Chapter Two

579 24 13
                                    

A dedic to Gendy. Thanks for the support lady! ;)

~~~

Yung feeling na nagmamadali ka na para sa subject mo tapos wala palang pasok. Syet. Ako na yata talaga ang epitome ng kamalasan. Oha! Kaya nyo yun? Epitome! HAHA.

Paksyet. San kaya ako tatambay nito ngayon? Mamaya pang alas tres yung sideline ko dun sa ice cream parlor eh. Alas nuebe pa lang ng umaga. Ayoko namang umuwi kasi pipilitin na naman akong singilin ni Aling Lorna ng renta. Pag talaga sumweldo ko, ipapalamon ko sa kanya yung pera ko. Haha! Buti nga't pinagtitiisan ko pa yung dorm nya eh.

Pumunta ako sa gazebo para tumambay. Sakto namang nakita ko si Pau dun. Ano naman kayang ginagawa ng bruhang ito dito? Nilapitan ko sya.

"OMG Bebs! Anong ganap mo? Bakit mugtogels yang mata mo?!" Hysterical na tanong nya sakin nung tuluyan na akong nakalapit sa kanya.

Inismiran ko sya. Kahit kelan talaga, napakaOA magreact nitong bruhildang to. Bestie ko yang si Paulo. Yep, you read it right. Paulo. Isa syang malanding babaeng natrap sa isang nilalang na pinagkalooban ng dalawang pingpong balls at isang sword of glory. Sayang, gwapo pa naman sana. Minsan nga iniisiip kong hubaran at halayin eh. Baka sakaling matauhan at bumalik sa pagiging lalaki. Kaya lang hindi naman ako ganun kamanyak.

"Wala na kami ni Daniel." Malungkot kong sagot sa kanya. Nahalata pala nya yung pamumugto ng mata ko. Syet naman kasi eh, pag naalala ko lahat ng moments na pinagsaluhan namin, parang may tumatarak na punyal sa puso ko. Tae yan, ang corny ko.

Kagabi nga, bago ko matulog, binasa ko muna lahat ng sweet messages nya na sinave ko pa sa archives ng cell phone kong isang bagsak na lang, magigiba na. Hay. Bakit ba ganito ang buhay? Kahit naman mukha akong hindi seryoso sa mga pinagsasabi ko, totoo yung nararamdaman ko kay Daniel. Mahal ko sya eh. Haay. Naeemo na naman tuloy ako. Ang sakiiittt!

"HUWAAAT?!" OA na reaction ni Pau. Pagkaraan ay bigla na lang syang nagflash ng close up smile sakin. "Kongrachumaleyshons Shannon "Bebs" Hernandez! Winner ka teh! Finally, natauhan na yang brainy mo! Lez celebrate!" Tuwang tuwang sabi nya. Parang konti na lang, magtititili na sya sa tuwa.

Tiningnan ko sya ng masama. Common knowledge na sa aming dalawa na hindi talaga sya boto kay Dane para sakin sa simula pa lang. Magkakaklase kasi kami nung high school. Naging boyfriend ko si Dane nung fourth year kami. Nung nalaman ni Pau na kami na ni Dane, sya ang unang unang kumontra. Kesyo playboy daw si Dane, lolokohin lang daw ako at papaiyakin. Pero kahit anong negative na bagay yung sinabi nya, binalewala ko lang. Ano namang magagawa ko eh mahal ko yung tao?!

"Hoy Salamat sa pagcomfort ah? Nakakatulong yung sinasabi mo sa nararamdaman ko ngayon." Naiinis na inirapan ko sya.

"Gaga! Ichukchak ko kaya yang fez mo sa semento?" Tinuro nya yung pader gamit ang pumipilantik nyang mga daliri. "Mabuti na yan noh! Dapat nga matagal na eh. Ikaw lang tong nagpapaka-gaga over him! Kaloka!"

"Eh Bestie, mahal ko eh. Mahal ko yung tao." Sobrang mahal pa nga eh. Haay.

"I must admit gwapo yang si Dane. Yummy pa the body. Eh ano namang silbi nun kung tsinatsarlot ka lang nya behind your back? Vuhket ka pa magpapakamartyr davah? Sasayangin mo lang yung pagmamahal na yan. Snap back to reality girl." Malandi pero may bahid ng kaseryosohan ang boses nya. Hinawakan nya yung eyebags ko. "Look at your fez sistah, daig mo na tuloy si Madam Auring sa kachakahan. Tama na the emoness. Hindi ka si Katerina para magcry cry over Daniel. Dapat yung hinahanap mo katulad ni Nathan na magpapakapsycho dahil sa pagmamahal sayo. Hahah. Kalurky! O kaya naman kay Papa Chen. Deliciouzzz."

Napangiwi ako sa mga sinabi nya. Obsess talaga yang si Pau sa mga teleserye. Pati nga ako nahahawa na eh. Trivia: Idol na idol nya si Gretchen Baretto nun sa Magkaribal. Haha. "Ang manyak mo talagang malandi ka."

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon