C H A P T E R 34: BLOOD
Audrey Pov.
2 days na ang nakalipas ngunit sobra parin akong nahihiya dahil sa nangyari yon. Grabe ganon na ba ako katanga para 'di ko mapansin yon, sobrang nakakahiya.
Tch! Nakakahiya tuloy."Ms.Piamonte are you listening?" Nagulat nalang akoal at bumalik sa reyalidad, dahil sa biglang pagtawag sakin ng Mapeh Teacher namin, nakikinig nga ba ako? Tungkol sa Badminton kasi ang pinag-aaralan namin, di naman ako marunong sa mga sports na ganyan eh. Kaya parang ayukong makinig.
"Y-yes sir." Sabi ko at halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sakin. Alam kong maganda ako kaya 'di na kailangan pang ipahalata sakin.
---
Pagkatapos ng Klase.
Nagsiuwian na lahat ng mga tao dito inutusan pa nga ako ng Mapeh teacher namin na ilagay ko daw sa bodega yung mga libro. Napakadami pa naman ng libro na pinakuha niya! Tapos kanina ang dami dami pang alikabok 'don sa bodegang yon. Akala mo ilang taong hindi nalinisan, Oo nga sabagay? Baka nga taon na yon hindi nalinisan eh. 'Ganon ba sila katamad dito?
Tapos kacreepy pa doon, akala mo horror both eh. Ay oo! Baka sa Intrams gawin nila itong horror both hahahahha! Galing ko talaga Bravo audrey bravo!
*klap klap klap*
Tch kaya ito ako ngayon pauwi palang at halos 06:08 Pm na gabi na pala, at syempre ako uuwi nadin ay di pa pala! Kasi pupunta ako ngayon sa naomi band tinext ako kanina nila maxine, sabi nila may practice daw kami kasi next week na yung Contest para sa laban namin. Meron kaming contest at sasali kami doon, kung sino daw yung mananalo siya daw ang magiging Famous Band dito sa pinas. Kaya pagkakataon na namin yon!
At habang naglalakad ako, pakiramdam ko parang may nakasunod sa akin. Pero 'di ko yon pinahalata baka kasi guni-guni ko lang yon. Pero hindi talaga eh, naririnig ko yung ang kanyang yapak kaya medyo kinakabahan na din ako.
Bakit mukhang ang lapit ko na ata sa Disgrasya ngayon? Tch!
'Wag naman po sana.
Naglakad ako ng mabilis pero syempre 'di ko ulit pinahalata baka mamaya holdap pala 'to! Wala pa naman akong pera kundi yung ipon ko lang, dapat pala 'di ko nalang dinadala yung mga ipon ko dapata iniiwan ko sa bahay.
Maya-maya wala na akong naramdaman na may sumusunod pa sakin. Kaya oras na pala tumakbo at habang tumatakbo ako ay nakarinig ako ng putok ng baril kaya agad akong kinabahan dahil 'di ko alam ang aking gagawin.
At dahil nawala na ako sa sarili naramdaman ko nalang na nasa sahig na pala ako at nadapa, dahil sa sobrang takot ko ay wala akong nagawa kundi ang sumigaw.
"TULONG!!" Sigaw ko halos naiiyak na ako dahil nakakita ako ng isang taong nakahandusay sa tapat ko. S-siya kaya yung b-binaril kanina?
Mas lalo akong nanginig dahil nakakita ako ng d-dugo?
'Umalis kana dito!'
Sabi ng isang babae.'Hindi mommy, hindi p-po ako a-aalis dito!' Halos pasigaw na sabi ng bata habang umiiyak.
Nakita niya ang duguan na katawan ng isang lalaki, at ang mga lalaking nakablack na maskara ang humihila sa lalaking duguan.
'Daddyyyyyy!!!' Sigaw ng batang babae.
---
3rd Person.
Halos naiiyak na si Audrey dahil sa pumapasok sa kanyang utak nakakita siya ng mga imaheng bata, isang nanay at ang tatay na duguan. Halos nanginginig sa takot si audrey dahil kusa nalang niya nalang nakita at naalala ang nangyari yon.
Mas lalo siyang natakot dahil nakasaksi siya ngayon ng isang lalaking duguan at halos 'di na siya makagalawa sa kanyang pwesto dahil sa kanyang nasaksihan, Dahil siya ay nanghihina na.
'Mommy!' Bulong niya at don na siya mismo nawalan ng malay. Walang tumulong sakanya pero merong humintong sasakyan sa tapata niya at nagulat ito dahil nakita niya si audrey na walang malay, nagulat siya at binuhat si audrey nahagip ng kanyang mata ang isang lalaking duguan at nanlaki ang kanyang mata dahil kilala niya ang lalaking 'yon.
Kaya agad niya munang ipinasok sa loob ng sasakyan niya si audrey at sinuri niya ang nakahandusay na lalaki. 'Di siya makapaniwala na ang kanyang Matalik na kaibigan ay namatay ng ganon ganon lang. Pero wala siyang nagawa kundi ang magalit at pinaandar niya na ang kanyang sasakyan at umalis sa lugar na yon. Ayaw niyang makiilam ngunit ang konsensya niya mismo ang nagsasabi na
'Magsumbong ka sa pulis, tulungan mo siya'
Ayaw nyang makiilam dahil sa oras na makiilam siya, Isang babae ang kapalit ng kanyang pakikiilam.
Ng makarating sila sa hospital sinabi niya muna sa doctor na bantayan mabuti si audrey, At huwag hahayaan iwang mag-isa. Tinawag niya ang kanyang mga body guard at pinapunta kung san room nandoon si Audrey. Gusto niyang protektahan si audrey kaya pinatawag niya ang mga body guard para bantayan si audrey, kung ano man ang mangyayari.
Pumunta si Clyde sa lobby ng hospital. 'Di parin siya makapaniwala na kung bakit ang matalik pa niyang kaibigan ang pinatay at binaril sa harap pa ni audrey.
Simula nung bata pa sila ay magkaibigan na sila, dahil ang mga magulang nila ay magkaibigan. Ngunit ngayong binata na sila ay 'di na sila nagpapansinan o di kaya wala na silang pakiilam sa isa't isa, pero may pakiilam parin si Clyde sa kanyang kaibigan. Dahil ayaw niyang magtanim ng sama ng loob sa kanyang matalik na kaibigan, na kahit ang dami na nangyari sa loob ng ilang taon..
END OF CHAPTER 34.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3
BINABASA MO ANG
I do not know, why I liked him
FanficI hated him for leaving that night and I hated myself too, not only because I let him go, but because if I had been enough for him he wouldn't have wanted to leave. I do not know why I'm attracted to a bad monster maybe also, because love is blind b...