Chapter 2

122 9 0
                                    

 Gayle's POV



"Gayle, may practice daw ang dance troupe ngayon ah? Aattend ka?" Tanong ni Ezra, kasama ko sa dance troupe, habang nagliligpit ako ng gamit.


"Where?" tanong ko pabalik.


"As usual, sa recording room daw sabi ni Coach A. Sabay na tayo?" Ngumiti si Ezra sakin. "Sure."

Pagkarating namin sa recording room, halos lahat ng members ng dance troupe ay nandoon na. Of course, what do you expect. Dance troupe, eh.


Nanliit ang mata ko nang makita si Kaizer Montas na nakahalukipkip sa gilid habang nakapatong ang kanang paa sa kaliwang hita. Matinik din pala sa pagsasayaw ang isang 'to, ha.


  "Okay, guys! Nandito na lahat, let's start!" Pumalakpak si Coach A bilang signal na start na. Coach Andrea is our dance troupe coach since I was a freshman. Magaling siya, walang favoritism at professional. Kaso, kapag nagkamali ka, ipapahiya ka niya. She doesn't really care about your identity.


"Step forward, Cruz, Lee, Jimenez, Joaquin, Montecillio, and Santiago. You guys will perform today, since kayo ang lumaban nationally. Show us what you got," ngumisi si Coach sa amin na parang naghahamon.

The music started. Teach me how to dougie. Geez, intro palang labanan na.


  I tried my best to dance normally. Nakakailang. Madaming boys na member ang dance troupe, at sexy dance pa ang sinasayaw namin kaya mas lalong nakakailang.


Titig na titig sa aming mga babaeng sumasayaw ang mga kalalakihan. Including Kaizer, na pinaglalaruan pa ang ibabang labi.


"Tiffany Cruz! Bend your knees! Hindi ka tuod diyan! Give me your best shot! Nastroke ka ba?" Namula si Tiffany sa sinabi ni Coach. I told you, ipapahiya ka niya kapag hindi mo siya nasa-satisfy.


"Maxene Jimenez! Wag ka muna mag pabebe, please. We don't need pabebe girls here, kaya please, umayos ka!" Napapikit ako sa tinis ng boses ni coach.


  "Dorothy Lee! Ayusin mo naman, please! Hindi ka poste kaya gumalaw ka. This is supposed to be a sexy dance! Hindi ka na nga sexy, hindi mo pa kayang sabayan ang tugtog!" Namumula na sa inis si Coach A.


"Hazel Lee! Ano ba? Jusko! Be professional naman! Galingan niyo! Sway your hips even more!" I don't wanna be embarrassed by coach, kaya mas lalo kong ginalingan. Hindi ko maiwasang mapa-lip bite habang sumasayaw.



Pinag-igihan ko pa ang pagsasayaw. Gosh, looks like I'm seducing someone! I swear to myself that I won't ever dance again like this. Never.


Napatingin si coach sa akin and her mouth formed an O shape, na para bang she's seen something that made her pleased and amused.


"Omygosh, Gayle freakin' Santiago, you look so damn hot and gorgeous with that look! Gayahin si Gayle! The best!" Namula ako sa sinabi ni coach. The attention was now all on me. Great.


"Yes, Ezra Montecillio. More!" Well, at least hindi lang ako ang napuri, pati na rin si Ezra.

Malapit na matapos ang kanta nang mahagip ng panigin ko ang titig ni Kazier sakin. Bigla siyang nag-iwas ng tingin. Wow.

Clash of the Campus SweetheartsWhere stories live. Discover now