Chapter 5

116 3 0
                                    

Chapter  5

- Speechless

  

Bakit ako? Nasaan na ang sinasabi niyang taste niya sa babae? Pangit at nerdy type na tulad ko ay ayaw niya malinaw ko naman narinig iyon sa kanya. Subalit hindi naman niya ako sinagot kanina ang tangi lamang niya sinabi ay...

"see you later, 6pm sharp sa harap ng 7eleven. "  waaah hindi ko talaga siya maintindihan. Bipolar talaga siya!

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko iyon. Nandito kami ni Faye sa likod ng gym. Nakahiga ako sa damuhan si Faye naman ay nakasandal sa puno ng acacia. Paano gagawin ko pupunta ba ako. Huwag nalang kaya hindi naman siguro siya seryoso sa sinabi niya. Napapikit na lamang ako ng madiin.

"Agrh! Bakit ba kasi ako pa?!!" nasigaw ko nalang at naihilamos ang kamay ko sa mukha ko habang nakapikit padin.

"Calm down sissy, Baka naman may magandang mangyayari diba?" may pang-aasar pang sabi sa akin ni Faye..

"Grabe sissy napakasupportive mo!" sagot ko sa kanya hindi padin natitinag sa pagkakahiga..

"hahaha sorry naman sissy.. Kahit ako rin ay hindi makapaniwala eh.. Akala ko ba ayaw niya sa tulad mo pero what the hell!! may sayad ata siya eh hahaha" oo tama! tumpak may sayad nga iyon sa utak..

"pupunta ba ako sissy?" pagtatanong ko sa kanya. tumayo na ako at sumandal na rin sa puno. at kinain na lang ang chips na binili ko kanina bago kami mapunta dito. Haay ikakain ko na lamang ito.

"uhm subukan mo sissy wala naman siguro mangyayaring masama diba? basta kung makakakutob ka na hindi ka safe ay tawagan mo lang ako sissy.." tumango- tango ako sa kanya bilang sagot ko.

Pumasok na kami sa klase namin pagkatapos ng vacant naming iyon. Habang nagkaklase kami ay  lumilipad naman ang isip ko. waaah Valdez bakit ba kita iniisip?!! Bwisit ka pati ba naman sa isip ko ay nababadtrip mo ako? Alis nga diyan!! Parang baliw naman ako dahil kinakausap ko sarili ko.

Wala naman magawa naboboringan ako sa klase namin.  Ano ba nangyayari sa akin ngayon lang ako nagkaganito.  Kasalanan ito ng Valdez na iyon. Bwisit siya!! "aray! M.A. bakit?" hinila ko kasi ng marahan ang buhok ng kaklase kong nasa unahan ko. Exagge lang siya makareact hindi naman iyon masakit.

"hehe sorry" halos pabulong na sabi ko sa kanya para lang huwag kami marinig ng profesor namin sa harapan. Mabuti na lamang hindi masyadong strikto ito. Nasa pangalawa naman ako mula sa likuran kaya hindi na siguro kami mapapansin.

"May kailangan ka ba?" sagot niya sa akin ng pabulong din.

"Oo meron. Maaari ko bang hiramin sandali ang librong binabasa mo kanina?" napansin ko kasi na halos hindi na siya kumain kaninang vacant dahil sa pagbabasa niya ng librong iyon nacurious lang ako baka maganda iyon. "Ah. Oo sige heto." inabot niya sa habang nakatalikod siya sa akin kamay lang niya ang pinang-abot niya sakin.. "Salamat bukas ko nalang isasauli huh?" sagot ko sa kanya na pabulong lang ulit. Tumango naman siya bilang sagot sa akin kahit hindi siya sumulyap sa akin.

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon