Chapter 12

580 20 11
                                    

SUPER SORRY SA SUPER KADUPER LATE UPDATE!

--

Recap:

“Seryoso ako, Shannon. Paano kaya kung tayo na lang?”

Gaaaahh!!! UTANG NA LOOB! Hindi na lasing si Ivan. Usapang matino na to at tinanong nya ako nun!! SERYOSO SYA!! Anong gagawin ko? Anong isasagot ko? Nagrarambol na ang mga neurons sa utak ko at hindi malaman ang iisipin! Bakit nya ba to tinatanong sakin?

AS IN KAMI NA LANG? Magjowa. Magsyota. Mag-labiduds. Mag-nobyo. Magboyfriend?? Ganun ba yung ibig sabihin nya?!!

“Bakit?” Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Hindi ko talaga alam kung ano pang salita ang kailangan kong sabihin para maintindihan ko ang sinasabi nya.

“For us to forget both of the people we love.” Tumingin sya sa akin. Hindi sya nagjo-joke. Hindi sya nantitrip, alam ko iyon, dahil sobrang seryoso at sincere ang mga mata nyang nakatingin sa akin. “I’ll try to help you forget your ex, help me forget Laine.”

“So ang pinipinpoint mo eh, maging rebound tayo ng isa’t isa. Ganun ba?” Mariin kong tanong. Kahit saang anggulo, iyon ang naging dating ng sinabi nya sa akin.

“No… our case is different. Let’s forget our first loves… by being each other’s second first love.”

*********

Kahit saang anggulo, hindi ko makuha kung ano ang ibig sabihin ng second first love. Duh! Nasaan ba ang logic nun? Second first love??!Second na first love? ANO DAW?

“No… our case is different. Let’s forget our first loves… by being each other’s second first love.”

So ang mangyayari, gagamitin namin ang isa’t-isa para makalimutan namin yung first love namin? Kahit ano pang sabihin nya, malinaw naman na gagawin lang naming panakip butas ang isa’t-isa if ever eh.

AGHH! Nakakainis naman kasi ung lalaking yun eh. Kung anu-ano yung sinasabi!!

“OH MY HOLY FREAKY EFFIN MOTHER OF GAWD!”

Bakit ba kailangang magreact ng ganito ang bruhang bestie ko? Ang OA nya kahit kailan! Dumagdagdag pa sa mga nalilitong brain cells ko ngayon! Binato ko sya nung unan sa gilid ko.

“OA mo naman magreact!”

“Gagah! Syempre, napakaunbelievable ng sinabi mo noh?! Si PAPA IVAN, tatanungin kang maging… ano nga ulit yun? Second first love daw? DUHH. Hindi ako naniniwala. Of all pretty gals out there, ikaw pa talaga eh noh. Gaahh! Disgusting! – ARAY TEH!!”

Binato ko ulit sya ng unan. This time, tinamaan na ang bruha sa mukha nya. Hahaha. “Wag ka na nga makigulo Pau. Sisipain kita dyan.”

“Eh teh, ano nga pala yung sinagot mo sa tanong ni Papa Ivan?” Curious na tanong nya habang nakaarko pa ang isang kilay.

Napabuntong hininga ako pagkarinig ko ng tanong nya. Ano pa nga ba ang isasagot ko? Edi sabi ko, pag-iisipan ko. Mahirap pumayag sa gusto ni Ivan. Madaming pwedeng mangyari. Syempre, iniisip ko yung mga consequences if ever noh.

Sa ngayon nga, ayoko pa munang makita si Ivan eh. Hindi ko alam kung dahil ba maiilang ako pagkakita ko sa kanya, o ayoko lang muna masilayan yung mga nakakatunaw na mga ngiti nya! HAHAH! Tss. Kasi naman eh! Kung pwede ko lang sapakin ang sarili ko kapag naalala ko ung inuman session namin. Yung ‘niyakap’ nya ko. At nung tinanong nya ko ng “Paano kaya kung tayo na lang?” Grr! Dinagdagan pa nya nung moment na yun sa CR at ng line na “We look like a newly-wed couple.” What the pak diba?! Sabihin daw ba un sa loob ng CR! Very unromantic! Chos! HAHAH. Agh shit nababaliw na kooo! Mas matindi pa to sa E=Mc2 ni Einstein eh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon