-Praise The lord-

1K 19 2
                                    

Juan~ hello padre nandito ka pala?

Padre~ oo juan kasama ko ang aking kabayo, mabilis tumakbo ito. Gusto mo bang subukan.

Juan~ sige padre.

Kaya sumakay na si juan sa kabayo ni padre.

Juan~ paano padre, paano siya papatakbohin?

Padre~ madali lang, ang sabihin mo ay praise the lord at tatakbo siya ng mabilis. At kapag sinabi mo naman alleluya siya ay titigil.

Juan~ sige po padre.

maya-maya ay sinimulan na ni juan.

Juan~ sige padre susubukan ko na. PRAISE THE LORD.

Tumakbo ng mabilis ang kabayo. Sobrang mabilis, at malapit na sila sa bangin. Nang nakalimutan ni juan ang sasabihin para patigilin ang kabayo.

Juan~ halaa anong sasabihin?? Nakalimutan ko na.

Malapit na silang mahulog sa bangin ng maalala ni juan ang sasabihin.

Juan~ Ahhh ALLELUYA.

Tumigil naman ang kabayo, kamuntik na silang nahulog.

Nagpasalamat si juan sa panginoon.

Juan~ hayy salamat at hindi ako nahulog PRAISE THE LORD.

Tumakbo ulit ang kabayo at ngayon, sila naman ay nahulog.

Pinoy Funny Jokes!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon