OY 1: Morning SMS

308 9 0
                                    

🍎 Marie's P.O.V 🍎

I am still half a sleep when my phone suddenly vibrates. It means someone is texting me early this morning. Ang aga naman.

From: Klarksi Ko

Good morning! Wake up my sleepy head see you at school!

It is a message from Klark. Mas lumawak pa tuloy ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang mga emojing ginamit nya. He puts a kissing emoji na may heart. Napa-iling na lamang ako sabay tingin sa orasan na nasa bed side table ko. It is still 5:00 in the morning at mamaya pang 7am ang pasok namin pero sobrang aga nya talagang nag tetext sa akin just to wake me up.

Kung hindi ako makareply sa kanya within 30 minutes ay tatawag na yan sa akin just to make sure na makagising talaga ako at hindi ma late sa pag pasok.

To: Klarksi Ko

Ang corny kay aga-aga sinisira mo mood ko.

I type and send it to him . Nilagyan ko din ng laughing emoji ang end ng text ko para contradicting sa sinabi ko sa text. In regards with his name on my phonebook, opo, sya po ang nag lagay nyan sa phonebook - sobrang corny nya po, promise.

From: Klarksi Ko

Hahaha sinisira? Kaya galit na galit yang emoji mo hahaha!

Napailing na lamang ako dahil sa reply nya. Klark never missed to make me smile and laugh. Kahit sa text o tawag ay napapatawa nya ako - lalong-lalo na kung magkasama kami sa personal, my happiness is over flowing, parang walang problema sa mundo.

To: Klarksi Ko

What ever! See you at school!

I few seconds after I send my message ay may reply na agad sya sa text ko.

From: Klarksi Ko 😍

See ya! Mwah! 😘

----

"Wtf Marie! Para kang tanga ngiti ng ngiti jan!"pambubulabog ni Shine na bigla nalamang pumasok sa kwarto ko.

Tangina! Well, this is the reality - Si Shine parati yung parating sumisira sa moment ko. Kung pwede lang na ipabalik sya ng Japan, matagal na naming ginawa dahil ang galing manira ng araw eh.

"Tangina! Umalis ka nga sa kwarto ko! Labas!" sigaw ko. Isang malakas na tawa lang ang ibinigay nya sa akin sabay tuloyan na ngang isinara ang pinto ng kwarto ko. Kasalanan ko din naman kung bakit nakapasok yung isang yun, hindi kasi ako mahilig mag lock ng pinto dahil wala namang mag-nanakaw dito sa unit namin - introdur, marami. Hindi lang si Shine ang mahilig pumasok ng kwarto na hindi nag kakatok, maging ang kambal nyang si Sam ay gawain din iyon. Minsan naman ay si Yumiko - yun, sisirain nya talaga ang pinto mo kung hindi nya mabuksan agad.

I am about to stand up from my bed ng biglang pumasok ulit ang pinto ng kwarto ko at bumungad na naman ang mukha ni Shine sa akin na may nakakalokong ngiti.

"Paki bilisan please, late na tayo oh!" saad nya sabay sirado ulit ng pinto ko.

"Late mo mukha mo!"sigaw ko sabay roll eyes at nag lakad na papasok sa banyo para makapag-prepare.

Nang matapos na akong makapag-ayos, bumaba na ako para makapag breakfast.

✂✂✂✂

"Marie, bilis!" sigaw ni Sam kaya naman dali-dali akong pumasok sa kotse dahil sumisigaw na naman sila. Feeling talaga nila no sobrang tagal ko gumalaw ngayong araw nato. Imbis ang ganda na ng gising ko kanina dahil sa morning message ni Klark pero etong mga asungot nato, sinisira ang araw ko eh.

"Tangina hindi makapaghintay," inis kong sabi ng tuloyan na akong makapasok ng kotse.

"Please guys just shut up,"inis na sabi ni Hell sabay nag-start ng mag drive. Naging tahimik naman na kami sa buong byahe at hindi na bwinisit ang bawat isa.

✂✂✂✂

"Andyan na prince charming mo oh. Chupi kana, chupi!"pambubugaw ni Shine ng mapansin nya si Klark na nag-lalakad papunta sa amin. Kakapasok lang namin ng campus at sinusundo na ako ni Klark sa may gate palang.

"Walang forever," bulong ni Yumi making me roll my eyes sabay sabing "bitter ka lang," at tumawa na ikina-tsk nya.

Well, hindi pa naman kami official but we are acting as if mag jowa na kami. I also don't know if he is courting me or what but all I know is I am falling for him. He is my source of serotonin and every time I am with him, my heart flatters in happiness as if everything around me is perfection.

He always makes me feel as if I am the luckiest girl in this world. Walang araw na hindi nya ipinapa-feel sa akin kung gaano ako sa swerte but despite all of that, my side pa din sa akin na natatakot - natatakot ako na baka maging dependent ako kay Klark. Natatakot akong in the end, ako lang din pala ang masasaktan at mas worst, dahil sa nararamdaman kong to at sa kasiyahang to, I would end up ruining myself.

----

A/N:

Don't forget to VOTE, COMMENT, and FOLLOW. Also, please follow/like our official Facebook page Msblink. You can also add me on my official Facebook account Blink Write. Thank you!

Happy reading everyone and keep safe always! XOXO

EDITED

EDITED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

P.S. All the images used in this story are credited and copyrighted to the owner.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon