Chapter Ten

391 14 9
                                    

"Alam mo, may iba't ibang kategorya ang tao pagdating sa pag-ibig. May iba't-ibang zone. May iba't ibang level. Unang una na dyan eh yung FRIEND ZONE. At doon ka nabibilang, in the lost city of friend zone. At ang reason? Mabait ka, almost perfect na nga eh... but the person you love chose someone jerker over you." Sabi ko, sabay tungga nung sanmig na hawak hawak ko.

Hindi ko alam kung anong oras na pero nandito kami ngayon ni Ivan. Nagkekwentuhan ng kung anu-anong bagay. Nakaupo kami pareho sa wooden floor habang nagkalat naman yung balat ng chips namin. Nakahilera din yung mga bote ng sanmig. Ang adik naming dalawa eh noh? HAHAH.

Eh paano naman kasi, sineryoso ni Ivan yung biro ko kanina na mas masarap magkwentuhan habang nag-iinuman. Kaya ang ending, eto... tama na yan, inuman na! Haha. Parang wala kaming pasok kinabukasan eh. Hahah!

"Yeah... friendzone..." Mahinang sabi ni Ivan, sabay tungga din ng alak na hawak nya.

"Tapos..." Pagpapatuloy ko habang ngumunguya ng Doritos. "Meron namang NOOBIE ZONE... dyan pumapasok ang mga martyr, tanga, noob, bobo at mga bulag sa pag-ibig. Yung tipong sinasaktan ka na ng taong mahal mo eh, patuloy mo pa din syang minamahal sa kabila ng mga heartaches na binibigay nya sayo. It's like living in hell with the person you choose to be with but disregarded it just because of one reason: Love"

"That sure sucks."

I nodded. I smiled bitterly before I sipped the beer. Narealize ko kasi na napunta na din pala ako sa stage na ganun. When I was with Dane. I disregarded all his flaws kasi mahal ko sya. Binigyan ko sya ng maraming chance kasi mahal ko sya. But in the end, niloko lang nya ako.

"At meron pa... the BITTER OCAMPO ZONE."

Natawa si Ivan sa sinabi ko. Ewan ko lang kung naniniwala sya sa mga kwentong barberong sinasabi ko. Hahah. Oh diba, ang galing ko? HAHA. Tss. Hindi pa ako lasing nyan ah.

"Dyan naman pumapasok yung mga taong nagsisisi kung bakit pa sila nagmahal. Kadalasan, sila yung mga taong nagiging man or woman hater. Kasi nagmahal sila ng sobra sobra kaya sobra sobra din silang nasaktan. Yung tipong mapapatanong ka sa buong mundo kung ano ba yung ginawa mo para sapitin mo ang mapait na hagupit ng pag-ibig.And most of the time, nandun ang regrets for loving the person who made you become like that."

HAHAH! Sheet lang! Ang lalim ng sinabi ko. Hahah. Oh yeah, inom ulit ng sanmig. Minsan na lang uminom eh lubus lubusin ko na. Tutal naman eh huling inom namin ni Pau eh nung birthday pa nya.

"Hey tama na Shan! Baka malasing ka nyan." Sabi ni Ivan habang tinutungga ko yung bote.

"Anubey. Malaki ang space ng bahay-alak ko noh. Hahah! At saka.. nag-uumpisa pa lang tayo eh." Natatawang sabi ko.

"Alright. Ikaw ang bahala." Sabi nya... at sya naman ngayon ung tumungga nung alak.

"And last but not the least... the LOVE ZONE. Base on the name, alam na! Yan yung mga maseswerteng nilalang. The love they have is like a reflection in the mirror, nagbabounce back. Parang division sa fraction, nairereciprocate. Parang pawnshop, may binibigay ka at meron ding ibinibigay sayo. Sila yung mga nakakainggit na tao. Bakit? Kasi they are lucky enough to find the one they love and the one who love them back. Malayo sa kung anumang kinalalagyan natin ngayon."

Malalim akong bumuntong hininga pagkasabi ko noon. Totoo naman eh! Kung bakit ba naman kasi may favoritism si cupid at meron mga taong sinuswerte sa pag-ibig na yan. Tss. Unfair lang eh!

"To generalize it all, in our situation... we belong in the UNLUCKY ZONE. Actually, kung tutuusin meron lang naman talagang dalawang kategorya yung pag-ibig eh. Merong mga sinuswerte. At merong minamalas. At tayo yun! Yung mga minalas. Nabigo. Nasawi. Nawasak. Nabroken hearted." Bumuntong hininga ako pagkasabi ko noon. Haay. Ngayon ko lang napag-isip isip to eh. Ang malas ko nga talaga. Binalingan ko si Ivan na nakatingin lang sa akin. Tinaaas ko yung bote ko sa kanya. "Huy! Wag ka ngang emo dyan! Cheers!"

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon