Chapter One

1.6K 36 23
                                    

A dedic to beautybass. She’s the reason why I post this now. The original planned date was supposed to be Monday next week but since she requested for this, eto na. Malakas ka sakin eh! HAHA! Consider this as my birthday gift. ;) <3

If you haven't read Date With The Arrogant yet (my another story), it's okay dahil hindi naman sya gaanong connected doon. This is just a taste of Ivan's love story so reading the DWTA is not really necessary. :) THANKS guys! ;))

~ ~ ~

A story doesn’t necessarily have to begin with a prologue. Likewise, a beginning doesn’t necessarily have to always start with the first. Sometimes, it’s also best to start with the second.

CHAPTER ONE

Madilim. Check.

Walang tao. Check.

Malamig na gabi. Check.

“Perfect.” Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang lugar kung saan ako naroon.

Kung merong kantang Bridge Over Troubled Water, papatalo ba naman ang sarili kong version na Troubled Lady Over The Bridge? Of course not!

Mataman akong tumingin pababa habang nakalean ako sa railings nung tulay. Tiningnan ko yung tubig. Ilang feet kaya tong ilog na to noh?Sana naman lagpas to sa 5 feet 4 inches kong height noh? Tumingin ako sa langit. Ngumiti ako. At muling nilibot ang mata ko sa paligid.

Perfect nga tong lugar na to. Perfect place for a quiet suicide.

Speaking of suicide, naalala ko na naman yung mga nangyari kanina samin ni Daniel. Sus, bakit ba kasi hindi naging Katerina yung pangalan ko at hindi naging Da-nyel ang pronunciation ng pangalan nya. It’s Daniel. Yung sosyal na pagpronounce ah, mind you. Edi sana baka Walang Hanggan na yung naging ending naming dalawa. Haay.

“It’s not you, it’s me.”

Yan ang sabi nya sakin kanina. Punyetang paksyet na linya yan! Syet. Ayoko talagang umiyak ngayon eh, kaya lang… pag naaalala kong yung tatlong taong naging relasyon at pinagsamahan namin, wala na kong magawa. Pakiramdam ko, nasasakal yung dibdib ko sa sakit. First love ko sya. First kiss. First kaholding hands. He’s the first person who has shown me what it feels like to be in love. But in the end, sinayang lang nya lahat ng firsts na yun! The nerve!

Pinagpalit lang naman ako sa ibang babae. Da fvck diba? Sus. Kung tutuusin, ang swerte na nya sakin. Almost perfect girlfriend na nga akong masasabi eh. San pa ba syang makakakitang babaeng katulad ko? Malas na lang nya dahil walang ibang babaeng kalevel ko. Magsama sila nung Therese na yun. Naku titirisin ko pa yung ahas na yun makita nya eh!

Haay. Ano bang gagawin ko? May problema na nga ako sa pambayad ko sa garapal naming landlady, sa napakamahal kong project, at problema sa school, dumagdag pa si Daniel. Ang sakit sa puso eh. Daig ko pa ang nacardiac arrest nito eh.

Halaa. Wala na. Sabi ko hindi ako iiyak eh. Pasaway talaga tong luha ko oh! Nakisabay pa sa pagkabadtrip ko! Naman. Kung sana nagagamot lang ng mura yung sakit, edi sana kanina pa parang armalite tong bibig ko. Bwisit bwisit bwisit!

Napatingin ulit ako sa malawak na ilog. Para bang sinasabi nito na, “C’mon baby. Jump!” Peste. Kung magpapakamatay ako ngayon, tapos na yung lahat ng problema ko. Baka magbigay pa ng malaking abuloy yung mga taong kilala ko. Pag nangyari yun, ilalagay ko sa suicide note ko na idonate yung magiging abuloy sa charity. Oh diba, bongga! Wala na kong problema, nakatulong pa ko sa mga nangangailangan.

I took a deep breathe. Sumampa ako sa railing ng tulay.

This is the moment. Goodbye cruel world.

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon