Chapter 1

1.9K 28 0
                                    

Chapter 1- Maxeen Javier

Maxeen's POV:
Nagising ako ng madilim pa ang langit sa labas, nung tinignan ko ang aking orasan sa side table ko ay "3:30 am" palang pala. Inalala ko ang nangyari kagabi, maaga pala ko nakatulog kakaiyak dahil
bago umalis sila mommy at daddy ay pinagalitan na naman nila ako, puro nalang daw ako alis ng alis sa bahay. Eh sa school naman kasi ako nang gagaling , atsaka puro projects naman ginagawa ko kaya ako umaalis sa bahay tapos sasabihin nilang puro gala lang ako. Pero hayaan mona hanggat alam ko sa sarili ko na hindi masama ginagawa ko at mali ang iniisip nila ay iintindihin ko na lang, alam ko namang gusto lang nila akong mapabuti atsaka ayaw lang naman nila ko umuuwe ng gabi kasi delikado, kaya ayun iniyak ko nalang kagabi para mawala yung sama ng loob ko. Ayokong magtanim ng sama ng loob kina mommy kasi kahit lagi nila ko pinapagalitan ayoko namang magalit pa sila sakin ng tuluyan, lilipas den naman yun, iiwasan ko nalang din ang pag uwi ng gabi para hindi na sila mag alala. Habang iniisip ko kung bakit ako maaga nakatulog kagabi ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko, sinilip ko muna kung anong oras na at parang ang aga pa para may kumatok sakin eh dalawa lang naman kami ni kuya dito sa bahay. Nung tinignan ko ulit yung orasan sa side table ko ay 5am na pala, hindi ko napansin yung oras sa lalim ng iniisip ko kanina pero wait medyo palakas na ng palakas ang katok sa pinto ko ,eh kung si kuya yun dapat mga 3 katok palang tapos bubuksan na niya yung pinto ko gamit nung susi namin pero sino kaya to? Habang palapit ako ng palapit sa pinto ay siya ding pag lakas at pagbilis ng tibok ng puso ko ,natatakot ako na ewan kaya nung nahawakan ko na yung door knob ay huminga muna ko ng malalim at dahan dahang binuksan ang pinto. Nagulat ako ng bigla akong itinulak ng isang lalaki papasok sa kwarto ko at nilock niya ang pintuan ko,napaupo ako sa sahig nung itinulak niya ako ,medyo sumakit pwet ko dahil sa pagkabagsak ko pero ang pinaka kinagulat ko ay nung buhatin niya ako pahiga sa kama ko at dahil sa lamp shade lang ang gamit ko ay hindi ko masyado maaninag ang mukha niya pero nabigla ako ng niyakap niya ako, amoy na amoy ko sakanya ang alak kaya nasiguro kong nakainom ito pero natakot ako kung sino ito,baka rapist, magnanakaw or mamamatay tao kaya itinulak ko siya bigla pero ang mas kinagulat ko nung buksan ko ang ilaw ko ay isang gwapong nilalang ang nakita kong nakaupo sa sahig dahil sa pagkakatulak ko. Nung mas naaninag ko na yung mukha niya ay napatili ako bigla kasi si Louie pala yung lalaking yumakap sakin, kilala siya bilang isang babaero at laging nakikipag basag ulong tao. Nagtaka naman ako kung ano ang ginagawa nya dito, kaibigan ata siya ni kuya pero imposible namang kaibigan siya ni kuya eh mabait na kuya si kuya max, atsaka puro aral lang inaatupag niya imposibleng kaibigan niya itong badboy na ito. Kaya tinanong ko kung anong ginagawa nya dito sa bahay namin at sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya, medyo pupungay pungay pa siyang tumingin sakin

"Wala lang baby " sabi niyang ganon,nainis naman ako kasi tinawag niya akong 'Baby' loko ba siya? pano niya ko magiging baby eh hindi ko nga siya kilala masyado eh..

"Anong Baby?!" Medyo inis na sabi ko naman.

"Bakit? Hindi ba't gusto mo din naman?" sabay kindat niya, lalo naman akong nairita kasi napaka yabang niya,gwapo siya pero sobrang hangin naman. Pagkatapos niya nun sabihin ay tumabi siya bigla sakin at umupo sa kama,humarap siya sakin at pinaharap niya din ako sakanya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya umatras naman ako, wala na akong nagawa nung nacorner na niya ako kasi nakasandal na ako ngayon sa pader, mas nilapit pa niya ang mukha niya kaya medyo napapapikit ako. Pinagdadasal ko na lang na sana hindi siya ang maging first kiss ko, naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko at ang ang hininga niyang amoy alak na papalapit sa akin, naitulak ko naman siya bigla nung may narinig akong napamura.

"Shit" sabi ni kuya ng pagkabukas niya ng pinto "Anong ginagawa mo sa kapatid ko Uno?!" Medyo pasigaw pa niyang sambit.

"Dos, hindi mo sinab sakin na maganda pala kapatid mo" nakangisi nitong sambit, nahiya naman ako kaya lumapit ako kay kuya, bigla naman akong hinila ni kuya papunta sa likuran niya at kinausap muli si Uno daw (Louie).

"Uno naman hindi ko siya pinakilala sainyo kasi alam kong matinik kayo sa babae, lalo ka na at syempre kakambal ko pa sya, iba na lang uno ang pagdiskitahan mo huwag na si Maxeen" medyo mahinahon nang sabi ni kuya.

"Paano pag ayoko?!" Pahamon na tono nitong sabi kay kuya.

"Kung ayaw mo Uno aalis na ko sa grupo, sumali lang naman ako sa grupo niyo para maprotektahan ko itong kapatid ko pag may nang agrabyado sa kanya pero kung ikaw mismo ang mang gugulo sakanya ,kakalimutan ko nang leader kita at kaibigan kita!" Medyo pasigaw na namang sabi ni kuya.Ano bang pinagsasabo niyang leader leader at bakit kaya uno tawag niya kay louie? Magkaibigan sila? Ano yun kasama din si kuya sa grupo ng badboy na ito?

"Kuya bakit 'Uno' tawag mo dyan sa badboy na yan?" Tanong ko habang nasa likod pa din ako ni kuya.

"Bunso mamaya na magpapaliwanag si kuya ha" tapos ginulo niya buhok ko "labas ka muna dun may almusal na sa lamesa kumain ka na muna" sabi niya pa at pinalabas na ako sa pinto. Nung palabas na ako ay may narinig akong sinabi si Louie.

"Nice to meet you Maxeen Javier" narinig kong sabi niya.Hindi ko nalang ito pinansin at pumunta nako sa dining area at kumain na, napaisip naman ako kung ano na kayang nangyayari dun sa dalawa sa kwarto ko. Habang kumakain ako may narinig akong nagtatawanan at papalapit dito sakin,nagulat na naman ako ng may makita akong 3 lalaki na nakatopless, napapansin ko nagiging magugulatin na ako this past few minutes. Pero nung maalala kong may mga nakatopless na lalaki sa harapan ko ay napatakip tuloy ako bigla sa aking mga mata.

"Whooo! Sino ka? Maid ka ba dito? Ang ganda mo namang maid" narinig kong sabi ng isang lalaki.

"Baliw ka tres baka kapatid yan ni dos " narinig ko namang sabi nung isa pa.

"Sino po kayo?" Medyo naiilang ko pang tanong habang nakatakip pa rin mata ko ng dalawa kong palad.

"Tanggalin mo na nga yang kamay mo sa mata mo " medyo cold na sabi nung isa,sinunod ko naman siya at tinanggal ko na ang kamay ko.Salamat naman at nagsusuot na sila ngayon ng t-shirt ,nung nasuot na nila ng maayos ay lumapit na sila sa akin at umupo sa tabi ko.

"Mga kuya sino po kayo?" Magalang ko pa ding sabi.

"Ako si James Ethan Tuazon or also called as tres" sabi nung lalaki kaninang tinawag pa akong maid -,-

"I'm Luke Dale Sy also called singko" sabi nung isa pang lalaki na sinabi kaninang baka kapatid ako nung dos daw. Tumingin naman ako dun sa isa pang lalaki na kumakain na at nakapoker face ang mukha, naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya lumingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay napaisip tuloy ako kung bakla ba ito. Pero imposible ang pogi eh , actually nacrush at first sight ako sakanya hahaha

"What?" Cold na tanong nito, nahiya naman ako kaya yumuko ako bigla.

"Fine, I'm Jhon Michael Lopez also called as kwatro" sabi naman niya,nagtaka naman ako kung bakit puro may also called also called pa silang nalalaman. Napaisip naman ako kung may Uno also called as Louie , may Tres also called as James , Kwatro also called as Michael at Singko also called as Luke sino naman kaya si Dos na tinutukoy nila at bakit sabi nila ay kapatid ko daw?

"Sino naman si dos?" Tanong ko

[Ang slow mo naman maxeen, kanina pa nila sinasabi kung sino di mo pa rin get. Hay nakuuu!]

{Huwag ka nga sumabat Ms.Author! Mana lang naman ako sayo!}

[okeyyy HAHAH!]

"Kuya Max mo" sabi naman nung James.

"Si kuya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo siya si...." Naputol sasabhin niya nung dumating si kuya kasama si Louie

------

To be Continued...

Don't forget to vote and comment

Bad Boy's Love (On Going)Where stories live. Discover now