Venice's POV
1 year. 1 year na pala ang nakalipas. Mahabang panahon na para sa akin, pero para sa kanya kaya, mahaba na ang isang taon?
A year that was full of pain. A year that was full of hatred. A year that was full of longing.
June 7.
Mahirap kalimutan ang tao na nagbigay ng kasiyahan sa'yo. Kasiyahan na hindi mo mabigay kahit man lang sa sarili mo. Kasiyahan na siya lang talaga ang makapagbigay sa'yo.
How am I supposed to forget you?
Kung tuwing pipikit ako, ang nakatawa mong mukha habang nag-uusap tayo ang nakikita ko.
Kung tuwing matutulog ako, nararamdaman ko ang mga halik mo?
Kung sa bawat tingin ko sa'yo, ang pagmamahal ko na sinayang mo ang naaalala ko?
"Ayan na naman 'yung tingin niya, oh. Tignan mo si Venice!"
"The same cold hearted Venice."
"Namiss ko tuloy 'yung Venice dati na laging binabati ang mga schoolmates niya."
"Wala, eh. Time changes everything. Pain changes people."
Napangiti ako ng mapakla sa isip ko. Kailan nga kaya babalik ang dating ako?
Natigil ako sa paglalakad nang makita ko siya kasama ang mga kaibigan niya. I missed you. I missed being with you. I missed hugging you. I missed cuddling with you all day long. I missed every inch of you.
Kung sana, mala-fairytale nalang ang buhay natin para mas madali. Kaso wala eh, nasa reality tayo. Hindi pwedeng laging masaya. Hindi pwedeng laging minamahal ka. Hindi pwedeng laging hindi ka masasaktan.
I need to move on. I have to move on. Sabi nila, time heals all wounds. Pero bakit ako, isang taon na, pero nasasaktan pa din? Isang taon na, pero mahal ko pa din?
Hindi ko na kayang saktan ang sarili ko. Tama na lahat ng naranasan ko sa'yo. Ang pagtingin ko sa malayo habang iniisip kung namimiss mo din ba ako.
I am a cold hearted person. 'Yan ang sabi nila. Hindi nila alam, there's always a reason for everything. Sa sakit ba naman na naranasan ko, hindi ba ako magiging cold?
Ayoko na. I need to help myself. I want to take a break. From everything. From everything that's keeping me from moving on. I want to forget you. I want to unlove you. But how? What am I supposed to do when the best part of me was always you? What am I supposed to say when I'm all choked up and you're okay? I'm sorry but I'm only human. I give up. Panalo ka na, Logan. Kasi sa pagmamahalan natin, ako ang umiyak. Ako ang nabasag. Ako ang nawasak. Ako ang nasaktan. Ako ang miserable. Ako ang hindi makabangon. Panalo ka na, Logan. Panalo ka na.
--
From: Kaye
Girl, nasa cafeteria kami. Punta ka please? Pinapapunta ka nila.
Kinuha ko ang mga gamit ko at dumiretso sa cafeteria. Not minding the stares of the people na nakakasalubong ko. I maintained my straight face. My blank expression.
Kaso, pagdating ko sa table kung nasaan sila Kaye, nagsisi agad ako. Sana pala hindi na ako nagpunta. Kung alam ko lang na nandito pala pati sila, edi sana hindi na talaga ako tumuloy.
Pero para sa mga duwag lang ang pagsuko.
Lumapit ako sa table nila. I didn't bother to show an expression. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay ko sa kanilang lahat. Pati kay Logan.Oo, panalo ka na. Pero hindi ako tanga para ipakita 'yon sa'yo ng harap harapan. Talo na nga ako, sasabihin ko pa? Edi mas lalo akong naging kawawa.
"Hi, Ven. Uhm, umorder na kami para sa'yo, hindi ka daw kasi nakapag reply sa text ni Kaye kaya hindi kami sure kung makakapun---"
"It's not my obligation to reply. Hindi niyo rin obligasyon na mag-alala," natigilan ang mga nasa table dahil sa lamig ng boses ko.
"U-uhm, a-ano... akala lang n-namin g-gutom ka k-kaya---"
"Hindi ako bata. Makakakain ako mag-isa. I don't need help."
"We care for you kaya ganito kami. Nag-aalala kami sa'yo, Venice. Wag kang makasarili. Sarili mo lang lagi iniisip mo--" pinutol ko agad ang sinasabi ni Logan. How dare him.
"I don't need care from people like you. Kung katulad mo din naman pala ang mag-aalala sakin eh wag nalang. Itago mo nalang 'yang pake mo tapos iuwi mo sa inyo. Why do you even care about me? 'Yung dating muntik na akong masagasaan kahahabol sa'yo, nagkaron ka ba ng pake? Hindi diba? Sinabi mo pang dapat lang sakin na mamatay..." hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang marealize kung ang reaksyon ng mga kasama namin sa table. Logan's eyes were bloodshot. Frustration was visible on his face.
"I'm sorry..." iyon nalang ang nasabi ko at dire-diretso na palabas ng cafeteria.
"Venice, saglit lang naman. Please," tumakbo na ako papuntang classroom habang si Logan ay hinahabol ako.
"Venice!"
Sobrang bilis na ng takbo ko at wala na akong pakialam kung madapa man ako. Kung atakihin man ako ng asthma. Diretso lang ang malamig na titig ko habang tumatakbo.
Pero lintik at p$tang$na. Nakikipaglaro yata ang kapalaran sa amin. Ako lang ang tao sa room. At si Logan.
"Venice... yung kanina-" itinaas ko ang kamay ko sa ere bilang pahiwatig na ayaw ko nang makinig sa kanya.
"Stop your bullshits. Wala na akong pake sa mga paliwanag mo," tumalikod ako sa kanya. No, hindi ako iiyak. Hinding hindi na ulit ako iiyak para sa walang kwentang lalaking ito.
"Venice... I didn't mean what I told you noon. Noong nasa ospital ka, araw araw akong nasa labas ng room mo, araw araw kong naririnig ang pagwawala mo, araw araw kong naririnig ang pagsigaw mo sa pangalan ko... araw araw kong nasasaksihan ang pag collapse mo dahil sa kahinaan... gustong gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa at nasabi ko, pero hindi ko alam kung paano. Halos mabaliw ako nung nabalitaan ko na nagtangka kang magpakamatay... Venice, really? Dahil sakin, magagawa mong wakasan ang buhay mo? Wala akong kwenta, Venice. Nagkamali ako. Alam mo 'yan... binalikan kita noon kung san kita iniwan, pero wala na akong nakitang bakas mo. Pumunta ako sainyo, pero wala ka doon. Araw araw akong nagbabakasakali na makausap ka ulit para humingi ng tawad... pero wala eh. Nalaman ko nalang na nasa ospital ka na, critical. Venice, sorry kung ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob na harapin ka. Sorry kung ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon para sabihin sa'yo lahat ng gusto kong sabihin. Venice, believe me. I love--" hindi na nakayanan ng sistema ko kaya napahagulgol nalang ako. Ng malakas. Nanghina ang tuhod ko at napaupo nalang ako sa sahig. Agad akong dinaluhan ni Logan. Lumuhod siya para yakapin ako.
"Venice, calm down, please," nanginginig na ako at nahihirapang huminga pero nilakasan ko pa ang katawan ko. Please, heart. Not now. Damn.
Unti-unting nanghina ang katawan ko nang maalala ang mga nangyari noon.
"Venice, wake up! Don't sleep, please. Stay still."
Ayoko na. I'm giving up. For real.
"I love you, please don't sleep, Venice. Please."
YOU ARE READING
Clash of the Campus Sweethearts
RomanceLove or Hate? Started: March 30, 2017 Ended: ---