PROLOGUE

221 5 4
                                    

♥ PROLOGUE ♥

Sinong mag-aakala,

Tayong dalawa'y makapagsisimula.

Pag-ibig na hindi iginuhit sa mga tala,

Ngunit dala-dala nitong tadhana.

Kapwa tayo may mapait na nakaraan,

Sa simpleng usapan ay nagkapalagayan.

Hanggang kahapon natin ay kinalimutan,

at pag-ibig ay ating sinubukan.

Pag-mamahal mo sa akin ay parang bola,

sa loob ng court di hahayaang mapunta sa iba.

Hahabulin, ipaglalaban kahit madapa ka pa,

Lahat ay gagawin para sa'ting dalawa.

Pag-ibig ko sayo'y magandang larawan,

Sa bawat SHOT ng camera, ngiti ang nilalaan.

Ang pasayahin ka ay aking kaligayahan,

Ang mahalin ka ang tangi kong alam.

WRITTEN BY : Perky_Jelli ♥

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon