Nikki's POV
Nandito pa din kami sa table kung saan kami iniwan ni Venice. Nagulantang pa kami dahil hinabol siya ni Kuya. Anong meron? What's going on between the two of them?
Hindi na namin malaman kung ilang minuto na ang lumipas dahil sa pagkatulala namin. Walang kibo. Hindi pinapansin ang isa't isa dahil gulat pa talaga kami sa mga nasabi ni Venice kanina.
Kung hindi pa nagring ang cellphone ko, malamang tulala pa din kaming lahat.
Kuya Logan calling...
"Hello Kuya? Kamusta? Nasan --"
[Nikki, sinugod ko sa ospital si Venice. Inatake siya kanina. Please, sumunod kayo. Pakitawagan si Ate Venus, please.]
Namilog ang mga mata ko at muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko.
"WHAT? KUYA ANONG NANGYARI? SIGE PAPUNTA NA KAMI!"
Agad kong pinutol ang tawag nang napansin ko ang nag-aalalang titig ng mga kaibigan ko.
"What happened?"
"Sino 'yun?"
"May nangyaring masama?"
"Si Logan ba ang tumawag?"
"Sis, tungkol kay Ven?"
"Kamusta sila? Ano?"
Halos mabaliw na ako sa sabay sabay na tanong nila.
From: Kuya
Valenica's Hospital. Please. Take care.
"Nasa ospital nila Liam si Kuya. Sinugod si Ven kanina, inatake," hinanda ko na ang tainga ko sa mga susunod na sasabihin nila.
"WHAT?"
"DAMN. DAMN LOGAN."
"FUCK, TARA NA!"
"BULLSHIT."
"GAGO TALAGA SI LOGAN."
Sabay sabay kaming umalis sa cafeteria at dumiretso sa ospital. Dahil na rin sa pagmamadali, napagkasunduan namin na dalawang sasakyan nalang ang gagamitin. Sasakyan ni Gayle at sasakyan ni Luke.
"Drive carefully, Gayle. Hindi gugustuhin ni Venice na may mangyaring masama sayo."
Pero dahil si Gayle Santiago ang kinausap mo, hinding hindi 'yan susunod sayo. Wala pang sampung minuto nang makarating kami sa ospital. Nahihilo. Nasusuka. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Gayle.
"Shit! Pinag-alala niyo kami!"
"Gayle naman! Sa tingin mo ba okay lang kay Ven kung may nangyaring masama sa inyo?"
"Elle, you okay?"
"Kaye, tubig. Inhale, exhale. Please."
Hindi na namin pinansin ang pagsusuka namin at ang pag-aalala ng mga lalaki, dumiretso na kami sa loob ng ospital.
"Queen Venice Aquino, room number please." Si Liam ang kumausap sa may nurse station since sila naman ang may ari ng ospital na 'to.
"Emergency room, sir."
Halos pinalipad na namin ang aming mga sarili papunta sa ER ng ospital.
Naabutan namin sa labas sina Ate Venus at Kuya.
"Kuya, anong nangyari?"
Tahimik lang si Kuya habang magkasalikop ang mga daliri na nakapatong sa tuhod.
YOU ARE READING
Clash of the Campus Sweethearts
Roman d'amourLove or Hate? Started: March 30, 2017 Ended: ---