Nagtayo sa Juan ng isang klinika na may kasamang karatula na nagsasabi ng "Kung magagamot kayo ni Juan ay magbabayad kayo ng 500 at kapag hindi magbabayad si Juan ng 1000"...agad namang naging sikat ang klinika ni Juan..at may isang doktor ang nainggit kay Juan at gusto nyang subukan si Juan kung talagang nakakagamot ito:
Doktor:Juan tulungan moko..nawala panlasa ko
Juan:Nurse kunin mo ang Box 22 at patakan ang pasyente ng 3 patak
Doktor:(pagkatapos patakan)Teka gasolina to ah?
Juan:Congrats naibalik na ang panlasa mo..akin na ang 500Inis na nagbayad ang doktor kay Juan..pero bumalik pa din siya kinabukasan...
Doktor:Juan tulungan moko..nawala ang alaala ko..
Juan:Nurse kunin ang Box 22 at patakan ang pasyente ng 3 patak
Doktor:Teka? Gasolina na naman??
Juan:Congrats naibalik na ang alaala mo akin na ang 500...Naiinis na nagbayad ulit ang doktor..sa sobrang inis niya ay nag-isip siya ng sakit na di kayang gamutin ni Juan at bumalik ulit siya kinabukasan...
Doktor:Juan tulungan moko..lumalabo ang paningin ko..
Juan:Nako wala na akong gamot para jan..oh eto ang 1000
Doktor:(tinignan ng maigi ang pera)Huh? 500 lang to ah?
Juan:Congrats naibalik na ang malinaw na paningin mo..akin na ang 500
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] JOKES😂🤣
Humor[COMPLETED] Malungkot ka ba? Basahin mo to.. VOTE AND FOLLOW