Chapter Nine

358 13 7
                                    

“Here, change your clothes.” Inabot sakin ni Ivan yung isang white shirt. Kinuha ko naman iyon sa kanya. Kasi naman, naabutan kami ng ulan kanina. Basang basa kami pareho. Pati nga yung tatlong aso eh. Haha! Nakakatuwa lang nung sabay-sabay kaming nagtakbuhan sa ilalim ng ulan kanina.

“Thank you. Saan ba ko pwedeng magpalit?”

“Gusto mo, dito na lang? Tatakpan ko na lang yung mata ko.” Sabi nya tapos, nilagay nya yung isang kamay nya sa isang mata nya, Tiningnan ko sya ng masama. Tss. Napakamaloko talaga nitong taong to.

“Gusto mong ihomicide kita dyan?”

Natawa na lang sya sa sinabi ko at tinuro na sakin ung CR. Nang masuot ko na ung shirt nya, natawa na lang ako sa itsura ko kasi napakalaki ng shirt sakin. Maya-maya pa ay may kumatok sa CR.

“Hey Shan. May shorts ako dito. Nakita ko kasing basang basa din yung jeans mo eh.”

Binuksan ko ung pinto at nakita ko syang may inaabot saking shorts. Kinuha ko iyon sa kanya. Itinaas ko ito at tiningnan.

“Boxer shorts?!” Takang tanong ko.

“Yep. My other shorts may be too big for you. Don’t worry. I haven’t worn that yet. Sige na. Kesa naman uncomfortable ka sa suot mo diba?”

Kahit medyo nag-aalangan ay sinuot ko pa din yun. Ahh, so this is how it feels to wear boxers. Hahah! Medyo maikli lang yun kaya natatakpan pa din ng oversized shirt na suot ko yung upper part nung boxers. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin at saka nilugay ko yung medyo mahaba kong buhok. Ang ganda ko! Chos! Hahah.

I hanged my shirt and jeans para medyo matuyo sya. Magpapalit na lang ulit ako mamaya pagkauwi ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko, naamoy ko agad yung amoy ng freshly brewed coffee. Wow. Tamang tama, sobrang lakas pa din kasi ng ulan eh.

“Tara. Coffee tayo?”

Parang medyo nag-cringe ako sa narinig ko. Diba iyon yung line nila Angel at John Lloyd sa movie na Unofficially Yours? Oh noooooo! Tinakpan ko ang dibdib ko at napatingin ako sa legs ko na nakaexpose. Oh my! Tumingin si Ivan sakin na parang nawiwirduhan sya sa ginawa ko. After realizing what I’m doing, inalis ko na yung kamay ko at saka inayos yung shirt. Then, I cleared my throat. Grabe ka Bebs, ang dumi ng utak mo. HAHAH!

“Anong oras kaya ako makakauwi nito?” Tanong ko pagkaabot ko ng coffee pagkaraan ay tumingin ako sa labas para makita yung ulan.

“Stay here overnight. I think the rain’s not going to stop soon.”

Muntik ko ng mabuga yung kapeng iniinom ko pagkasabi nya nun. Ano ba yan? Dito nya ko pinapatulog? Halaa. Wag na lang. Hindi mabuti yun para sa isang dalagang Pilipina. Wahaha!

“Tss. Wag na noh. Hatid mo na lang ako maya-maya.” Sabi ko. Anong oras na ba? Alas nuebe pa lang naman ng gabi. May two hours pa kong pwedeng maghintay since mga past 11 naman sinasara ni Aling Lorna yung gate sa boarding house.

“Okay. That’s when the rain stops, okay? Delikado pa naman sa daan lalo na at basa ang kalsada.” Umoo at ngumiti na lang ako sa kanya. “Do you want to listen to music as we wait for hours to go by?”

Nagnod ako sa kanya pagkaraan ay umakyat kaming dalawa sa second floor ng bahay nya. Doon kami nakarating sa isang kwarto. Binuksan nya iyon at namangha ako sa bumungad sa amin.

May mga nakadikit na band posters sa wall. May isang shelf na puro cd’s yung laman. May isang drumset at tatlong gitara at isang keyboard. Merong computers at mixer. Isang music studio. Astig!

“Wow!” Sabi ko pagkaraan ay umupo ako sa likod ng drums at nag-try pumalo. Too bad, at hindi lang ako marunong mag-drums.

“Welcome to my sanctuary!” Nakangiti nyang sabi. Kinuha nya yung acoustic guitar, umupo sa stool at tinapat sa kanya yung mike tapos ay tumingin sa akin. “Good evening lady. Do you know that today is your lucky day? The one and only Ivan is giving you the chance to request whatever song you like. So don’t miss this once in a lifetime chance and tell him your request!”

Second First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon