OY 2: My Day

157 3 0
                                    

🍎 Marie's P.O.V 🍎

"What do you want to eat?" tanong nya pagkapasok na pagkapasok namin sa canteen. As in for real, imbes na sa room kami dumiretso ay kinaladgad nya ako papunta didto sa canteen. Akala ko kanina ay didiretso na agad kami ng classroom dahil sobrang laki ng ngiti nya habang papalapit sya sa pwesto namin at walang pag-alinlangang kinuha nya ang bag ko para sya na daw ang mag dala. 

"For real Klark?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sa halip na sagutin nya ako, isang malakas na tawa lang ang ibinigay nya sa akin kaya naman napa kunot ako sa aking noo dahil sa naging reaction nya. Anong nakakatawa dun?

"Sige na, my treat!" sabi nya kaya naman may isang ideya ang pumasok sa isip ko. Libre mo pala ha, tignan natin. Kahit na busog pa ako dahil medyo napadami ang kain ko kanina pero sinabi ko pa din lahat ng gusto kong bilhin. 

"For real Marie?"panggagaya nya sa reaksyon ko kanina. Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay nginitian. Wala na din naman syang ibang nagawa kundi ang bayaran lahat ng inorder ko at kinuha ang tray na pinag-lagyan ng mga nasabi kong orders. 

Sakto lang naman yung order ko eh; isang burger, isang bake mac, once slice of cassava cake, one order of white spaghetti, and one lemon juice. See? Ang konti lang nyan - buti nga tig-iisang order lang kinuha ko eh. Alam ko namang hindi ko yan mauubos and si Klark lang din naman ang kakain nyan later on. 

Nagpaalam na akong mauuna para maka-hanap kami ng vacant seat. Kahit umaga palang ay madami-dami ng tao sa canteen dahil ang iba, dito na nag brebreakfast. 

"Here you go my highness," bungad ni Klark ng makalapit na sya sa table namin, dala-dala ang order na pinili ko kanina. Hindi ko maitago ang  ngiti sa aking labi habang naka-tingin sa tray na dala-dala nya. Medyo kumulo slight ang tyan ko kahit kakain ko palang. 

"Wait, I forgot to take my own order," sabi nya ng mailagay na namin sa mesa lahat ng inorder ko but before he can take a step, napigilan ko na sya sa kanyang pag lakad at agad syang hinila paupo sa tabi ko. 

"Hati na tayo, hindi ko naman yan mauubos eh," sabi ko na ikina-taas ng kilay nya. Inilipat ko sa harap nya ang inorder kong burger, white spaghetti, at cassava cake. 

"What's the meaning of this?" hindi makapaniwalang tanong nya dahil yung baked mac nalang ang nasa harap ko. I smile at him sabay ibinigay sa kanya ang isang tinidor na dinala ko kanina bago ako pumunta dito sa upoan namin. 

"Sayo. Baked mac lang naman ang gusto kong kainin eh," sabi ko sabay tawa na ikina-tampal nya ng kanyang noo sabay iling pero agad ding napa-ngiti dahil sa kalokohang ginawa ko. 

"You're built differently. Plinano mo na siguro to no kaya kung makapigil ka sa akin kanina, wagas na wagas eh," hindi makapaniwalang sabi nya. 

"Sort of," sabi ko sabay tawa at sinubuan sya ng baked mac. "Masarap ba?" I ask. Favorite ko kasi tong bilhin dito sa canteen - ang creamy at ang cheesy kasi ng baked mac nila kaya't hindi ako nag-sasawang kainin to. 

"Yeah. To be honest, first time kong makatikim neto, masarap pala." for real? Sa tagal ng may tinda neto dito eh ngayon lang sya nakatikim ng pang malakasang baked mac ng canteen nato?

"How could you! Eto ang best seller sa canteen and yet hindi ka pa nakakakain neto? Damn bro! Kung gagraduate ka na hindi nakakakain neto, kulang ang school life mo," sabi ko sabay kain ng baked mac ko. Pangiti-ngiti pa ako habang kumakain but Klark's face looks so serious while looking at me. Anong problema neto? 

"Why?" teka, okay lang naman to kanina ah, bakit ngayon parang naka-langhap ng masamang hangin?

"What did you just say?" seryosong tanong nya. Ha? Ano pala sinabi ko?

"Kulang ang school life mo?" not sure kong sabi. 

"Before that." before that? Ano yun?

"Damn bro?" medyo may pag-aalanganin kong sabi na ikina-taas ng kilay nya sabay tango-tango. 

"Damn bro," pag-uulit nya na mas lalo ko pang ikinataka. Anong masama dun sa sinabi ko?

"Damn bro ha," sabi nya pang muli at kasabay nun ay ang pag-sundot nya sa tagiliran ko kaya't napa-sigaw ako dahil sa gulat. Gagi! May kiliti pa naman ako sa tagiliran!

Halos napa-tingin ang lahat ng tao na nandito sa loob ng canteen dahil sa pag-sigaw ko. Yung iba pa nga ay napa-hinto pa sa pag-lakad at pag-kain kaya't napa-siksik ako sa gilid ni Klark dahil sa hiya. 

"Why did you do that!" nahihiyang sabi ko. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng dalawang pisngi ko dahil ang init neto sa pakiramdam. Nakakainis si Klark! Pero sa halip na mag sorry ay tinawanan nya lang ako. Tuwang-tuwa amp.

"Kakainis ka!" sabi ko saka sya naman sinundot ko sa tagiliran pero wala etong naging epekto sa kanya. 

"I'm sorry, hindi ko alam na may kiliti ka pala sa tagiliran," natatawa nya pa ding sabi. Inirapan ko nalang sya at ipinag-patuloy nalang ulit ang pagkain ko ng aking baked mac. Bahala sya jan sa buhay nya basta ako, kakainin ko to - uubosin ko to dahil sayang. 

"Tawa ka ng tawa jan, mapasokan ng langaw yang bibig mo eh," sabi ko na agad nya ding ikina-tikom ng bibig nya. 

"I'm sorry," natatawa nya pa ding sabi pero inirapan ko lang sya. 

"I'm sorry, babe. It will happen again kaya't brace yourself," sabi nya. Bigla namang nag loko ang puso ko dahil sa tawag nya sa akin. Babe? Wait! F8ck! Endearment ba namin yan? Hoy Marie! Huwag kang delosyonal! Sobrang aga pa para mag delusion!

"Whatever, Klark!" sabi ko pero tawa lang ulit ang isinukli nya sa akin. Napag-hahalataang ako na talaga ang happiness nya ha. 

"Thank you for completeng my day, my Marie." bulong nya sa taenga ko sabay pasimpleng halik sa aking pisngi. 

Dug dug - dug dug. 

Shuta ka Klark! Panindigan mo tong kilig na nararamdaman ko ngayon! Rawr!

----

A/N:

Please don't forget to FOLLOW, COMMENT, and VOTE. Please follow/like our official Facebook page Msblink for announcements and updates. You can also add my official Facebook account Blink Write. Thank you!

Happy reading everyone and keep safe always! XOXO.

Happy reading everyone and keep safe always! XOXO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

P.S. All images being used in this story are credited and copyrighted to the owner.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon