Chapter 5

890 22 1
                                    

Chapter 5- The Gang Five

Maxeen's POV:
Mabilis na lumipas ang oras at break time na,papunta na ako ng canteen ng may kumausap saking babae bigla.

"Maxeen right?" Tanong nito sakin

"Yes?" Tanong ko

"I'm Sarah Marie Valdez" tapos nilahad niya ang kamay niya para makipagshake hands ata.

"Hmmm..Maxeen Javier" sabi ko at nakipagshake hands na,hindi naman ako bastos para hindi tanggapin yun. Akmang magpapaalam na sana ako ng bigla siyang kumapit sa braso ko. Weird.

"Bestfriend na tayo ha" Sabi nito ng nakangiti,nailang naman ako kasi hindi ako sanay makipag close kahit kanino

"Hmmm..sige " sabi ko na lang.

"Tara! punta na tayong canteen" Masaya niyang sambit at hinila na nga niya ako papasok sa loob ng canteen.

"Tara dun tayo sa mga kaibigan ko" sabi niya pa at pumunta na kami sa isang lamesa na may tatlo pang babae.

"Sino siya Sarah?" Tanong nung babaeng kulay brown yung buhok.

"Ahh siya si Maxeen, Sophie" At tumango lang ito sa akin.

"Hi!! I'm Althea Mae Dela Cruz " sabi naman nung babaeng may blonde hair.

"I'm Angelica Jane Mendoza"Sabi naman nung isang babae na may mahabang buhok na kulot onti sa dulo.

"Princess Sophie Suarez" sabi nung kanina na nagtanong kung sino ako.

"H-hi! I-i'm Maxeen Javier" sabi ko na medyo nahihiya.

"Whooo! Javier ka?" Tanong nilang tatlo.

"Oo,bakit?" Takang tanong ko naman,bakit parang manghang mangha sila na Javier ang apelyido ko?Ang weweird nila.

"So kapatid mo si Max Javier?" Medyo kinikilig pang tanong ni Althea.

"Oo,bakit? Anong meron sa kakambal ko?" Tanong ko ulit.

"Kambal kayo?" Manghang tanong ni Angelica.

"Opo. Unli" pabulong ko na lang sinabi yung unli nakakahiya naman HAHA! Pero medyo inis na ako,paulit ulit eh.

"Ayy sorry, hindi lang talaga kami makapaniwala na kaharap namin ngayon ang kapatid ng ISA sa mga sikat sa school"nabigla ko kasi narinig pala nila yung sinabi kong 'unli'. Paghingi ng paumanhin ni Angelica dahil napansin niya atang nainis ako.

"Okay lang yun,ganun ba kasikat kuya ko para ganyan reaction niyo na kapatid ko ang isang Max Javier?" Tanong ko naman.

"Oo,hindi mo ba alam na sobrang sikat ang grupo ni John Louie Alvarez na 'The Gang Five' na kinabibilangan ng kakambal mo?" Sabi naman ni Sarah.

"Hindi ehh,sinikreto kasi sakin ni kuya na kasali siya sa grupo ng mga Badboy. Nung kailan ko lang nalaman na kasali pala siya dun" Sabi ko naman pero nagpaliwanag narin naman sakin si kuya kung bakit siya sumali sa grupong yun,sabi niya sumali lang daw siya dun para maprotektahan ako sa mga maaaring manakit sa akin pero hindi naman daw niya sukit akalain na tataas ang posisyon niya at magiging kanang kamay ng Leader nila na si Louie kaya mas nahihirapan daw siyang kumalas sa grupo dahil marami na din silang napagdaanan na mag kakasama,pero sabi niya lagi naman siyang nag iingat kaya wag na daw ako mag alala pero hindi ko pa din yun maiiwasan lalo na at kakambal ko pa siya kaya kinakabahan ako kapag nasasangkot sila sa gulo.

"Maxeen tara upo ka na dito" pagpapabalik sakin ni Sophie sa realidad,habang nagkukwentuhan sila ay kumakain lang ako at nakikinig at sabi nila kaya daw sila nakikipagkaibigan sakin dahil gusto nila mapalapit din kay kuya kaya medyo sumama loob ko na dahil lang pala kay kuya kaya gusto nila ko maging kaibigan.

"Ahh si kuya lang ba dahilan kaya niyo ko kinakaibigan?" Medyo dismayado kong tanong.

"Hindi naman sa ganun,dati ka pa nga namin gusto isali sa grupo namin pero nahihiya kaming lapitan ka kasi baka nga isipin mo na yung kuya mo lang ang dahilan pero hindi noh. Napansin kasi namin na maganda ka,matalino,pero tahimik kaya gusto ka namin isali sa grupo namin kasi grupo ng magaganda kami kaya dapat kabilang ka samin" Mahabang paliwanag ni Sarah na nag flip hair pa.

"Ahh ganun ba?" nasabi ko na lang.

"Oo kaya from now on,kasama mo na kami lagi ha" Sabi naman ni Sophie.

"Ahh sige" pag tango ko,naputol pag uusap usap namin ng makarinig kami ng maingay na tilian at mga bulungan.

"Whaaaaaa! Nandyan na ang the gang five!!!" tili ng isang babae sa hindi kalayuan.

"OMG!! Tumingin sakin si James" sabi nung isa pang babae.

"Ngumiti sakin si Luke" sabi naman nung isang babae.

"Kinindatan ako ni Louie"

"Tumingin sakin si Max"

"Umirap sakin si Michael" sabi nung isang babae na nakaagaw ng atensyon ko, kinikilig pa siya dahil inirapan siya ni Michael? Haysst mga babae nga naman.

Iba lang yan sa mga bulungan dito sa canteen ng dumating na sila Louie.

At papalapit sila sa lamesa namin,kaya halos mangisay na sa kilig ang mga kasama ko.

"Hi baby" bati ni Louie sakin.

"Sabing huwag mo ko tawagi-..." Naputol na naman ang sasabhin ko ng binigyan niya ako ng smack sa labi, nanlaki na naman ang mga mata ko at nakita ko kung paano din nanlaki ang mga mata ng mga tao dito sa loob ng canteen. Pati si kuya Max ay nagulat sa ginawa ni Louie.

"Strawberry flavor" sabi na naman niya,lagi niya nalang yan sinasabi pag hinahalikan niya ang labi ko, siguro ay dahil sa ginagamit kong strawberry flavor na lipbalm. Pero balik sa katotohanan, hindi pa din ako makamove on.

"Sila kaya?" G1

"Babae niya lang yan" G2 and G3

"Hindi yan magtatagal" G4

"Flirt" G5

"Pabebe"  G6

Ilan lamang yan sa mga bulung bulungan dito sa canteen.

****

A/N
Hi guys! Sana magustuhan niyo itong story ko, medyo common na pero pipilitin kong gawin itong unique.

Ano kayang gagawin ni Max Kay Louie dahil sa paghalik nito sa kakambal niya?

~~~~~~~

Ano kayang gagawin ni Maxeen Kay Louie ?

~~~~~~~~~

Bakit sinabihan si Maxy ng mga tao sa canteen na baka Babae lang siya ni Louie at parang sanay Na ang mga ito na may Babaeng hinahalikan si Louie?

-•-•-•-•-•-•-•-•-•

Let see what will happen next..

Please vote and comment guys..🌟

Bad Boy's Love (On Going)Where stories live. Discover now