Nikki's POV
"Nikki, wake up! It's already late!" Hmm, ang ingay naman.
"Nikki! Hindi mo na ako naririnig? I said wake up!" 5 minutes pa. Kainis naman oh.
"Nikki! Isa!" Bakit ba maingay?
"DOMINIQUE LALAINE!! YOU'RE GONNA WAKE UP AND OPEN THIS DAMN DOOR OR I'M GONNA RIP THIS DAMN DOOR OF YOURS?" Automatic na napabangon ako sa kama ng wala sa oras.
"Yes, kuya! Baba na ako! Istorbo naman oh," pinilit ko pa din na bumangon bago pa masira ng magaling kong kuya ang pinto ko.
Oo nga pala, hindi nga pala tayo, haggang dito lang ako... HAHAHA just kidding. Kilala niyo naman na siguro ako? I'm Dominique Lalaine Stanford, ang pinakamaganda sa aming squad!
Joke. Nandyan pa pala si Venice. Btw, I'm 16 years old, and 4th year highschool na sa South University.
'Yung nambulabog naman sakin dito, ay obviously ang magaling kong Kuya, none other than Logan Lance Stanford.
Bumaba na ako bago pa masigawan ni Kuya. Not minding what I was wearing, bumaba ako ng naka fitted white spaghetti strap at cotton shorts na short talaga. Kami lang naman kasi ni Kuya ang tao sa bahay madalas.
Or not.
Kasi pagtapak ko palang ng hagdan, nakita ko agad ang mga nagga-gwapuhang mga kaibigan ni Kuya. Oh my. Ulam. Narinig ko ang pagsipol ng maputing chinito na si Luke sabay tingin sakin. Napatingin din tuloy ang iba pa.
"Ehem, ehem." Si Kaizer na kung maka-ubo eh akala mo wala nang bukas.
"Init pre, pahiram lang saglit ng electric fan ha," si Ethan.
"Pre, wag, baka matunaw." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Kaizer kay Kurt.
Not minding them, bumaba na ako para makakain na.
"Kurt! Wag nga daw tunawin sabi ni Kaizer oh! Patay ka kay Logan!" Natatawang sabi ni Ethan.
"Kurt, are you hitting on my sister?" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng magaling kong Kuya.
"Kuya, are you nuts or something?" Hindi ko na mapigilan ang bunganga ko.
"Of course, not. Logan, you know my type. I don't like girls like her." Napatingin ako kay Kurt sa sinabi niya.
"Excuse me, I'm also feeling the same towards you. Hindi din kita type, so shut your mouth," tinukso siya ng mga kaibigan niya dahil sa sagot ko. Nagkibit balikat naman siya.
"Alam mo 'yung mga type ko? 'Yung mga kasing ganda ni Elle Salvador, kasing sexy ni Kaye Dizon, kasing galing sumayaw ni Gayle Santiago at kasing hot ni Venice Aquino." Nagsmirk siya sakin pagkatapos. Biglang sumiklab ang inis sa sistema ko. Not because of jealousy, but because he's obviously fantasizing my friends in front of me!
"Jerk! How dare you na insultuhin ako sa pamamahay namin? For your information, 'yung mga type ko, 'yung mga kasing hot ni Luke Buenaventura, kasing galing kumanta ni Kaizer Montas, kasing gwapo ni Liam Valencia at kasing talino ni Logan Stanford! So if you don't like me, Mr. Kurt Buenavista, the feeling is mutual. I also don't like a jerk like you!"
---
[Oh, hello sis? What's up?] Pambungang na tanong ni Elle.
"Are you free today, sis? Let's shop together, I'm bored here."
[Oh, sure. Ready na ako. Fetch me nalang since you were the one who initiated this gala. Hihi, I'll hang up na, love you!]
*toot toot*
Nakakainis naman! Magkokotse pa ako, oh. Kasi naman, ang yaman yaman ni Elle tapos magpapasundo pa sakin? Ang dami dami nilang kotse eh! Ano ako, driver?
Nagbihis ako ng isang deep v-neck nude na dress, which reveals a little bit of my cleavage. It's perfectly hugging my body. I wore a white stilettos, kaonting make up then I'm done! I look so fab. Lol.
Kinuha ko ang Louis Vuitton bag ko ang checked my things. Kinuha ko din ang susi and then I stormed out of my roonm.
Pagbaba ko ng hagdan, naabutan kong nakatingin si Kurt sa akin. Nag iwas agad siya ng tingin.
"Kuya, I'll go to the mall with Elle, ha?" Lumapit ako sakanya sabay kiss sa kanyang cheeks.
"What time are you going home?"
"Probably before 6. Love you, Kuya! Bye!"
Dire-diretso ang lakad ko palabas ng mansion. Hindi naman sa pagmamayabang, pero our house really looks like a masion. Malaki ito, at may swimming pool pa sa garden.
I am fully aware that Kuya's friends are watching me. I disregarded their stares at dumiretso na sa pink Porsche ko.
Pumunta agad ako sa Starbucks pagdating sa mall. Doon namin napagkasunduan ni Elle na magkita. I saw her agad, wearing her neon green tube dress and her hair was falling elegantly on her shoulder.
"Hi, sis!" I kissed her cheek and I sat down.
"Nag-order na ako kanina, I am hungry na kasi. So, what's up?" Kinuha ko ang frappe sa lamesa at ininom ito.
"Well, guess what. Kuya's friends were there in my house awhile ago." Muntik nang maibuga ni Elle ang kanyang iniinom.
"You mean, Kaizer was there?"
Nanliliit ang mga mata ko habang tinitignan siya. "Yes, so what's the matter if Kaizer was there?"
"Hala sis, you did not tell me! Edi sana, nagpunta din ako sa inyo!"
"Teka nga, Elle. Don't tell me you're still addicted to Kaizer? Gosh! It's been years since he stopped singing, and you're still there on the same line, still addicted to that jerk? Girl, I bet he doesn't even know you!" Pahisterya kong sabi kay Elle. Wooh, I cannot believe this girl, really.
"Grabe ka sis. Yes, he doesn't know me. Pero I'm not in the same position anymore! I've moved on. Matagal na 'yon, ano ba. People change!" Umiirap pa si Elle habang nagsasalita.
"Yeah right. People change but feelings don't." Halos matawa si Elle sa sinabi ko.
"Nikki girl, you talk like you're a hopeless romantic girl who fell in love in her previous years," humagikhik siya sa sinabi niya.
"I'm just stating the obvious. You won't ask him if you're not interested, diba? I know you, Elle. I know you very well."
"Haha, stop being funny girl. C'mon, let's shop nalang!"
Chat Conversation End
YOU ARE READING
Clash of the Campus Sweethearts
RomansaLove or Hate? Started: March 30, 2017 Ended: ---