CHAPTER 8

1.5K 34 0
                                    

CHAPTER 8

Naglakad kami ng naglakad ni Azazel hanggang sa makarating kami sa isang kwarto. Pagpasok namin, binitawan ko yung kamay ni Azazel.

"This is your room here." mahina nyang sabi but enough for me to hear it.

I scanned the room. It was good. No it was the best room I've ever seen. The four-poster red and black bed has red drapes, the window has fire for curtains, the room is painted in crimson. And the wardrobe is full of dresses. Mainly, black and red.

"It's beautiful. Thank you." I said then I hug him. Halata namang nagulat sya dahil hindi nya ako niyakap pabalik. And I felt disappointed. Kumalas ako sa kanya at naupo sa kama.

"Is my life here is going to be just like when I was still in the mortal world?" I ask him.

"Yes." He said then lumabas na sya.

Tumayo ako sa kama nung makakita ako ng sketch pad and a pencil na nakapatong sa drawer.

Inimagine ko ang itsura ni Azazel kanina nung nakabuka yung wings nya at sinimulan ko yung i-sketch. His almond-shaped green eyes, pointed nose, his sinful lips that did wander around my body, his perfect jaw line.

I am drawing his wings nung bigla syang pumasok at naupo sa tabi kaya naman I immediately close the sketch pad and put it under my pillow.

"What's that? Bakit mo tinago? May I see?" sabi nya so inupuan ko yung pillow para di nya makuha.

"None of your business. Lumabas ka nga. I'm busy." I said coldly.

"You dare to send me out of my own place?" inis na tanong nya sa akin.

"Yeah. Labas na nga. May ginagawa ako." I said then hinila ko sya patayo at tinulak ko sya palabas.

"Bahala ka." He said then tumalikod na sya at naglakad palayo.

Pumasok ako sa loob at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

I don't know why I'm drawing him but I really feel that I smile whenever he's around. I always want to see him, to hear his voice, to touch him. And even though he's a demon, I feel safe if he's beside me. I feel that he would never let anything happen to me.

-----------------

"Azazel, pwede ba tayong lumabas?" tanong ko one time while we are eating.

"Where are you going?" cold nyang tanong sa akin.

"You heard it wrong. I said 'Pwede ba tayong'. It means you'll come with me." sabi ko kaya naman napatigil sya sa pagkain at tumingin.

"May trabaho ako dito." Sabi nya.

"Please just for a day?" I said nag-puppy eyes pa ako na hindi ako alam kung tatalab kase wala namang gumagawa nun dito. Imagine, yung mga demonyo sa may gate ng castle ni Azazel mag-puppy eyes anong mafi-feel nyo?

"Where are we going?" tanong nya sa akin. Nag-isip naman ako saglit bago sumagot sa kanya. Sana lang pumayag sya.

"In our manor. In Austria." Sabi ko. Tiningnan nya naman ako saglit dahil sa sinabi ko.

"Okay." He finally said.

"Thank you!" napatayo ako at nagpasalamat sa kanya which end up, I hug him again and for the second time he didn't hug me back kaya naman na-disappoint ako.

Nagpaalam na ko sa kanya dahil nga nainis ako. Bakit ba ayaw nya akong yakapin pabalik? Masama ba yun?!

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko, may nakasalubong ako na isang Higher Demon. Hindi ko alam kung bakit bigla nya akong sinaklit sa braso at kinaldkad.

"Anong ginagawa mo dito?! Hindi ba dapat nagsisilbi ka sa Prinsipe Azazel?! Hindi dito ang lugar para sa mga alipin!" sigaw nya sa akin kaya naman nagpumilit akong makaalis dahil hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin.

"Sino ka? Anong gagawin mo sa akin? Azazel! Tulungan mo ko! Please! Luciana!" umalingawngaw ang sigaw ko sa kadiliman ng lugar na iyon. Nagpatuloy ako sa pagsigaw ngunit tila walang nakakarinig sa akin.

Patuloy akong kinakaladkad nung demonyo hanggang sa makarating kami sa isang napakalaking pintuan na gawa sa apoy. Binuksan nya iyon. At rinig na rinig ko yung mga sigaw na galing sa ilalim ng mga tao. Nagmamakaawa, umiiyak at humihingi ng tulong at tawad sa Diyos. Rinig din ang tawa ng mga demonyo na nagpapahirap sa mga tao.

Itutulak nya na sana ako ng biglang may sumigaw.

"Moloch! Bitawan mo ang babaeng yan!" binitawan nga ako ni Moloch na syang dahilan ng pagkahulog ko sa napakalalim na pintuan.

Napapikit na lamang ako at hinihintay ang pagbagsak ko sa apoy na papatay sa akin ngunit wala. Pagdilat ko, nakita ko si Azazel.

Sinalo nya ako. Lumipad sya pababa gamit ang malalaki at itim nyang pakpak na biglang umapoy. Anger is visible in his eyes.

Nilapag nya ako then he faced the demon that pushed me, named Moloch.

"Prinsipe Azazel, natapos ko na misyong ibinigay nyo. Napag-away ko na ang dalawang panig. Asahan nyong babaha ng masasamang kaluluwa rito sa mga susunod na araw." Moloch said while smirking.

"Umalis ka dito. Bumalik ka sa mundo ng mga mortal kung hindi ako mismo ang puputol sa pakpak mo." Galit na sabi ni Azazel. Sinara nya ang pintuang iyon at hinila ako paalis.

"Anong ginagawa mo at nakita ka ni Moloch?!" sigaw nya sa akin ng makarating kami sa kwarto ko.

"Naglalakad ako pabalik dito. Tapos bigla na lang syang nagpakita." Sabi ko.

"Tss! You could have died! The fires of second floor of hell down there can kill you!" sigaw nya sa akin. Teka nga. Hindi ko naman kasalanan ah?

"It's not my fault na hindi ko alam kung saan papunta ang mga pinto dito!" sigaw ko din sa kanya.

"You should have asked me!" sigaw nya. Leche ah! ba't ba sya sigaw ng sigaw?

"Why are you shouting?! I'm just right here and I'm not deaf!" sigaw ko kaya naman bigla nya akong niyakap.

And suddenly I felt that I am safe in his arms. Butterflies are fluttering in my stomach and I felt my cheeks flush.

After nya akong yakapin, bigla syang umalis at lumapit naman sakin si Luciana para ihatid ako sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ko, kinuha ko agad yung sketch pad ko at nag-drawing. Hindi naman madilim dahil napapalibutan ng apoy ang bintana that serves as the light in the room.

I started sketching Azazel again. I don't know why but I always feel some kind of happiness when I sketch him.

-------------------

One Night Stand With The Prince of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon