Chapter 3

97 4 0
                                        

Chapter 3

- That's Why I Hate Him

 Naglalakad na ako papunta sa tambayan namin ni Faye dito sa School.  Napatingin ako sa wrist watch ko. Ayos malapit na siya dumating.  Nakita ko naman na si Faye kumaway siya sa akin sabay ngumiti.  Ganoon din naman ginawa ko sa kanya.

"Kamusta na?" tanong niya sa akin pagkahinto ko sa tabi niya.

"as always happy and fine" sagot ko sa kanya ng may ngiti.

May huminto ng motor sa parking lot na makikita mula dito sa tambayan namin.  Nakita ko naman ang maangas at poker face na Jervie Valdez. Maya-maya pa ay may isang motor ulit na huminto katabi ng motor ni Jervie Valdez.  Ayan na siya na iyon! napangiti ako ng malapad at itinaas na naman ang camera na hawak ko.  Tuwing umaga ganito ang ginagawa ko.  Oo na baliw na baliw at patay na patay na ako sa kanya.  Mahirap na iwasan ang nakasanayan na.

Nauna ng lumakad si Jervie Valdez na parang modelo na tinanggal ang kaniyang jacket para ilagay iyon sa balikat niya. Mahangas talaga ito palagi pang nakasimangot lagi ata may period.  Samantalang si Aldrin naman ay nakangiti habang kumakaway sa mga babaeng timitili sa kanila.  Sobrang bait talaga nito kaya madami nagkakagusto sa kanya eh.. Haay sana ako nalang nginingitian niya.  Ang gwapo talaga niya.

"Sissy gosh buo na araw ko hahaha" nakangiti kong sabi ko kay Faye.

"Yeah I know Sissy. haha" sagot naman niya..

Sinentro ko ang camera ko kay Aldrin.  Pero nahagip ng paningin ko na nakatingin sa direksyon namin si Jervie Valdez. Bigla bigla ko naman napababa ang camera ko ang sama kasi ng tingin niya.  Napalingon naman ako sa likod ko pero wala naman tao.

"waaaah sissy nakatingin sa direksyon natin si Valdez.." napatingin ako kay Faye ng magsalita siya. Pati din pala siya nakita iyon. So hindi ako namamalikmata.

"Sissy wag kang tititig sa kanya huh! patay tayo diyan.." sagot ko sa kanya..

"yeah I know sissy.. itago mo camera mo mahirap na!" nagkatinginan nalang kami ni Faye. Ngunit ewan ko ba kung bakit napasulyap na naman ako sa kanila. Ngunit mali ata ang desisyon ko tumingin sa kanila.

  

O__O

He just smirked! Ano ibig sabihin nun? namalikmata lang ba ako? Ah!! wala lang iyon.. Erase! Erase!

Pumasok na kami sa class namin pagkatapos ng scene na iyon. Habang nagsasagot ako ng long test namin ay napasulyap ako sa labas. nakita ko na naman si Jervie Valdez. Naglalakad siya kasama niya iba niyang co-varsity nagpalinga-linga naman ako pero nadismaya lang ako ng hindi ko nakita si Aldrin. Sayang wala siya nasaan kaya siya.  Ang alam ko vacant na nila. Sinipa ni Jervie Valdez ang trash can na nadaan niya. Psh! ang yabang talaga, feeling kaniya ang daan.

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon