Chapter 8

135 3 2
                                        

Chapter  8

-- Gatorade

Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking mga gamit sa school ng tumawag itong kapatid ko. Monday na Monday ay nakakatamad. “Hello. Kapatid bakit napatawag ka.  Eight O’ clock na wala kayong klase?” tanong ko sa kanya habang ang cellphone ay nakaipit sa braso ko at sa tenga.  Nagkakabit ako ng foot socks at shoes at ready na sana sa pag-alis.

 

“Meron ate.  Lumabas lang ako sandali para tumawag sa iyo.  Pakikuha naman sa kuwarto ko ng aking project sa Mathematics.  Langya! Nakalimutan ko sa pagmamadali kanina” may himig ng pagkainis sa kanyang salita.  Kumunot ang noo ko at napatingin sa kuwarto niya sa taas.  Nagmadali na ako pumunta sa kusina para kuhanin ang mga susi sa cabinet.  Baka pati ako ay malate sa alas nuebe kong pasok.  Muli kong binalingan ang kapatid pagkakuha ng mga susi.

 “Hoy! Miro.. Dala mo ba ang gitara mo?”  tanong ko habang binubuksan ang kuwarto niya at sinipat sa loob ang kanyang project.  Madali ko naman itong nakita dahil nasa ibabaw lang ng kanyang study table.  “Ha? Oo dala ko. Bakit?” napailing ako at mabilis na lumabas ng kuwarto niya at nilock.  “Aba’t magaling kapatid!  Iyang gitara mo hindi mo nakalimutan pero itong project mo nakalimutan mo.  Isumbong kita kay papa eh kala mo. “ Napapailing kong sabi sa kaniya.

 

“Ate naman walang ganyanan.  Nagmamadali lang talaga ako kaya hindi ko napansin na hindi ko dala ang project ko.”  Nagface making nalang ako sa litanya ng kapatid ko.  Mabilis na ako lumabas ng bahay at tinapos ang pag-uusapan naming magkapatid.  Nang may dumaan ng jeep ay sumakay na ako.  Pagkasakay ko ay chineck ko ang aking bag kung naroon ang aking DSLR camera na madalas kong gamitin.

“Good Morning to you Sissy!”  masiglang bungad sa akin ni Faye pagkapasok ko sa classroom namin.  “Good Morning din, Sissy!” sabi ko sa kanya pagbaba ko ng aking bag.  “Tara samahan mo ako sa High School, ibibigay ko itong project ni Miro naiwanan eh.”   Sabi ko na mabilis na isinukbit sa kanyang braso ang kamay ko. “Oh sure. Let’s go matagal na rin tayo hindi napapadpad doon eh.”  Sabi niya at sabay na kami lumabas ng room namin.  Bago kami makapasok sa teritoryo ng mga High School ay nadaanan pa namin ang isang grupo ng mga lalaki sa likod ng Gym, ito na ang huling parte na pag-aari ng unibersidad.  Nakaupo sila at busy sa kani-kanilang mga laptop.

 “Look Sissy.  Valdez is one of them!”  masiglang sabi ni Faye saakin.  Napakunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Faye.  Muli kung tiningnan ang grupo ng mga lalaki at sinipat kung naroon nga ang Valdez.  Totoo nga nandoon siya nakakunot ang noo habang nakatuon ang atensyon sa laptop at patingin- tingin sa nasa gilid niyang mga libro. Rectangular table ang gamit nila, lima silang mga lalaki at nasa gitna pa siya kaya naman tanaw na tanaw agad siya.   “Malamang naghahabol iyan sa project or activity nila.  Marahil ay malapit na siyang bumagsak sa subject niya kaya naghahabol.”  Natatawang sabi ko at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang pigilan ako ni Faye.  Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.  Kinuha naman niya ang camera niya na nakasabit sa leeg niya.  “Magandang topic iyan Sissy!”  sabi niya at inabot ang camera sa akin. 

“Tsk! Sissy hindi magandang kuhanan iyan.  Ano na lang ang iisipin ng mga tao?  Na masipag siya at matalino dahil naispotan siya na busy sa group study nila?  Pero ang totoo ay naghahabol siya ng mga project o activity dahil malapit na siyang bumagsak.  Anong ilalagay kong article diyan?”  napapailing kong sabi kay Faye.  Totoo naman ang sinabi ko malay ko ba kung tama ang hinala ko na ganoon nga.  Ayoko ko pa naman kumukuha ng picture kung hindi ko alam ang true story behind that picture.  Base sa ugali ni Valdez hindi siya nakikitaan ng excellence sa academics puro basketball lamang siya.  Oh well iyon lang naman ang observation ko.  Pero malabo pa rin, hindi katanggap-tanggap na masipag siyang mag-aral. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Photo Hearted ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon