Mommy D: Sarah, kakain tayo.
Sa: kayo na lang po, mommy. Hindi po kasi ako nagugutom.. Wala po akong ganang kumain..
...
Mommy D: bakit? May nangyari ba? Kumain ka na, baka magkasakit ka pa..
Sa: Si Ge po kasi, eh. Binabaan ako ng phone, porke't kasama niya si Kim. Naiinis po talaga ako..
Mommy D: friends lang naman yung dalawa, di ba? Subukan mo na lang siyang tawagan mamaya, baka hindi na siya busy..
Sa: Sige po, mommy. Dun po muna ako sa kwarto..
- - - - - - - - - - -
Sinubukan ulit na tawagan ni Sasa si Gege..
* ring *
tiningnan agad ni Ge ang phone niya, sasagutin niya na sana kaso hinawakan ni Kim ang kamay niya..
Kim: Ge, pwede tulungan mo akong tumayo.. Mag cr lang ako, di ko pa kasi kaya..
Ge: Okay, samahan na kita..
( nilapag muna ni Ge ang phone niya sa table )
Back on Sarah's POV
hay, bakit ganun? Hindi niya parin sinasagot! Nag-aalala na ako, magkasama pa naman sila ni Kim.. Alam ko wala akong karapatang magreact ng ganito dahil hindi ko pa naman siya bf.. Pero kasi, nanliligaw na siya sa akin.. Dapat loyal na siya, baka kasi dahil dun magkabalikan pa sila ni Kim! hay, hindi talaga ako makakatulog nito hangga't hindi niya sinasagot ang phone niya..
Nagkasalubong sila Rayver at Enchong..
Enchong: kamusta na si Kim? Kasalanan ko talaga yun, eh.
Rayver: nagpapahinga na siya. Aksidente naman ang nangyari..
Enchong: mabuti naman, pero pupunta ko siya.. Gusto ko mag-apologize..
Pupunta na sana si Enchong sa room ni Kim, pero pinigilan siya ni Rayver..
Rayver: Wag na, chong! Nandun na si Gerald.. Okay na dun si Kim..
Enchong: pero rayver..
Rayver: wala ng pero-pero.. Dun na lang tayo sa kwarto natin magkwentuhan.. Tara na!
Wala ng nagawa si Enchong, kaya pumayag na lang siya..
Enchong: okay!
Ge: Okay ka na, Kim? Humiga ka na ulit.
Kim: Thanks, Ge! Ah. wait.. may apple oh, ipagslice kita, inaalagaan mo kasi ako..
...
Ge: ako na lang kim..
Kim: wag na, ako na!
Pagslice ni Kim sa apple, nasugatan niya ang kamay niya kaya dumugo ito..
Kim: aray ko, Ge! Nasugatan ako..