Joke 53

1.1K 28 2
                                    

BABALA: Para lang to sa may malawak ang pag iisip.  . Sabi niya isubo ko raw. Nung una di ko alam gagawin ko kasi medyo nagpupumilit talaga siya. Sabi ko "Please babe, pwede next time na lang."  Hindi ko rin kasi kayang gawin dahil kakakain ko lang at natatakot ako na baka masuka lang ako. Sabi niya "Gawin mo please, para sa akin." Masyado ko siyang mahal para tanggihan pa. Linapit ko yung mukha ko at bawat segundo ay unti-unti kong napapansin yung amoy. Nung panahon na yun, napaisip ako kung normal lang ba na ganun ang amoy nun. Di ko na rin napigilang makita yung mga ugat. Kinilabutan ako pero sabi niya huwag ko na lang daw pansinin. Naipasok ko na sa bibig ko yung kalahati, di ko napigilang mandiri dahil nararamdaman na ng dila ko yung pagkamasa-masa pati na rin yung ilang hibla ng buhok nito. Tumingin siya sa'kin na parang proud na proud siya sa ginagawa ko. Sa sandaling naisubo ko na nang buo, nanlamig na yung buong katawan ko at di ko na rin napigilang iluwa ito. Dumura ako nang dumura hanggang sa mawala yung kakaibang lasa sa bibig ko. Muli siyang tumingin sa'kin na para bang nanghihinayang at sinabing "Kala ko magagawa mo na, ilang beses na natin 'tong sinusubukan 'di ba?" Medyo nalungkot ako sa sinabi niyang yun dahil nadama ko na medyo nabigo ko siya. Sa kanto niya pa kasi binili yung balot at medyo kamahalan din ang presyo nito. Habang tinitingnan ko ang balut na iniluwa ko sa sahig, wala na kong ibang nasabi kundi "Pasensya ka na babe, 'di kasi talaga ako sanay kumain ng balot eh.

[COMPLETED] JOKES😂🤣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon