CHAPTER 12
Sigaw namin ni Azazel ang bumalot sa kwarto. Sigaw ng pagdaing ang maririnig mula sa kanya samantalang sigaw ng pagmamakaawa ang lumalabas sa bibig ko.
Nakita kong pinulot ni Lucifer ang punyal na ibinigay sakin ni Eligos at itinutok ito sa leeg ko.
"Dalawang buhay ang mawawala ngayon!" sigaw nya kaya napatingin ako sa kanya.
Hindi. Kapatid nya si Azazel. Hindi nya pwedeng patayin ang sarili nyang kapatid.
"Huwag. Parang awa mo na Lucifer. Wag mong papatayin si Azazel. Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo. Ako ang gusto mo hindi ba?" pagmamakaawa ko kaya naman lalong diniinan ni Lucifer ang pagkakatutok ng punyal sa leeg ko habang inamoy ang buhok ko.
"Magaling! Tingnan mo Azazel, inaalay ng mortal ang buhay nya para sayo! Napaka-galing! Napaka-galing!" sigaw ni Lucifer na parang baliw.
"Bitawan mo si Isabelle!" sigaw ni Azazel na tila nagkaroon muli ng lakas at pinilit nyang tumayo tapos inatake nya yung mga demonyong may hawak sa kadena ng mga pakpak nya.
Nang mamatay ang dalawang demonyo, inalis nya ang kadena sa pakpak nya.
Kinuha nya yung espada dun sa patay na demonyo at sinugod si Lucifer. Bumunot din ng espada si Lucifer na dahilan para mabitawan nya ako at naglaban silang dalawa.
"Umalis ka na Isabelle!" sigaw sakin ni Azazel.
"Hindi! Sabay tayong aalis dito!" sigaw ko.
Binalot ng tunog ng mga nagbabanggaang espada ang paligid. Hanggang sa nakita kong tumalsik ang espada ni Azazel. At sinaksak sya ni Lucifer sa tiyan.
"Azazel!!!" sigaw ko at lumapit ako kay Azazel. Nagdudugo na ang tyan nya.
Tuwang-tuwa si Lucifer nang makita nyang nagdudugo ang saksak nya kay Azazel.
Pinunit ko yung laylayan ng damit ko para itali sa sugat ni Azazel.
"Isabelle, umalis ka na. Please. Mamamatay na ko. I want you to get out of here before I die or else hindi ka na papakawalan ni Lucifer." Sabi ni Azazel. Napayuko ako dahil dun.
"Please. Wag muna Azazel. Hindi ko kaya." Sabi ko habang umiiyak.
"Isabelle!" sigaw ni Azazel at bigla syang gumulong para mapunta ako sa ilalim nya. Dahil sasaksakin ako ni Lucifer.
Naramdaman ko tumulo sa dibdib ko ang dugong lumabas galing sa likod ni Azazel na syang natamaan ng espada.
"Azazel bakit?" tanong ko bago sya bumagsak sa ibabaw ko.
Nagulat ako nung biglang magbukas ang pinto at magliwanag sa paligid.
"Mga anghel!" gulat na sigaw ni Lucifer. Humigpit ang hawak nya ng biglang pumasok ang 4 na anghel.
"Dumating na ang magliligtas sayo." Nanghihinang sabi ni Azazel. Iniupo ko sya sa kandungan ko tapos pumunit ulit ako ng tela sa damit ko para itali sa likod nya.
"Hindi. Makakaalis na tayo. Ililigtas nila tayo." Sabi ko.
"Gabriel! Kunin nyo na sya!" sigaw ni Azazel kaya naman lumapit si Gabriel.
Doon ko nakilala ang mga kasama nya. Ang kapwa nya arkanghel na si Miguel at sina Ithuriel at Raziel.
Binuhat ni Gabriel si Azazel para itayo ako.
"Tara na." sabi nya habang kinakalaban ni Miguel at Raziel si Lucifer. Si Ithuriel ay nasa kaliwa ko.
"Hindi! Isama natin si Azazel! Hindi ako lalabas dito ng wala sya!" sigaw ko at binalikan ko si Azazel na nakaluhod at nakahawak sa nakatukod nyang espada.
"Sige na. Iwan mo na ko. Gabriel, may portal sa kwarto ni Isabelle na magdadala sa inyo sa Graymark manor. Yun ang gamitin nyo." Sabi ni Azazel at inalis yung kamay ko mula sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Azazel please. Don't do this." Pagmamakaawa ko.
"Live, Isabelle. For our child. I love you." sabi nya habang may tumulo na luha sa right eye nya then tumayo sya para tumulong na makipaglaban kay Lucifer na kinakalaban na ni Miguel, Raziel at Ithuriel.
Magkakaanak kami?
Natutuwa ako dahil nagbunga ang pagmamahalan namin sa isa't-isa. Ngunit ang kapalit naman nun ay sya mismo.
"Promise me na babalikan mo ko. Babalik ka." Sabi ko habang umiiyak at hawak ko yung kamay nya.
"I promise." He said tapos hinalikan ko sya. Naramdaman ko pa yung mga luha na nasa pisngi nya.
"Sige na Gabriel. Ilabas mo na sya! Ngayon na!" sigaw nya kaya naman binuhat ako ni Gabriel at lumipad sya palabas ng silid na iyon.
"San ang kwarto mo?" itinuro ko sa kanya yung kwarto ko at naabutan ko sa loob si Luciana na inihahanda yung portal.
"Pumasok ka na, Isabelle." Utos ni Gabriel sakin.
"Sandali lang." sabi ko tapos lumapit ako sa kama ko at kinuha ko yung sketch pad na nasa ilalim ng unan ko.
Nung nakuha ko na, nilapitan ko si Luciana.
"Eto yung susi sa bahay natin, Isabelle. Mag-iingat ka. Kayo ng magiging apo ko. Naniniwala akong babalikan kayo ng Prinsipe Azazel. Lagi syang tumutupad sa mga pangako nya." sabi ni Luciana at binigay nya sa akin yung napakaraming susi.
"Salamat Lola. Kapag nakita mo si Mommy at Daddy, pakisabi mahal na mahal ko sila. Salamat po sa lahat-lahat." Sabi ko tapos kinuha ko yung bungkos na susi na hawak nya.
Naunang pumasok si Gabriel habang hawak nya yung kaliwang kamay ko at hawak ko sa kaliwa yung sketch pad ko kung saan naroon ang lahat ng sketch ko kay Azazel.
At sa isang iglap lang, nasa harap na kami ng bahay namin.
Si Gabriel ay naka-damit pang-tao na at wala na din ang kanyang mga pakpak. Nanghihina akong gumewang-gewang at sinalo ako ni Gabriel bago ako tuluyang bumagsak sa lupa.
-----------------------
"What is Isabelle doing here? Hindi ba dapat nasa Philippines sya?"
Nagising ako sa lakas ng boses ng nagsalita. Si Jia.
"J-jia? Gabriel?" napatingin sila sa akin at lumapit.
"Are you okay Isabelle? Bakit madami kang wounds? What happened?" sunod-sunod na tanong ni Jia.
"You won't believe me when I tell what you what happened to me, Jia Fray." I said.
"Who is he?" tanong nya habang nakatingin kay Gabriel.
"He's Gabriel. He's an arch-" pinutol ni Gabriel yung sasabihin ko.
"I'm her friend from Philippines." Sabi ni Gabriel.
"Where the dress I'm wearing nung dumating ako pati yung sketch pad na hawak ko?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yung sketch pad, nasa dresser mo." Sabi ni Gabriel.
"Yung dress?"
"Tinapon ko na. Puro dugo eh. Tapos punit-punit pa. then may mga feathers pang dumikit. San ka ba galing ha? Halloween party?" Sabi ni Jia kaya parang gumuho yung mundo ko at nagsimula na akong umiyak. Nandoon sa damit na yun yung bakas ng lahat nangyari. Hindi yun pwedeng mawala! Hindi!
"Jia kunin mo please. Lalabhan ko na lang yun. Please do get it." sabi ko habang umiiyak.
"Hala! I'm so sorry! I'll get it." sabi ni Jia tapos tumakbo sya palabas.
-----------------------
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Prince of Hell
RomantikCan love really conquer heaven and hell?