EPILOGUE

1.9K 57 7
                                    

EPILOGUE

"Isabelle? Why is baby Marcus crying?" tanong ni Gabriel. Iyak kase ng iyak si Marcus.

"Malamang mainit, Idiot." Sabi ni Jia kaya naman binatukan sya ni Gabriel.

Nandito kase kami sa simbahan dahil binyag ni Marcus. 9 months na pala sya. And I can say na he's so handsome. Madami syang papaiyakin in the future. Wala namang madaming tao akong ininvite. Gusto ko kase maging private ceremony lang. Tutal wala naman akong living relative, tanging family lang ni tito Rob [na ninong ko] , family ni Alia, si Jia at Gabriel lang ang ininvite ko.

Nagtaka nga si Tito Rob kung paano nangyaring nabuntis ako eh. Syempre gumawa ng lang ako ng kwento dahil alam kong hindi sya maniniwala pag sinabi ko.

Si Jia at Gabriel na din ang ninong at ninang. Oo nga pala, binigyan ni Gabriel si Marcus ng feather nya na tumigas at naging metal para maging kwintas. Protection daw yun para kay Marcus sabi ni Gabriel.

Nakita na nga din pala ni Jia yung pakpak ni Gabriel at hanggang ngayon hindi sya makapaniwala na angel si Gabriel. Nung makita nya yun, dun ko na rin ipinagtapat kay Jia kung sino talaga ang daddy ni Marcus at kung ano ang nangyari sakin. At alam nyo ba kung ano ang sabi nya?

"Ay ang taray mo Izzy! Sobra sigurong gwapo nun no? Base dun sa sketch eh ang gwapo nga! Ang hot-hot pa! Inggit ako! Gusto ko din ng fafa na tulad ng nabingwit mo! Hayup talaga yang beauty mo! Kahit sa ilalim ng lupa nakakarating!"

"Di ka natatakot sa pinagsasasabi mo?"

"Astig nga eh! Oh pag naanakan ako nun, ang ganda ng anak ko. And isa pa, I want a unique love story. Hihihi."

"Sa akin hinimatay pa, nung se demonyo kilig na kilig. Iba ka din." Sabi ni Gabriel.

See? Para talagang ewan ang babaeng yan.

Nagsimula na yung ceremony at si Marcus ay iyak pa din ng iyak. Hindi na namin alam kung pano sya papatahimikin. Nandyan yung pinadede sya, kinarga ni Gabriel, ni Jia, nila tito Rob, nilabas ko na, pero wala pa din.

"Where is the father of the child?" tanong nung pari kaya naman natahimik kami bigla except kay Aya na iyak pa din ng iyak.

"Baby, ssshhh. Sshh." Sabi ko.

Lalapit na sana si Gabriel ng biglang may magsalita.

"I am his father." Napatingin kaming lahat sa kanya at instantly namang natahimik si Baby.

Automatic na nalaglag ang mga luha galing sa mga matako ng maglakad sya palapit sa amin.

"Ayyy, Izzy sya yung daddy ni Marcus? Ang gwapo! May kapatid ba yan?" tanong ni Jia kaya naman siniko sya ni Gabriel.

Kinuha nya sa akin si Marcus at dinala kay Father habang kaming lahat ay gulat na gulat pa din.

Nagbalik na nga sya. At nandito na sya. Hawak ang anak namin.

---------------------

"Paano ka nakabalik Azazel?" tanong ko habang nandito kami sa condo ko. Nandito din si Gabriel at Jia na kilig na kilig kay Azazel.

"Matapos na matalo si Lucifer, dinala ako ng mga anghel sa langit. Ginamot nila ako doon at tinanggal nila ang dugo ng demonyo sa katawan ko. Ngunit nanatili sakin ang mga pakpak ko." paliwanag ni Azazel.

"Makakabalik na ko sa pinanggalingan ko." masayang sabi ni Gabriel kaya naman napansin kong biglang lumungkot si Jia. Pero ako lang ata ang nakapansin nun.

------------------

"Salamat Azazel. Dahil nagbalik ka para sa amin." Sabi ko habang nakayakap sakin si Azazel dahil Kakatapos lang namin ng isang round.

"Pinilit kong lumaban sa sakit nung inalis nila sa akin ang dugo ng demonyo. Akala ko hindi ko kakayanin pero dahil paulit-ulit na umaalingawngaw yung boses mo sa taas, nagkaroon ako ng pag-asa. I have to surpass the pain because you're waiting for me." sabi ni Azazel.

Thank you Lord for giving me him to me. Thank you for letting him survive.

---------------

"Love, are you okay?" tanong ni Azazel sa akin.

"Yes I am. Pakisundan si Marcus dahil baka mawala sya." Sabi ko tapos naglakad ako papunta sa pinuntahan ni Marcus.

Nandito kase kami sa mall dahil gusto ni Azazel ipasyal si Marcus. Eh tinatamad nga ako kaso mapilit yung mag-ama. Mahirap tanggihan ang green eyes nilang dalawa. Kay Marcus pa nga lang, sobrang hirap na tanggihan, nagsabay pa sila.

"Mom! Come here!" sigaw ni Marcus tapos patakbo syang lumapit sa akin at hinila ako papasok sa isang infant store.

"Mom! I saw this. I think this is nice for her!" tuwang-tuwa sabi ni Marcus pagkabigay nya sa akin ng isang maliit na dress.

Oo nga pala, I'm 6 months pregnant to our 2nd child. Si Marcus nga pala eh 5 years old na. And like I said, nag-migrate kami sa Austria nung 3 years old pa lang sya. A year before before lumipat kami ng Austria, nag-decide kaming magpakasal ni Azazel. Bumaba si Gabriel at iba pang anghel na naging kaibigan ni Azazel para um-attend sa kasal namin. Syempre sa simbahan kami nagpakasal. Azazel Blackthorn na din pala ang ginagamit na pangalan ni Azazel.

"Are you sure that the baby is a girl, Sport?" tanong sa kanya ni Azazel tapos binuhat nya si Marcus.

"Yes dad. I'm very sure. And please put me down. I'm going to be a big brother." Sabi ni Marcus kaya naman napilitan si Azazel na ibaba si Marcus.

"They're so cute."

"Yes they really are. I agree with you."

"What a happy family."

I smiled at them and glanced at my husband and child. This is my safe haven. To be with Azazel, Marcus and our soon to be little baby.

-------------

END



THANK YOU FOR READING! :) I WOULD REALLY APPRECIATE YOUR VOTES AND COMMENTS! DO GIVE ME YOUR FEEDBACKS PLEEASSE :D *puppy eyes* YUN LANG PO MAGPAPASAYA SAKIN. GOD BLESS YOU ALL :)

-diegab


P.S. Do read my new stories guyseuuuu. Here's the link:

https://www.wattpad.com/487133318-an-angel-fathered-my-child-teaser


Thank you :)

One Night Stand With The Prince of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon