Chapter Seven

387 17 13
                                    

Pumasok na kami ni Ivan sa kwarto na inuupahan ko. Maliit lang yung kwarto na to. Pang-isahang tao lang talaga.

“Wow. Cute!” Ngiting sabi ni Ivan pagkaraan ay pumasok na sya sa loob. Sumunod naman ako sa kanya agad. Nakuu pag nakita kong nagpapasok ng lalaki dito, patay talaga ko sa landlady namin.

“Ihh? Ineechos mo naman ako eh. Nice ba to?” Maliit lang naman kasi tong kwarto na to. Meron lang study table, isang maliit na book shelf at saka nga yung single bed na nandito.

“Silly, I’m not talking about this room. I’m referring to this cute little girl here.” Tinuro nya yung picture na nasa ibabaw ng study table ko. Iyon ung picture ko nung grade three yata ako. Iginala nya yung mata nya sa loob nung kwarto. “But this room is nice though.”

“Echosero.” Matipid na sabi ko lang sa kanya. Natawa lang ang loko.

Tinabi ko na ung bag ko. Nakita ko naman syang umupo sa gilid nung kama ko. Tiningnan din nya yung ibang pictures dun sa bedside table.

“Parents mo?” Maya-maya ay tanong nya habang hawak ung isang frame. Yun  ung picture namin na kinuhanan many years ago. Bata pa ko dun sa picture na yun eh.

“Yep.” Tango ko.

“You’re as beautiful as your mom.” Sabi ni Ivan. Nakatingin lang sya dun sa picture habang nakangiti.

Ihh. Fudge naman tong si Ivan ohh. Ang lakas mambola eh. Hahah. I swear, best in giving compliments yata tong tao na to eh. Para bang puro positive things lang yung alam nyang sabihin. He’s super nice.

“I know right!” Biro ko na lang sa kanya although feeling ko eh nagbablush ang pisngi ko. I’m not really used to other people complimenting me. Mas sanay akong ako lang yung nagcocompliment sa sarili ko. Hahaha! “Ano bang gusto mong kainin? La paz batchoy o bulalo?”

“Wow. Magluluto ka?” Amuse na sabi nya.

Natawa ko sa sinabi nya. Binuksan ko ung maliit na cabinet malapit sa study table. Mga cup noodles yung laman nun. Iba-ibang flavor. Meron ding mga canned goods at konting junk foods.

“So ano ba? Pili na.” Ngiting sabi ko.

“Don’t tell me, puro ganyan lang yung kinakain mo?!” Gulat na tanong nya sakin.

“Hmm. Oo? Nag-iisa lang naman kasi ko dito eh. Wala na kong time para magluto pa. At saka mas tipid yan. Kadalasan naman eh sa school ako nakakakain ng mga normal na pagkain.”

Actually, nagluluto naman ako minsan. Pero sobrang bihira lang talaga. Meron namang electric stove at rice cooker dito kahit paano. Tinatamad lang talaga akong magluto since wala din naman akong kasamang kumain.

“My god Shannon. Those foods are all junk! Napaka-unhealthy nyan.”

“Ehh ano ka ba? Sanay na ko noh. Bakit? Hindi ka ba kumakain nyan? Tss. Ikaw naman kasi eh. Wala ng ibang pagkain dito. Pasaway ka kasi eh, sabi na ngang bawal ang lalaki dito eh. Lagot tayo sa landlady namin. Kung meryenda lang kasi hanap mo, sana sa labas na lang tayo kumain diba?”

Wala din naman syang nagawa at pareho na kaming kumain na dalawa. Ayaw naman kasi nyang lumabas. Baka daw din na sya makasok ulit dito pag lumabas sya, baka makita na kami ni Aling Lorna.

Nakakalurky tong si Ivan. Ni minsan hindi nakatuntong siPauat Dane dito sa kwarto na to kasi nga no guys allowed dito

Sa halos isang taong pagtira ko dito sa boarding house na to, ngayon lang meron ibang taong pumasok dito sa kwarto ko. Ngayon lang ako may nakasabay kumain. Ngayon ko lang naramdaman na hindi ako nag-iisa dito.

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon