Teacher: Kung bibigyan kita ng dalawang pusa tapos dadagdagan ko pa ng dalawang pusa tapos dadagdagan ko pa ulit ng dalawang pusa. Ilang pusa na ang meron ka?
Juan: Pito!
Teacher: Makinig kang mabuti, bibigyan kita ng dalawa, dadagdagan ko ng dalawa pa at dadagdagan ko pa ulit ng dalawa. Ilan na ang pusa mo?
Juan: Pito ma'am...
Teacher: Sige ganito baka nalilito ka lang eh. Binigyan kita ng dalawang mansanas tapos bibigyan kita ng dalawa pa. Tapos dagdagan ko pa ng dalawa ulit, ilan na ang mansanas na meron ka?
Juan: Anim..
Teacher: Good! ngayun, kung bibigyan kita ng dalawang pusa at dagdagan ko ng dalawa at magdagdag pa ulit ako ng dalawa pa. Ilan na ang pusa mo?
Juan: Pito...
Teacher: P*nyemas kang bata ka! Saan mo ba makukuha ang pito na yan at laging pito ang sagot mo?
Juan: Eh ma'am may pusa na po ako ehh, tapos bibigyan niyo ako ng anim, edi pito na. Ma'am pito!
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] JOKES😂🤣
Humor[COMPLETED] Malungkot ka ba? Basahin mo to.. VOTE AND FOLLOW