoon na ako sa Locker room, narinig ko ang mga salitang binibitawan nila tulad ng
"Eww.. Meron siya? Pero yuck! Nagtitipif ba siya? O kaya naman mahirap siya? Hahaha!"
"Hindi siguro uso sa kanya yon girl? Hahahha!"
"Truee girl, ne hindi pa gumagamit ng napkin eww!"
Yan ang naririnig ko mula sa pagkukutya nila sakin, kaya nakaramdam ako ng mas matinding kaba ng naramdaman ko ang mainit na kamay mula sa aking bewang at naramdaman ko ang pagtalo ng jacket mula sa aking bewang.
Ng makaharap ako sa taong 'yon ay mas lalo akong nakaramdam ng hiya at kasabay non ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
END OF CHAPTER 38.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
BINABASA MO ANG
I do not know, why I liked him
FanfictionI hated him for leaving that night and I hated myself too, not only because I let him go, but because if I had been enough for him he wouldn't have wanted to leave. I do not know why I'm attracted to a bad monster maybe also, because love is blind b...