Ano raw? handsome June. Parang di ko tuloy mapigilang tumawa. Ang lakas din ng tama niya e. Pero kailangan ko talagang pigilan baka nandyan lang siya sa paligid naka tingin.Kaya kinagat ko nalang ang bibig ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti. Pakiramdam ko kasi bawal ngumiti lalo na't dahil kay June.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at saka ko nakitang naka upo siya sa mesang malayo sa amin.
Nang makita ko siya saka naman siya nag iwas ng tingin na parang walang nangyari.
Hmmm...maang-maangan?
Ewan ko sayo..Kinabukasan maaga akong pumasok dahil doon ako natulog sa bahay nina tito dahil inalagaan ko si Miggy. Nagtataka nga ako sa batang yon dahil ang sakitin kahit kumpleto naman sa vitamins at healthy naman lahat ng kinakain.Hindi pa kasi napapa general check-up lalo na't parehong busy ang kanyang mga magulang.Nakakaawa nga siya lang naman ang tinuturing kong kapatid kaya mahal na mahal ko siya.
Pagbaba ko palang ng kotse ay may umabot na sa akin ng isang bouquet ng flowers. Tiningnan ko ang notes dahil baka si Edward na naman.
"Youre more beautiful than the flowers"
HJ-
Kinilabutan ako ng tingnan ko ang sender.HJ as in handsome June.
Again??? Pagkatapos niya akong painisin ay pakikiligin niya na naman ako.Bakit niya to ginagawa. Nanliligaw ba siya?O baka naman sobra siyang nakunsensya sa pinagsasabi niya sa akin.
Nang mag lunch may nag abot na naman sa akin ng isang small box ng chocolate cake at meron na namang note. Nagulat pa nga ako ng hinablot ni Micah at binasa. Nagtaka siya kung sino si HJ e hindi naman HJ ang initials ni Edward.Hindi ko rin sinabi sa kanya kung sino para iwas intriga.
Kinabukasan ganon parin ang nangyari,maya't mayay may nag aabot sa akin ng kung ano-ano.Hindi naman kumikibo si June pag tinitingnan ko. Hindi rin siya lumalapit, kasi nga diba sinabi ko na huwag siyang lumapit sa akin.
Abala ako sa pagluluto ng ipapadala ko sa bahay ni lolo Greg dahil friday ngayon at birthday niya. Inagahan ko talaga dahil may two subject pa ako this morning at pag dating ng hapon ay may meeting na naman ako sa Club. Sisikapin ko talagang makadaan mamaya sa mansyon ni lolo Greg dahil nga magtatampo yun pag hindi ako dumating panigurado.
Naglalakad ako papuntang room at pakiramdam ko parang may kulang. Nasanay siguro ako sa dalawang araw na may sumasalubong sa aking bulaklak pagkapasok palang. Nakita ko si June na papunta sa room namin at ng mapansin niya ako ay sinadya niyang binilisan ang paglakad.Bigla tuloy akong na disappoint.Feeling ko ang lungkot ng paglakad ko.Baka nagsawa na siguro at hindi na nakukunsensya. Oo tama, nakunsensya lang siya kaya niya ginagawa yon.Binigyan ko lang siguro ng ibang ibig sabihin yon.Ganon nga siguro kadaling umasa lalo na't gusto ko siya noon.
"O ang aga-aga bagsak na yang mukha mo. "Anong nangyari? si Micah ng makapasok ako. Nandoon na pala silang dalawa ni Jake pati na rin si--nevermind!
"Wala, ang aga ko kasing nagising dahil nagluto ako para kay lolo. "Pagsisinungaling ko.
Malungkot nga siguro ang mukha ko kaya niya napansin.E yon naman kasi ang nararamdan ko e."Akala ko kasi nalungkot ka dahil hindi ka binigyan ni loverboy mo ng bulaklak."si micah sabay malakas na tawa.
Manghuhula ba siya. Ang galing mo myk, alam mo bang disappointed ako. Pero di bale baka kantiyawan mo pa ako.
"Hindi kaya... Pagod lang ako no."
"Oy babe, wag kang mawawala mamaya ha. Magtatampo si lolo. Ani jake sabay lingon sa akin.
BINABASA MO ANG
LUCKY CHARM
Tiểu Thuyết ChungTagalog story.. Editing--- Charmaigne Reese Lim.. Intelligent, lovable, kind, feirce, nature lover, adventurous & beautiful. But she still feel less and unsatisfied.Maybe beacause she was once left behind by the person she loved. But what would...