Gayle's POV
"Gayle, Nikki, magpahinga muna kayo, please. Kagabi pa kayo walang tulog." Buntong hininga ang naging sagot ko kay Kaizer.
Si Nikki, hanggang ngayon ay namumugto pa din ang mga mata. Kagabi pa siya iyak nang iyak simula nang malaman niya kung anong mayroon kau Venice. Buti na nga lang at walang sakit si Nikki. Buti nalang at malakas ang katawan niya, kung hindi ay baka kagabi palang, nag collapse na din siya.
Hanggang ngayon, hindi niya pa din pinapansin ang Kuya niya. Naiintindihan ko naman siya, kung ako din naman ang nasa kalagayan niya ay ganoon din siguro ang gagawin ko. Kahit ako, may kaonting tampo pa ako kay Logan pero alam ko naman na lilipas din ito.
Si Elle, okay na daw. Pwede na siyang makalabas mamaya dahil nalipasan lang daw ng gutom kahapon kaya nag collapse.
Si Kaye, kasama sina Liam at Luke na nagbabantay kay Elle.
Ako naman ay kasama sina Nikki, Logan, Kurt at Kaizer sa iisang room. Kagabi pa tahimik sa room ni Venice.
Si Ate Venus ay umuwi kanina, dahil puro major subject daw ang papasukan niya ngayon.
"Okay lang kami. Don't mind us. Safety ni Venice ang alalahanin natin." Kahit pagod na pagod kami ay pinilit pa rin naming bantayan ang kaibigan namin.
Kami nalang ang maaasahan ni Ven sa ganitong oras. Kami lang.
"Kamusta po, doc?" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Logan.
"As of now, kailangan muna natin bantayan ang pasyente, at hintayin na magising. Kulang sa dugo ang pasyente. Kailangan natin ng blood transfusion para mas maging madali ang recovery ng pasyente."
Tuluyan ko nang iminulat ang mata ko nang marinig ko ang pabukas at pagsara ng pinto. Damn. Nakatulog pala ako.
"Anong blood type ni Venice?" Nakakunot ang noo ni Nikki nang itanong niya ito.
"A." Si Logan ang sumagot.
"Hindi pwede si Ate Venus. She's sick," nag-aalalang sabi ni Kaizer.
"Logan? Ikaw?"
"Type B," isang buntong hininga ang pinakawalan ni Logan.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. I guess I have to do this. "Ako. My blood is type A. I guess I can help Ven."
Magsasalita pa sana si Kaizer pero nginitian ko nalang siya. "This is for Venice."
Lumabas muna ako ng room ni Venice at pumunta sa room ni Elle. Naabutan kong kumakain ng apple si Elle habang nakaupo sa hospital bed katabi si Liam, at si Kaye na mahimbing na natutulog sa lap ni Luke.
"How are you, Elle?" pumasok ako at umupo sa monobloc chair sa malapit kay Elle.
" I am more than fine. Thanks, kamusta ka sis? I know you are beyond stressed. Maybe you should go home and rest, first." Inosenteng ngumiti si Elle sa akin.
"Yeah, I guess I should. I'll donate blood for Venice, to help her recover fast. Ako lang kasi ang may blood type na A sa kwarto kanina," natigil si Elle sa pag nguya, at ibinaba ang apple sa table.
"My blood type is also A, maybe I can also help Ven. Magpahinga ka nalang." Tinaasan ko siya ng kilay.
"No, I can do it. Ikaw nalang ang magpahinga, Elle. Hindi papayag ang doctor na ikaw ang mag donate dahil nag collapse ka noong isang araw."
"I agree with Gayle, Elle. Magpahinga ka muna. Gayle is strong. Kayang kaya ni Gayle 'yan," ngumiti si Luke sa akin.
"Okay. I give up, just take care of yourself, Gayle." Tango nalang ang naisagot ko kay Elle.
Tumikhim si Liam bago tumayo. "Aasikasuhin ko muna ang bills ni Elle, para makalabas na siya. Gayle, Pre, kayo muna bahala kay Elle, ha? Matigas pa naman ulo niyan." I chuckled. Hinalikan muna ni Liam sa noo si Elle bago lumabas.
Sakto naman na nagising si Kaye. "How long was I asleep?"
"3 hours." Nagchikahan muna kami nila Elle at Kaye bago ako nagpasyang bumalik na sa room ni Venice.
Pagpasok ko sa room ni Ven, natutulog na si Nikki. Nakasubsob ang mukha niya sa table sa tabi ng hospital bed, habang nakaupo sa isang one-seater na upuan. Hindi kaya mangalay ang isang 'to?
Si Kaizer ay nasa couch, looking intently at me. Tumabi ako sa kanya. Nagulat ako nang hapitin niya ang baywang ko at yakapin ako.
"H-hey..." Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Damn, my heart is beating so fuckin' fast.
"You smell so good. Hmm," Damn you, Montas.
Dumako ang tingin ko kay Logan na nakangisi habang nakatingin sa amin ni Kaizer. I badly wanna raise my middle finger to him, pero huwag nalang since nasa hospital kami.
Pabigat ng pabigat ang katawan ni Kaizer. Shit. Siguro nakatulog na ang bwisit na 'to.
Dahil may utang na loob naman ako sa kanya sa pagtulong sa akin kahapon noong nag asthma attack ako, pinabayaan ko nalang siya na matulog sa akin.
Isang oras na ang nakalipas pero tulog na tulog pa din si Kaizer sa leeg ko.
"Gayle, kakain na muna kami sa baba, si Kaye muna dito. Mamaya na kayo maglandian diyan. Tara?" Nikki asked me.
"Ugh, I really wanna come with you pero tulog pa si Kaizer, kaya maiwan muna din ako dito. Sabay nalang kami mamaya," tumango si Nikki at sabay sabay na silang lumabas ng room, leaving me with Kaizer, Kaye and Venice who's still unconscious until now.
"Kanina pa ba tulog 'yan?" Nginuso ni Kaye si Kaizer.
"Almost an hour na," sabi ko.
"Mukhang dumada-moves lang sayo girl. Check mo kung natutulog talaga," tumawa si Kaye sa sinabi niya.
Huh? Hindi naman siguro.
Pinagwalang bahala ko nalang ang sinabi ni Kaye samantalang siya ay natatawa pa din. Kalagitnaan ng pagtetext ko nang maramdaman kong may kumakagat sa leeg ko.
Wait... don't tell me...
"KAIZER MIKAEL MONTAS!!!!!!!!"
Napalayo si Kaizer ng wala sa oras habang nakahawak sa tiyan at tumatawa. Natawa nalang din si Kaye.
Inirapan ko muna siya bago binuksan ko ang camera ng iPhone ko para matignan ang kagat ng hinayupak.
"KAIZER!!!!!!" Napatakbo sa labas ng room si Kaizer habang tawa ng tawa.
Damn that guy. Nag iwan pa ng hickey. Puñemas.
YOU ARE READING
Clash of the Campus Sweethearts
RomanceLove or Hate? Started: March 30, 2017 Ended: ---