Chapter Five

395 12 6
                                    

Gaano man kalakas ang sigaw ng mga tao sa concert na ito, walang panama doon ang paulit ulit na bumubulong na boses sa utak ko: Dafvck.

“Earth to Bebs. Earth to Bebs!” Tawag sakin ni Pau habang inaalog nya ang mga balikat ko.

Tinanggal ko yung mga kamay nya. “Anubey Pau.” Iritang sabi ko.

“Kanina ka pa kaya nakatulala dyan. Muka kang ewan.”

Inirapan ko lang ang bruha. Hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwala na ang Ivan na nasa harap ko ngayon at ang Ivan na nakilala ko sa tulay ay iisa. Napakaliit nga naman talaga ng mundo. Ibig sabihin, sya yung napagsabihan ko nung mga frustrations ko sa buhay? Dafudge.

Sabi ko pa naman, mas mabuting sabihan ng sikreto minsan ang mga taong hindi nakakakilala satin. Yun pala schoolmate ko pala tong si kuyang napagkamalan kong suicidal nun sa tulay. What the! What kind of luck is that?! Paano kung may binabalak syang masama once na makita nya ako ulit? Baka mamaya ipasalvage ako nito. Who knows diba? May mga taong mukhang harmless, psychotic naman pala.

Pero kung tutuusin, patas lang naman kami kasi nasabi nya din naman sakin yung tungkol sa love life nya. Teka, isa kaya sa mga ChocoPaps na ito ang tinutukoy ni Ivan?

“She’s in love with someone else. She’s with my friend now. They’re together for like 5 months already.”

Sino kaya yung friend na yun? Ang hirap manghula since nung pumunta yung ChocoPaps sa ice cream parlor noon, mukang lahat sila may girlfriend, ung mga babaeng kasama nila. Pero sino naman kaya sa tatlong babae na yun ang bestfriend ni Ivan?

Tinakpan ko yung mukha ko nung mapansin kong tumingin sa harapan ng audience si Ivan. Sheet Epal naman kasi tong si Pau eh, kung bakit sa dinami dami ng pwesto, dito pa talaga nya sa unahan pinili.

Muli kong tiningnan si Ivan. Ewan, pero ang lakas ng dating nya habang tumutugtog sya. Lakas ng sex appeal! HAHAH. Lalo na nung tumingin sya sa audience at nag-smile. No wonder kung bakit mukhang mga ewan na fantard tong mga babaeng tumitili sa tabi ko, kasama na dyan si Pau.

“Bestie. Anong oras ba matatapos yan?” Maya-maya ay tanong ko. Nangangawit na kasi ako kakatayo eh. Hindi ko na nabilang kung ilan na yung mga kinanta nila na halos karamihan eh kanta ng Eraserheads, The Script, Coldplay at ng iba pang sikat na banda. Meron din naman silang kinantang mga pop music na ginawa nilang alternative rock. Medyo okay okay naman yung tugtog nila. Not bad. Pwede na. HAHAH. Taas ng standards ko eh noh? HAHAH.

“Anubey Bebs. Wish ko nga hindi na matapos to eh.” Akala mong nangangarap na sabi ni Pau. “Haay, sana kasi tanggalin na lang nila yung damit nila para mas bongga.”

Binatukan ko sya. “Manyak mo. Kadiri ka talaga.”

Ilang minuto pa ang lumipas. Nagugutom na ko. Hindi pa ba matatapos tong concert na to? Tagal na ng exposure nila huh. Hahah. Joke lang. Lagot na nga ako kay Ivan, kung anu-ano pang iniisip ko. Ah basta! Hindi na lang ako magpapakita dun para tapos ang problema. Malaki naman tong campus. Kung noon nga hindi nagtatagpo ang mga landas namin eh. Ngayon pa kaya na alam kong dapat ko syang iwasan? Naku, hindi muna ko tatambay sa tulay. At sana, hindi sya dumaan doon sa ice cream shop.

“Hey guys! Ayos pa ba kayo dyan?” Maya-maya ay tanong nung vocalist nila. Ano nga bang pangalan nito? Nagtilian naman yung audience. Grabe, lakas ng energy ng mga to. Hindi ba sila nagugutom at napapagod kakatayo?

Parang gusto ko ngang sumigaw na tapusin na yung tugtog nila eh. Kaya lang baka kuyugin ako nung mga fantard na babae dito. Hahah. Nakatingin lang ako dun sa ChocoPaps habang nagsasalita yung vocalist nila. Pero ganun na lang ang gulat ko nang mapansing may isang pares ng matang nakatingin sa kinatatayuan ko. Holy molly! Agad agad kong pinantakip ang buhok ko sa gilid ng mukha ko at saka tumagilid. Nakita nya kaya ako? Napansin kaya ako ni Ivan? Patay!

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon