Chapter 4

90 6 2
                                        

Chapter 4

- Why Me?!

"M.A. ano na gagawin natin malapit na deadline ng layouts natin"

"waaaah pres. magagawa pa ba mga computers natin?"

"M.A. ano wala ka bang gagawin diyan huh?"

natataranta na ako sa mga reklamo ng mga kasama ko sa club. Hindi ko nadin alam gagawin ko. Palakad- lakad ako sa may pinto ng room namin. Paano ba naman kasi nasira na ata mga computer dito yung iba nabubuksan pero may lumalabas na installing ganito ganyan yung iba matagal magbubukas pero mamamatay din naman pagkatagal. waaah hindi ko din naman alam gagawin ko wala akong alam sa mga software ng computer.

30 minutes na ata nakalipas ng umalis ang adviser namin si Mrs. Chavez siya ang may hawak ng photo journalism club. Hahanap daw siya ng gagawa ng mga computer.  Mayroon talagang gumagawa ng mga computer dito sa campus. Ngunit ang alam ko ay mga busy sila ginagawa din nila mga computers sa IT Building.

"M.A ano na lalakad ka nalang ba diyan?"

"Guys pwede ba easy lang huwag ninyo naman ipressure ang sissy ko wala naman siyang kasalanan diyan. Pare-parehas lang tayo walang magawa." pagtatanggol sa akin ni Faye. Sorry wala din talaga ako magawa. Parang wala akong silbing president dito. TSK!

"I'm Sorry M.A"

"oo nga sorry, napressure lang din kami." napuno naman ngayon ng mga sorry nila. Ngumiti na lamang ako ng alanganin sa kanila.

"Ayos lang.. Masusolusyonan din natin ito, Relax lang muna okey?" Bigla naman gumalaw ang door knob. Pagbukas nito ay nagulat kami sa kasama ni Mrs. Chavez.

"Kasama ko na ang tutulong sa atin. Siguro naman hindi ko na siya kailangan ipakilala diba?" Bakit naman siya ang tutulong sa amin? parang wala naman siya maitutulong sa amin. Napailing na lamang ako ng ulo.

"waaaah si Jervie Valdez nandito!!!"

 

 

"oo nga ang gwapo talaga niya noh?"

 

 

"ang swerte naman natin at makakasama natin siya.."

 

"haaay grabe Mare check mo nga heartbeat ko mukhang irregular ata ang tibok"

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon