CHAPTER 5

1.7K 37 0
                                    

"In hell."

Natawa ako sa sinabi nya. Gusto nya akong isama sa impyerno? Sinong nasa matinong pag-iisip ang papayag dun?!

"Hindi ako sasama sayo! Never in a million years!" sigaw ko.

"Then magdusa ka. Hindi ka na makakapasok sa simbahan at makakahawak ng kahit anong banal na bagay dahil dumadaloy sa mga ugat mo ang dugo ko." malamig nyang sabi.

Hindi. Hindi. Hindi ako papayag! Hindi nya pwedeng sirain ang buhay ko! Hindi!

"Dapat pala sinunod ko na lang sila Mommy noon! Dapat pala nag-madre na lang ako! At least doon hindi mo ako masusundan! At doon safe ako sa sayo! At sa mga katulad nyo!" sumbat ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Napadaing naman ako sa higpit ng hawak nya.

"Nasasaktan ako Azazel." Daing ko sa kanya.

"You are bound to me, Isabelle! Pumayag ang mga magulang mo sa kondisyon na binigay ko! And by that, bago ka man ipanganak, nakatali ka na sa akin! At kung hindi dahil sa mga kapatid ko, do you think magpapatuloy pa ang lahi ng Graymark?!" sigaw nya.

"I just wish na sana hindi na lang sila pumayag! Sana hindi ganito yung nangyayari sakin!" sabi ko.

"Simple. Wala ka sana ngayon." Sabi nya.

"Mas okay na yun kesa naman magkasama kita sa impyerno!" sigaw ko.

"Gusto mong makita ang buhay mo kung hindi ka hiniling ng parents mo sa akin?" sabi nya kaya naman hinawakan nya yung noo ko.

----------------

"Isabelle! Ang tanga-tanga mo talaga! Sinabi ko nang maglinis ka ng maayos dito diba?!" sigaw ng isang matandang babae habang dinu-duro yung dalagang umiiyak sa sahig.

"Mam sorry na po. Tinapos ko po kase yung mga labahin." Sabi nung babaeng nagngangalang Isabelle.

"Aba't nagdadahilan ka pa?! Boba ka talagang leche ka!" sabi nung matandang babae at sinampal-sampal yung babaeng nakasalampak sa sahig.

"Mam tama na po!" umiiyak na sabi nung babae.

"Tonta! Pano ngayon 'to?! Madami akong bisitang dadating!" sigaw nung matandang babae tapos sinampal pa ulit yung umiiyak na babae. Hindi pa iyon, kumuha sya ng mainit na tubig at ibinuhos sa katawan nung umiiyak na babae. Kaya naman napasigaw sa tindi ng hapdi yung babae.

"Tamad! Boba! Punyeta!" sabi nung matandang babae at nilayasan nya yung babae.

Nanatili lang sa sahig yung babae habang dumadaing sa hapdi dahil sa nalapnos nyang balat. Wala syang magawa.

"Ano?! Hindi ka pa tatayo dyan?! Iiyak-iyak ka lang?! Kung hindi kase tanga yang nanay mo! Uutang-utang wala naman palang pambayad Ngayon ikaw ang magdusa sa inutang ng pokpok mong ina!"

----------------

Napadilat ako nang bitawan ni Azazel ang noo ko. Ako ba yung babae?

"Yan ang buhay mo ngayon kung hindi ka hiniling sa akin ng mga magulang mo. Isa kang katulong. Mahirap ka. Hindi mo makukuha ang lahat ng mayroon ka ngayo dahil hindi yun kayang ibigay ng mga magulang mong mga katulong rin." Sabi nya.

Ang daming what if's scenarios ang nagsulputan sa isip ko. What if hindi nga ako hiniling ni Mommy? What if kung hindi Azazel yung nagpakita sa kanila? What if?

"Kung katulong ang mga magulang ko, bakit kamukha ako ng parents ko?" naguguluhan kong tanong.

"Dahil fertilized egg ka pa lang ng kinuha kita sa babaeng yun at nilagay sa sinapupunan ni Irene Graymark. Hindi ba dapat nga magpasalamat ka na lang sa akin dahil sa pag-iiba ko sa kapalaran na nakatakda sayo?" Sagot nya.

"Hindi ba alam nung babaeng yun na nawalan sya ng anak?"

"I wiped out her memories."

"Pero paano yung mga maiiwan ko kung sasama ako sayo?" tanong ko.

Pano yung company namin? Si Jia?

"I'll send an iliad fragment na katulad mo. Parang kakambal mo but she's invincible."

"Pano kung malaman nila?"

"They will never know."

"Okay. Sasama ako sa iyo."

"Good choice."

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong halikan at ihiga sa couch.

-----------------

VOTE! VOTE! VOTE! :)

One Night Stand With The Prince of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon