OY: 37"Welcome home, Outing, Call" pt 2

23 0 0
                                    

🍎 Marie's P.O.V 🍎

Nakarating na kami dito sa resort na binooked nila and super duper relaxing sya. Yun bang mawawala lahat ng stress mo!

Speaking of Klark. Hindi sya nakasabay saamin papunta dito Kasi may ginagawa pa daw sya sa opisina nila na ipinag-taka ko. Wala naman syang nasasabi ah and it turns out na simula pa kanina di pa sya nag-tetext o tawag man lang saakin

"Padating na daw si Klark" anunsyo ni Justin na kinakunot ng noo ko.

Alam ko mag-kaibigan Sila. Matagal na, pero hello! Girlfriend here! Wala man lang text? Taena!

"Marie, Yung noo mo parang matatanggal na" kantyaw ni Shine Kaya naman ni rollyuhan ko nalang sya ng namata.

"Punta muna ako sa kwarto" paalam ko kasi nabwibwisit naako. May mali talaga eh, at kaylangan ko yung malaman para man Lang di ako mag-mumukhang tanga

*Tok-tok*

"Marie! Kakain na!" Sigaw ng kung sino man sa labas ng room ko. Kaya naman kinusot ko ang aking mata.

Nakatulog pala ako? And it's 6:30 na ng gabi

"Marie! Bilisan mo nagugutom naako!" Tawag ni, hay si Shine lang pala -_-*

"Oo na! Di makapag-hintay eh!" Sigaw ko sabay tayo sa kama at kuha saakong telepono. Hmm, wala man lang text o tawag galing kay Klark haha nice

Pag-labas ko ay bumungad agad saakin ang nakabusangot na mukha ni Shine.

"Andito na oh!" Bulyaw ko

"Ang bagal mo kasi! Mauubusan tayo ng pagkain eh!" -- Shine

"Patay gutom lang Shine?"

"Hindi, but you can't blame my babies they're hungry you know" sabi nya sabay hair flip kaya naman nirolyo ko nanaman ang aking mata.

"Andito na sila!" Sigaw ni Jj

"Alam mo, nakakahiya talaga makasama tong si Jj napaka childish" bulong ni Shine na kinaubo ko

"Wow! Big word! Parang ikaw din eh no Hindi childish" I said in a sarcastic tone

"Whatever" -- Shine

"Let's go eat!" Anonsyo ni Jj sabay kuha ng cellophane para sa kamay. Kasi buddle fight yung style nila eh.

"Natawag nyo na si Klark?" Tanong ni Hell

"Oo parating na daw" -- Jake

So, andito na pala sya? Di man lang nya ako tinawagan o pinuntahan man lang sa kwarto para gisingin at mangumusta saakin?!

"Oh san ka pupunta Marie?" Tawag atensyon saakin ni Hell.

"Busog pa ako eh" Sabi ko sabay patuloy na nag-lakad hanggang makalayo sa gawi nila.

Diko namalayan at dinala na pala ako ng aking mga paa dito sa may malaking bato. Kaya naman I decided to climb up

"Wow" Yun nalamang ang nasabi ko dahil sa ganda ng aking nakita. Mataas pala ang bato nato at kita mo ang buong resort at nice timing rin kasi ang daming stars

"Mas maganda siguro kung andito sya" Sabi ko sa sarili sabay higa

"Sino?"

"Tangina!" Gulat kung bulyaw at agad na napatayo. Tangina sino to?

"Sino ka? Serena? Shokoy?" Takot kong tanong

"Hahaha you're so funny miss" Sabi ng lalaki na nasa medyo madilim na part ng bato kaya diko maaninag ang mukha nya

"Tangina ka hwag kang lalapit saakin!" Pag-babanta ko at agad na humawak sa bracelet ko which is may nakatago na shuriken

"Chill!" Sabi nya sabay pataas ng kamay nya na para bang susuko na

"I'm Ash! You are?" Pakilala nya sabay lahad ng kamay. At in fairness, gwapo sya

"Marie" plain face Kong tanong sabay higa ulit

"By the way, sorry kanina kung natakot kita" sabi nya sabay upo sa tabi ko

"Okay lang" sagot ko sabay tutok sa langit waiting for a shooting star

"How did you get in this spot?" Tanong nya

"My feet brought me here" Sabi ko. Medyo chismoso tong gagong to ah

"Ah, this place is so captivating right?" -- Ash, teka kanina pa to english ng English ah

"Yeah" bored kong Sabi

"Bat ka Pala nandito?" Tanong ko

"I'm waiting" -- Ash

"Who?" Kunot noong tanong ko

"love of my life" sagot nya habang nakatingala sa langit I can sense na broken hearted to

"Sorry hah kung makikichismis ako, pero bakit dito? Bat hindi dun sa resort na mailaw tska dito pa talaga na medyo madilim"

"This our favourite place, and I promised na hihintayin ko sya saaming tagpuan. Kaya everyday I go here hoping to see her again" -- Ash

"Oh I'm sorry" Sabi ko. At dahil sinagad ko na ang aking pagiging chismosa

"Bat pala kayo nagkahiwalay?"

"Because of her ex, bumalik kasi and her parents and parents ng ex nya ay nagkasundo na ipakasal sila, arranged marriage kung Baga" -- Ash, nag-hihintay lang ata to sa wala eh! Kaloka naman to!

"Baka kinasal na sila?" Awkward kong tanong

"I don't know. But she promised na babalik sya dito at sasama sya saakin. Tatakas sya sa bahay nila at gagawa kami ng sarili naming pamilya" -- Ash

"Sorry to say this but, di kaya sumama na talaga sya sa ex nya and she forgot about you?"

"Once you love someone you are willing to wait. Kahit pa ilang dekada na yan. Hihintayin at hihintayin mo sya no matter what. Cause giving-up is only for weak people." Ash

"I'll take that as a good advice" I said while smiling

"Di Kaya hinahanap ka na dun?" He ask out of nowhere kaya naman napabalik ako saaking sistema.

May mga kasama nga pala ako haha

"Hahaha guess what! Nakalimutan kong may mga kasama nga pala ako!" Sabi ko sabay tayo at pagpag ng aking shorts

"Haahha sige na. Medyo malalim na ang Gabi" Ash

"Yeah! Gotta go! Sana one day maging masaya kana!"

"Ikaw rin. Uhm?"

"Marie" I said while smiling

"Yeah, Marie! Hahaha sorry not good at remembering names" Sabi nya while nakangiti

"It's okay. See you Ash" huling paalam ko sabay talikod at nagsimula ng maglakad

Ilang minuto rin akong nag-lakad bago nakabalik sa cottage na nirentahan namin at as usual puro tanong ang ibinato nila saakin

Kesyo saan daw ako galing, bakit ang tagal ko raw, bakit di daw ako kumain, ano daw gagawin ko kung mawala ako at Kung ano-ano pa!

Pero isang ngiti lamang ang sinukli ko kahit sobrang layo ng sagot ko Sa mga tanong nila

"I'm good" I said sabay lakad papasok sa hotel. Well actually, I'm not kasi diko naiintidihan si Klark. Parang iniiwasan nya ako na ano! Diko magets.

Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon