Chapter 9- Sakit
Louie's POV:
"Pre, anong nangyari?" Tanong ko agad kay tres pagkadating ko sa ospital.Nakita ko sila dos,kwatro at singko na tulog sa may upuan
"Pre ano nga nangyari?!" Ulit na tanong ko kasi parang di niya ko napansin, siguro dahil na rin bagong gising siya.
"Si ate kasi uno..." sabi niya, gag*ng lalaki ito binibitin pa ako
"Ano nga?!" Inis kong sabi
"Nanganak na siya uno, napalapit ka naman na sa pamilya namin lalo na kay ate kaya ibinalita ko na din sayo, actually lahat kayo napalapit na sa pamilya ko HAHA!" Kalmadong sabi niya, nawala naman na yung kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya
"Tang*na tol pinakaba mo naman ako at gag* paanong di kami mapapalapit sa pamilya mo eh magkababata tayong apat at nadamay lang si dos dahil bago lang siya sa grupo"sabi ko tapos binatukan ko siya
"Bakit inano ba kita?" Painosenteng tanong niya
"Anong inano?! Kung makatawag ka at makatext ka kasi akala mo may masamang nangyari na!"
"Sorry na, lahat naman kayo ginanun ko kaya it's a tie" sabay tawa niya ng nakakaloko
"Gag*" sabi ko na lang
Nabigla ako nang magring ang phone ko at makita na unregistered number ito
(095637-----)
Sinagot ko ito at nagulat ako ng makilala ko ang boses sa kabilang linya
"Maxeen" sabi ko
"Louie..."
"Ano yun? May kailangan ka ba? May nangyari bang di maganda?"
"Louie, di ko kasi macontact si kuya at di ko naman alam number ng ibang kaibigan niyo kaya ikaw na lang tinawagan ko. Nanghihina kasi ak---- toottttt" Nag end na ang call kaya agad akong tumakbo papunta sa kotse ko, hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko at agad akong dumiretso sa condo ni Maxeen. Nabanggit kasi sakin ni dos na may sarili ng condo si maxy at malapit lang yun sa school namin.
Pinaharurot ko agad ang kotse ko papunta sa condo ni Maxeen
------
"Miss, Maxeen Javier?" Tanong ko agad doon sa babae na nag eentertain sa mga visitors
"Room 110 on the 8th floor Sir" sabi nung babae at agad na akong tumakbo papunta sa elevator
Pinindot ko agad ang 8th floor at nang makarating ako ay agad ko hinanap ko ang room 110, nakita ko naman agad. Pagdating ko sa harap ay kakatok pa lang dapat ako pero napansin kong bukas ito kaya mas nag alala ko, pagkapasok ko ay nakita ko si Maxy na nakahiga sa sofa at tulog.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang noo niya, "sobrang init niya" sabi ko sa sarili ko
Agad ko siyang binuhat papunta sa kwarto niya at inilapag sa higaan, kumuha ako ng tubig at bimpo na pwedeng ipamunas sa kanya
Pinunasan ko siya mula noo pababa sa mata, pababa sa ilong at napahinto ako ng nasa bandang bibig na niya ako. Tinitigan ko itong mabuti at napansin kong maputla ang labi niya at nanunuyot pero napakaganda pa din nito
Bigla siyang gumalaw at medyo dumilat ang mata
"Louie" bigkas niya ng mahina pero sapat na para marinig ko
Bigla siyang nagsuka at pati ako ay nasukahan niya
Agad akong pumunta sa banyo niya at hinubad ang tshirt ko na nalagyan ng suka niya, buti na lamang at sa damit lang ako nalagyan. Pagkatapos ko linisin ang sarili ko ay si Maxeen naman ang lininis ko
Nagdalawang isip ako kung dapat ko ba siya palitan ng damit o hindi, pero baka mangamoy siya kapag di ko siya pinalitan.
Pero dahil nirerespeto siya ay pilit ko siyang ginising at medyo nasa huwisyo na ata siya. Sabi ko ay magpalit siya ng damit, walang anu ano ay naghubad siya kaya napatakbo ako palabas ng kwarto niya.
Pagkabalik ko ay nakabihis na siya at tulog na ulit, pinunasan ko na ang mukha at braso niya
Ng biglang hinila niya ako...
Hinalikan niya ko at inabot iyon ng ilang segundo sabay balik sa pagtulog
Dahil sa ginawa niya ay di ako mapakali kaya nagluto nalang ako ng lugaw for her, marunong naman ako kahit papano magluto
Ginising ko siya at pinakain sakanya ang lugaw, nung una ay nabigla pa siya na nandoon ako lalo na't nakatopless ako pero siguro dahil sa sama ng pakiramdam ay di na siga nag hysterical
Natapos na siya kumain at pinainom ko na siya ng gamot, di ko napansin na gabi na pala at malakas ang buhos ng ulan sa labas
Di ako makakauwi kaya minabuti ko na lang na magstay muna dito. Sa sofa na lang ako matutulog
----
Nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain
Pagkadilat ko ng mata ko ay bumungad sa akin ang isang magandang babae na nagluluto sa kusina, nakatalikod man siya ay kitang kita ang kagandahan nito
Lumingon siya sa akin at sabay sabing
"Tara kain na tayo" pag aaya niya sa akin
"Okay ka na ba?" Tanong ko at pupungas pungas pang tumayo at lumapit sa kanya, hinawakan ko ang noo niya at hindi na siya mainit. Mabuti naman
"Oo, okay na ako. Salamat nga pala sa pag aalaga sa akin" sabi niya sabay ngiti
Napatitig nanaman ako sa labi niya at naalala ang paghalik nito sa akin kagabi
Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa harap ng mukha ko dahil natulala na pala ako
"Tara kain na tayo" sabi niya
"Sige tara, ako na ang maghahain" sabi ko naman
"Louie..."
"Ano yun?"
"About nga pala sa kagabi.."
"Ano meron?"
"Yung sa paghalik ko sayo"
Natahimik ako ng sabihin niya yun, akala ko kasi wala siyang alam dahil sa may sakit siya at parang wala sa sarili.
-------
To be continued...
Don't forget to vote and comment🌟
YOU ARE READING
Bad Boy's Love (On Going)
Fiksi Remaja"Love may give you happiness, but it can also cause pain"