Chapter 10

355 7 2
                                    

Chapter 10- Necklace

Maxeen's POV:
"Louie..." sabi ko sa kanya na parang nahihiya pa

"Ano yun?"

"About nga pala sa kagabi.."

"Ano meron?"

"Yung paghalik ko sayo" sabi ko at napansin kong natahimik siya at parang napatulala

"Sorry ha" dugtong ko agad sa sinabi ko

"Naku, ayos lang yun. Kung gusto mo ulitin mo pa eh" pabirong sabi niya pero halatang pinilit niya lang magbiro dahil halatang apektado siya sa paghalik ko sakanya kagabi

"Loko! Kumain na nga lang tayo" sabi ko nalang

"Why? Sabihin mo lang willing ako magpahalik ulit sayo" sabi niya sabay nguso

Pinalo ko ng kutsara ang labi niya at hinimas niya ito dahil napalakas ata pagkakapalo ko

"Sorry haha, ikaw kasi eh" sabi ko

At ayun kumain kami nang nagtatawanan dahil panay banat siya ng mga biro na corny pero nakakatawa

Natapos ang araw na magkasama kami dahil ayaw niya akong iwan mag isa, nag aalala daw siya sa akin

Hindi ko alam kung totoo bang nag aalala siya o kung palabas lang ito at parte ng mga plano niya

----
Kinabukasan ay may pasok na ulit kami at late ako nagising dahil napasarap ang tulog ko

Bumalikwas agad ako at nag asikaso ng malaflash

Tumakbo ako papunta sa kotse ko at nalimutan ko ang phone ko

Hinayaan ko na lang dahil malelate na talaga ako

Pagkadating ko sa room ay saktong kadarating lang ng Prof namin at mukha naman siyang good mood kaya kahit halos sabay lang kami dumating ay di siya nagalit

Pagkaupo ko sa upuan at biglang nagsalita si Sarah at inusog kaunti ang upuan niya palapit sa akin

"Late ka? Himala! Anong nangyayari sayo this past few days girl?"

"Wala naman" pagpapatay malisya ko pero ang totoo ay alam ko sa sarili ko na dahil ito kay Louie

"Hayy nako ikaw Maxe---" naputol ang sasabihin niya nang tinawag siya bigla ng Prof namin

"Ms.Valdez, anong binubulong bulong mo diyan kay Ms. Javier? Baka gusto mo naman ishare sa buong klase" sabi ng Prof namin kay Sarah na dahilan para mapayuko siya dahil napahiya siya

Parang kanina lang ang okay ng mood ni Prof pero nagbago agad, bakit kaya? Hmmm..

"So our Lesson for today is all about ----" at yun naglesson na si Prof at mabilis lumipas ang araw, wala naman masyadong nangyari aside sa pang aasar sa akin ni Louie. Lagi naman kaya nasanay na ako

Oo nga pala hinalikan na naman niya ako kanina habang naghahanap ako ng libro sa library

Tapos dahil naiwan ko cellphone ko ay di ko matawagan si kuya at di ko siya maupdate sa kung anong nangyari sakin ngayong araw kasi nasanay kami na lagi inaupdate ang isa't isa

(Author: Akala ko ba wala masyadong nangyari? Eh ang dami dami mo chika diyan)

Shut up Ms.Author

Ayoko na nga magkuwento bida bida masyado si Author

So yun nga mabilis natapos ang klase at ngayon ay nasa condo ko na ako, matutulog na sana ako nang may nakita akong pares ng sapatos sa labas ng kwarto ko kaya kumuha muna ako ng pwedeng ipamalo, baka may nakapasok na magnanakaw or what

Bad Boy's Love (On Going)Where stories live. Discover now