CHAPTER 10
"Prinsipe Azazel, parating po ang Prinsipe Lucifer." Sabi ni Luciana kaya naman napatigil ako sa pagkain. Pero walang reaction si Azazel.
"Azazel, papunta daw si Lucifer." Bulong ko sa kanya.
"Narinig ko, Isabelle." Inis nyang sabi.
"Di ka ba natatakot sa kanya?" tanong ko kaya naman napatigil sya.
"He's one of us so why would I be scared?" aba kelan pa naging sagot ang tanong?
"Azazel! Ang aming bunsong kapatid!" napatingin ako dun sa sumigaw.
Si Lucifer. Kamukhang-kamukha nya talaga yung portrait nya pero parang mas humaba yung mga sungay nya, at sobrang tingkad ng pagka-pula niyon.
Nung makalapit sya kay Azazel, pinanindigan na ko ng balahibo lalo na nung tingnan nya ako.
"Sino ang babaeng ito?" nakangisi nyang tanong.
Nagpigil ako ng hininga nung lumapit sya sa akin.
"Sya si Isabelle. Ang babaeng ipinagkasundo sakin ng mga magulang nya."
Nilapitan ako ni Lucifer at inamoy ako.
"Isa syang tao! Ngunit naaamoy ko ang dugo ng demonyo na dumadaloy sa kanyang mga ugat." Sabi ni Lucifer. Tapos hinawakan nya yung pisngi ko.
So hindi pa pala tinatanggal ni Azazel ang dugo nya sa akin?! Walang hiya! Sinungaling sya!
"Napakaganda nya. At napakaganda din ng kaluluwa nya." tatawa-tawang sabi ni Lucifer.
"Tigilan mo sya Lucifer." Babala sa kanya ni Azazel.
Nagpakawala ng malakas na halakhak si Lucifer bago bumaling kay Azazel.
"Hanggang sa muli, kapatid!" sabi na tapos bigla na lang syang nawala.
"Azazel, tumayo ka dyan mag-uusap tayo!" sigaw ko tapos naglakad ako papunta sa kwarto ko.
Nauna pang nakarating si Azazel kesa sa akin. Oo nga pala. May kapangyarihan sya. Ako wala.
"You lying bastard! Sabi mo pag sumama ako sayo tatanggalin mo ang dugo mo sakin!" sigaw ko.
"Magpasalamat ka na lang sakin." balewala nyang sabi sa akin.
"Bakit ako magpapasalamat sayo?! Hindi ka tumupad sa pangako mo!" sigaw ko.
"Pwede ba? Manahimik ka na? Pasalamat ka nga at buhay ka pa." inis nyang sabi.
"So magpapasalamat pa ko sayo?! You're one lucky asshole if that's the case!"
"Sa tingin mo kung tinanggal ko ang dugo ko sayo bubuhayin ka pa ni Lucifer ha?! Galit sya sa mga mortal! Sa mga katulad nyo! Kaya hindi ko tinanggal ang dugo ko dahil para hindi ka niya patayin! Kaya magpasalamat ka na lang!" sigaw nya tapos lumabas na sya ng kwarto ko.
Napaupo ako sa kama. At tumingin sa pintuan kung saan lumabas si Azazel.
Nakaka-guilty yung ginawa. I was so impulsive.
Dalawang beses na nyang nililigtas ang buhay ko. Pero galit pa ko sa kanya. Bakit nya ba ako nililigtas?
----------------
Azazel
"Luciana."
"Bakit po Mahal na Prinsipe?"
"Pumunta ka sa pintuan ng langit at sabihin mong gusto kong makausap si Arkanghel Gabriel. Sa mundo ng mga mortal kami mag-uusap."
"Masusunod po."
-------------
"Anong kailangan mo demonyo?"
"Proteksyon."
"Hindi kita mabibigyan ng proteksyon."
"Hindi ako. Si Isabelle Graymark."
"Sino sya?"
"Isang mortal na pinangangalagaan ninyong mga anghel."
"At bakit ko gagawin yun?"
"Dahil mahal ko sya. At tungkulin nyo na mangalag ng mga mortal."
"Kayong mga demonyo ay walang alam sa pagmamahal. Ni hindi nyo alam kung paano magpahalaga at mangalaga."
"Minahal ko na sya simula noong bata pa sya. Kaya protektahan mo sya. Kapag dinakip ako ni Lucifer at ako ay napaslang, itakas mo sya at protektahan hanggang sa sya ay mamatay."
"Kung puro ang iyong pagmamahal sa kanya, makakaasa ka. Tutulungan kitang itakas sa impyerno ang babaeng yon at papangalagaan ko sya sa abot ng aking makakaya."
"Salamat, Arkanghel."
------------------
font-famXlq
BINABASA MO ANG
One Night Stand With The Prince of Hell
RomanceCan love really conquer heaven and hell?