Elle's POV
"Ms. Elle, nasa baba po si Sir Liam, pinapasabi po niya," sabi ni Trisha, kasambahay namin.
"Yes, Trish. Pakisabi bababa na, salamat."
It has been a tiring day for me. But still, bumaba ako para paunlakan ang dalaw ni Liam.
Ewan ko ba dito kay Liam. Alam naman niya na nagkagusto ako dati kay Kaizer, na kaibigan niya, pero until now, he's pursuing me. Not in a romantically way, pero alam ko naman kung saan patungo ito.
"Hi Liam!" I smiled sweetly and I kissed him on his cheeks.
Itiniro ko ang daan patungo sa garden. "Doon tayo?" Tumango si Liam at sumunod sa akin. Umupo kami sa bench malapit sa swimming pool.
"So, napadalaw ka yata?"
Medyo naiilang pa ako kasi nakaakbay siya sa bench, para tuloy siyang nakaakbay sa akin.
"Well, what's new? I'm here because I miss you," napangiti ako sa naging sagot niya.
"You're so clingy! Kakakita palang natin kahapon, miss mo kaagad ako?" Kinurot ko pa siya sa tagiliran ng pabiro.
"It's true. I really miss you, Elle." Tuluyan nang nanlambot ang puso ko sa mga sinasabi niya.
"Oo nga pala, have you noticed how close Gayle and Kaizer is?" Oh, so hindi lang pala ako ang nakapansin sa closeness ng dalawa.
"Yes. Ang alam ko matagal na silang close, pero hindi tulad ngayon. Mas lalo yata silang naging close," tumango si Liam sa naging sagot ko.
"Isn't it too early for them to be in a relationship? Kung totoo man. Look, 4th year high school palang tayo. What if magkasakitan sila?" Gulat akong napatingin sa kanya.
"So what if they're in a relationship? Love knows no age. Hindi naman age ang nagsasabi kung pwede ka nang pumasok sa isang relationshop or not. Hayaan nalang natin sila. Let's not meddle with thei relationship." Napabuntong hininga si Liam.
"What if magkasakitan nga sila? Anong mangyayari sa kanilang dalawa?"
"Liam, normal sa isang relationship ang magkasakitan. How would you know that it's love if you're not experiencing pain?" Napatitig ng matagal sa akin si Liam.
"Love specialist, huh?" inirapan ko siya sa naging sagot niya.
"Hayaan nalang natin sila. I trust Gayle. She's wise when it comes to decision making." I smiled.
"Okay. I believe you," pinadausdos niya ang braso niya sa balikat ko, kaya nakaakbay na talaga siya sakin.
"By the way, nasan sila Tita Noellie?" oh, si Mom.
"As usual, work. Pauwi na yata sila ni Dad," sumandal ako sa dibdib niya at pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko.
"Let's stay like this for a while." Naamoy ko ang bango niya. Napapikit ako at patuloy na inamoy siya. Damn, his manly scent. Gosh. This boy beside me loves to cuddle so much.
Nilabas niya ang iPhone niya sa bulsa. Well, baka may message.
Nakarinig kami ng pag tikhim sa likod. "Liam, Elle, dinner is ready. Come on, kain na tayo." Agad kaming napabitiw ni Liam sa isa't isa, napatawa tuloy si Mom sa naging reaksyon namin.
"U-uhm, o-okay Mom... sunod na po kami." I smiled awkwardly. Ngumiti si Mommy sa amin bago tumango at pumasok sa loob.
Sabay kaming pumasok ni Liam for dinner. Binati niya ang parents ko pagdating sa loob.
YOU ARE READING
Clash of the Campus Sweethearts
RomanceLove or Hate? Started: March 30, 2017 Ended: ---