Chapter 7

150 3 8
                                    

Chapter 7

--- Soon You’ll Know

 

“Uh.. Yes he’s my son!” hindi parin nagsisink in sa isip ko ang mga sinabi ni Mrs. Chavez.  Imposible namang magbiro lang si madam.  Hindi siya ganoong tao, nagugulumihanan man ay nilunok ko nalang ang mga katanungan gusto kong isatinig.  Muli akong tumingin  sa ikalawang palapag ng bahay at nakitang wala na siya roon.  Nang ilipat ko naman ang tingin kay Mrs. Chavez ay nakangiti parin siya. Ah bahala na nga!

“Uhm. By the way, you and your members have a one week preparation about this magazine project.  I assume that by Monday next week, you’ll pass the drafts, okay?”  napalunok ako sa sinabi ni Mrs. Chavez.  One week? Sure na one week preparation? Urgh!  Ayoko na suko na ako dito ayoko makatrabaho si Valdez.  Panigurado masisira ang araw ko at camera sa kaniya.  Knowing him ayaw niya sa mga ganito.  Pero makikisama kaya siya?  Isipin ko palang ay kinikilabutan na ako kapag naka-one on one ko na ang Valdez na iyon. 

Marami pang sinabi si Mrs. Chavez sa akin mga bilin at ibang dapat gawin.  Kailangan ko matapos agad ang na-assign sa akin dahil pati pag-iimprenta ng magazine ay aayusin ko pa.  ayokong nagagahol ako sa mga gawain kaya mas mabuti na gawin ko ng maaga.  Dahil tiyak na kapag natapos na ang mga members ko ay magiging busy ako sa mga printed magazines.  Masaya ako sa project naming ito dahil ito ang unang magazine project na hahawakan ko bilang president ng taong ito sa aming club kaya gusto ko ay maging maayos ito.  Bagamat ayoko nang na-assigned sa aking tao ay babaliwalain ko nalang, ito ang gusto ko kaya hindi ako magpapatalo maski kay Valdez.  Makakuha lang ako ng mga mahahalagang impormasyon sa kaniya ay bahala na siya sa buhay niya.  Oo tama! Ganoon nalang nga!

Nagpaalam na ako kay Mrs. Chavez nang matapos ang meeting naming dalawa.  Pagkalabas ko ng gate ng mga Chavez ay nagsimula akong maglakad palabas ng Gold Dollar Street.  Hindi na ako nag-abalang maghintay ng Eco mobile dahil nagugustuhan ko ang view dito.  Mas nakikita ko ang mga puno at nalalanghap ang sariwang hangin.  Naglalakad ako sa side walk ng kalsada na feel na feel ang lilim sa ilalim ng mga puno ng acacia.  Sunod- sunod ang pagkakatanim dito may katandaan na siguro ito dahil malalaki na.  Marami pang open space sa Street na ito kaya may malalawak pang bakanteng lote.  Hindi matataas ang mga damo kahit mga bakanteng lote ito.  Pati iyon ay alagang alaga sa street na ito, napakalinis.  May nadaanan pa akong open space para sa mga nag-gogolf may mga naglalaro pa akong nakikita mula dito sa nilalakaran ko.  Mukhang enjoy tumira talaga dito at nakakaengganyo tuloy.

Bago ako makarating sa dambuhalang gate ng Gold Dollar Street ay may narinig akong pagtalbog ng bola.  Napatingin ako sa bandang kanan ko at nanlaki ang mata na si Valdez ang naglalaro.  Siya lang mag-isang naglalaro.  Paano nakapunta agad ito dito? Umalis ako na hindi ko siya nakitang umalis ng bahay.  Tsk! Eh bakit ko ba iyon iniisip pa?  Pinag-square ko ang braso ko at pinanood siyang tumatakbo takbo sabay ikot na tila may nilagpasang kalaban.  Nasa three point line siya na iniiwas iwas kaliwa’t kanan ang bola na parang may kalaro talaga siya, nagstep back siya kasabay noon ang paghagis niya ng bola.  Lumipad ang bola patungo sa ring at walang mintis na pumasok ito.  Mala Mighty Mouse na si Alapag ang pagkakatira niya patusok at siguradong sigurado. Marami ang humahanga sa kanya sa istilo ng kanyang paglalaro at mga shoot na parang nagmimilagro sa bawat laro.  Kaya hindi kataka-taka na naging last MVP siya last conference.

Lumakad ako at nagtungo palapit sa kanya.  Malapit na ako sa may court ngunit hindi pa rin niya ako napapansin na tila may sarili na siyang mundo.  Pinagmasdan ko ang mukha niyang seryosong seryoso.  Mas mataas sa kaniya si Aldrin hanggang tenga lang siya nito.  Siya ang forward ng team niya.  Mas kilala siya sa pagiging three point shooter. Kung siya ay nakakatakot kapag wala sa court ay doble naman ito kapag nasa court na.  Sa tagal ko na sa Journalism Club ay hindi ko pa siya nakikitaan ng mababang stats.  Buhay na niya ang pagbabasket ball.  Pero bukod doon ay wala na akong alam.  Dahil na rin marahil ayaw ko sa kanya at ayaw ko siyang pag-aksayahan ng panahon.  May kasalanan pa nga siya sa akin at hindi ko iyon nakakalimutan.  Madalas ko ngang isipin ano kaya kong butasin ko ang bola ginagamit niya para makabawi man lang ako. Buhay ko ang photography pero yung kauna-unahan kong camera ay sinira niya.  Umusbong naman ang galit sa dibdib ko ng maalala iyon.

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon