Chapter 6

79 3 1
                                        

Chapter 6

– Her Son!

Mapungay ang mga mata ko at antok na antok pa habang papasok ng campus namin. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos ng dahil sa lintik na Valdes na iyon. Paano ba naman nagwagi na naman siya sa pambubuwisit sa akin. Kahit saan ako bumaling ng higa ay naririnig ko ang mga salitang binitiwan niya kagabi.

‘Pero naging masaya ako’

 

Ayan na naman! What the heck is his problem? Langya tumigil ka na nga lalo lang ako nabubuwisit dahil paulit-ulit kang utak ka. Makakaganti rin ako sa iyo Valdez. Humanda ka!

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Habang naglalakad ay nakita kong may tumatakbong mga basketball varsity. Oh my! Bakit ko nakalimutan ito!

Friday nga pala ngayon at kapag Friday ay nagjajogging ang mga player sa buong campus. Napasapo nalang ako ng palad sa noo. Ano bang nangyayari sa iyo Mira! Ito pa talaga ang nakalimutan mo. Paano kung nakalagpas na si Aldrin. Magkukulang ang picture niya at hindi mabubuo ang araw mo kapag hindi mo siya nakita. Tss OA! Napailing nalang ako sa inis! Late na nga ng gising, masakit na nga ang ulo, hindi ko pa makikita si Aldrin na magjogging. Bwisit!

“Hi, Mira!” napalingon ako sa nagsalita sa bandang kanan ko. Napalaki ang mata ko ng makita ko siya. Oh my! Hindi pa pala siya nakakalagpas. Waaah! Napangiti ako sa kanya ng malapad.

“Oh hi!” mahinhing sabi ko sa kanya. First time ata ito! Ngayon lang kasi niya ako binati kakaiba na talaga ang nangyayari ngayon. Unti – unti na niya akong napapansin. Magandang Sign ito!!

Kasama niya iyong palagi niyang kasama bukod kay Valdez si Nikko. Ngumiti naman sa akin si Nikko at ganoon din naman ang ginawa ko sa kanya. Lumagpas na sila sa akin at nagpatuloy na sa pagtakbo. Ang bilis- bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig din ako at parang may gumagalaw sa tiyan ko na nakakadagdag sa sayang nararamdaman ko ngayon.

“What’s with your face? You’re look like having a LBM.” May bahid na panunuya ang pagkakasabi niya. Nang aasar na naman siya! Bigla naman nawala ang saya na nararamdaman ko at ang mga gumagalaw sa tiyan ko. Kahit hindi ako tumingin ay kilala ko na ang boses ng nagsalita.

Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng pinaka-iritable kong expression. “E, ano bang paki-alam mo? Huwag kang epal Valdez!” Malumanay ngunit mataray kong sabi sa kanya tinaasan ko pa siya ng kanan kong kilay.  Akala ba niya ay uurungan ko siya. Buwisit na ‘to.  “Tss!” Napa-iling iling siya at nakangising umalis.

“Huh! Ang kapal mo talaga Valdez!” Grr! Nanggagalaiti na talaga ako sa sobrang inis sa kanya. Gusto ko na siyang pira-pirasohin ng maliit na maliit na maliit. Para hindi na siya makapagyabang! Bwisit! Ang galing niyang manira ng araw. Napahinga ako ng malalim. Naninikip na kasi ang dibdib ko sa inis ng dahil sa Valdez na iyon. Kung kanina ay namumula ako sa sobrang  kilig ngayon ay namumula na ako sa sobrang inis! Hindi maganda ito masyado na akong apektado sa nakakabuwisit niyang presensya. Isn’t healthy anymore, I should stop this!

Pagkapasok ko ng room iginala ko ang paningin ko. Himala ata at wala pa si Faye hindi ko din siya nakita sa may gate. Naupo na ako sa upuan ko at dumukdok sa arm rest. “Good morning to you, Sissy!” Napaangat ako ng  ulo ng marinig ko si Faye. “Ang aga-aga busangot iyang mukha mo! Hindi mo ba nakita si Aldrin?” Naupo na siya sa katabi kong upuan saka humarap sa akin. “Nakita syempre.”

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon