Chapter Three

467 16 9
                                    

Nagmamadali akong umattend sa subject ni Sir Mike. Buti na lang hindi ako late! Favorite subject ko pa naman yung klase nya. Biology. At ngayong araw, magdidisect kami ng pusa! HAHAHA!

Pero bago pa man kayo mandiri or magreklamo sa PETA, mga patay na pusa na yung ididisect namin. At for your info, natural ang cause of death nila ha! Tatanggalan lang namin sya ng laman tapos ibababad sa formalin ang skeleton nya. Oh diba, astig! HAHA.

Nang nandoon kami sa lab, naglecture muna ng konti si Sir Mike pagkaraan ay inumpisahan na naming tanggalan ng laman yung mga kawawang pusa. Aww poor cats. Kapag nakasanayan mo na ang mag-dissect na ganito, kahit ano pang awa mo sa kawawang creatures, wala ka ng magagawa. Eh part to ng lesson eh.

Habang hinihiwa ko yung laman nya, naimagine ko na sya si Dane. Kung pwede lang gawin ko to sa walangyang ex ko, matagal ko ng ginawa! Parang ang sarap nyang balatan ng buhay at lagyan ng asin pagkatapos. Hahah. Syet. Nahahawa na yata ako sa mga psycho novels na binabasa ko.

Bakit kaya pag Bio, ang bilis ng oras? Mabilis na natapos ang klase at bitin ang feeling ko. Todo hugas ako ng kamay at naglagay ng katakot takot na alcohol pagkatapos.

Papunta na sana ako ng cafeteria para maglunch nang may mahagip ang mata kong isang tagpong hindi kanais nais. Ang mga walang hiya! Ang lakas ng loob mag-PDA! Nakaupo sa bench si Daniel at ang malanding si Therese na sweet na sweet na naghaharutan. Ang lalaswa, hindi na nahiya!

Pakiramdam ko umabot sa boiling point ang dugo ko. Nung makita ko silang dalawa, gustong gusto ko na silang isunod dun sa pusa na dinisect ko. Nung isang linggo lang kami nag-break ni Dane pero ngayon, parang pinapangalandakan nya sa campus na “Mga dude. Nagdedate na kami ng hot na cheerleader na si Therese. And I dumped my ex girlfriend for her.”

FUCK! Yung feeling na nawasak na nga yung puso mo, sumama pa pabulusok pababa pati pride mo. Nakakainis. Naiiyak ako sa sobrang inis! Ganito na lang ba ko kawalang kwenta sa kanya? Hindi man lang ba nya naisip ung tatlong taon naming pinagsamahan? Hindi man lang ba nya naisip kung ano yung mararamdaman ko?

Imbes na dumirecho ako sa cafeteria, napagpasyahan kong itext na lang siPau. Nawalan na din ako ng ganang kumain. Ihihinga ko na muna yung sama ng loob ko kay bestie.

“Oh Bebang. What’s up? Ano na namang kadramahan yan?” Umupo si Pau sa tabi ko. At marahang hinagod ang likod ko. “Umiiyak ka noh? Kalurky. Hindi bagay sayo Bebs.”

Nakaub-ob kasi ang mukha ko sa wooden table. Ganito talaga ako pag nababadtrip. At badtrip ako kaya naiiyak ako. Syet!

Inangat ko yung mukha ko tapos ay pinunasan ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko. Tiningnan ko siPau. “Bestie…” Tawag ko sa kanya.

“Yuck Bebs. And chaka ng fez mo! Ano na naman ba yang iniiyak mo ha?” Inabutan nya ako ng tissue. Kinuha ko naman iyon at ipinunas sa luha ko pagkaraan ay suminga ako doon. Diring diri akong tiningnan niPau.

“Kase naman si Dane eh. Ang sakit pa din  Pau. Ang sakit pa din.” Parang batang sumbong ko sa kanya habang umiiyak ako.

Ngumuso siPau. “Gaga! Tontakels kadin kahit kelan eh. Bakit mo naman iiyakan yung ganung lalaki ha? Hindi nya deserve yung mga luhang yan noh. Umayos ka nga Shannon!” Ayan. Seryoso na yang si Pau. Tinatawag lang nya akong Shannon pag galit at seryoso sya.

“Eh bestie, ano bang magagawa ko? Hindi ko mapigilan eh.” Pag-hihimutok ko.

Bahagya nyang pinat ang ulo ko. “Magising ka nga sa katotohanan Shannon! Tumigil ka nga sa pag-iyak.”

Parang bata ko naman syang sinunod. Ang pagalitan ako ang way ni Pau para icomfort ako. Ang pang-aasar sakin ang way din nya para lambingin ako.

“Tseh! Badtrip kasi yang gagong si Dane eh. Ang kapal ng mukha. Bato yata yung puso nun eh.” Pilit kong kinakalma yung boses ko sa kabila ng mga paghikbi ko. “Peste. Karmahin sana sya ng bonggang bongga.”

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon