Dalawang araw palang kaming nagkaharap ni June at tatlong beses na kaming nag kiss. Buti sana kung may relasyon kami,kaso wala.
Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit naging ganon ang ugali niya.Inaamin ko naman na ako ang naunang nanghalik at sa kadahilanang nagigipit ako at gustong gumanti kay Nick. Pero parang casual lang sa kanya ang halik.Nasanay na siguro siya doon sa America na parang wala lang yun.
Nakakapagod. Iniisip ko palang ang mga nangyayari parang na drain na ang utak ko. Paano ko ba sisimulang magpaliwanag sa ga kaibigan ko. E naisip ko palang parang ayaw ko na. Sangkaterbang tanong at panunukso lang ang aabutin ko. Pero nagiguilty naman ako pag ilihim ko ito. Haaay.... Bahala na nga....!!
Halos dalawampong minuto pa ang natira bago ang last subject ko. Mabuti narin yun para hindi naman ako ma late.Pagdating ko sa room ay sinabing hindi raw darating ang prof. kaya ang ginawa ko, kinuwento ko ky Micah ang lahat ng nangyari.Hayun, todo tanong at parang kinikilig ang naman siya.
Kinabukasan, tanghali na ako pumunta ng school dahil 1o'clock pa naman ang klase ko.Medyo maluwag kasi ang schedule ko at magkaklase kami ni Micah at Kurt.
Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bag para ma text si Micah.
Message to:
(Micah)Myk, I'm here. Where are you?
Ilang segundo lang ay nagreply agad ito.
Message from:
(Micah)Cafeteria, we'll wait for you.
Okay, tara cafeteria daw. At sino naman kaya ang kasama niya? Hindi naman kami same schedule ni Jake.
Pumasok ako sa loob ng cafeteria at nahanap ko naman agad ang kinaruruonan ni Micah.
Si Kurt pala ang kasama. Tumayo siya at kumaway sa akin na abot tenga ang ngiti. Lumakad siya at mukhang sasalubongin ako. Hindi parin natanggal ang ngiti sa kanyang mga labi at nahawa narin ako. Ang cute niya talaga. Ang amo ng mukha at parang hindi ka sasaktan pag siya ang naging boyfreind mo.
"Hi Charm. Kamusta? Hindi tayo magkaklase kahapon. "
Nginitian ko siya. Hindi niya naman naririnig ang mga complements sa utak ko. Lakas maka good vibes ng isang to.
"Naku, ayos lang kurt. Ikaw,okay ka lang ba kahapon? "Sagot ko.
"Oo naman, marami nga ako nakilala at gusto akong isali sa varsity team ng JDMU. "
"Ah, mabuti naman kung ganon. Sumali ka at para meron ka namang pagkaabalahan at hindi ka ma bore. "
"Oo nga ei, pinag-iisipan ko. Pero dahil sinabi mo, sasali nalang ako. hehe"
Ano yon? Kapag sinabi ko susundin niya.May gusto kaya siya sa akin.Asa ka charm...! Sabi ng kuntrabida kong utak.Masyado lang siguro akong bilib sa sarili.
"Halika na Charm."
Hinila niya ang braso ko at giniya papunta sa table kung nasaan si Micah. Napaka gentleman niya talaga. Para pa akong naiilang ng hinawakan niya ako at mapagtanto kong nakatingin sa amin ang mga babaeng kumakain lalo na kay kurt. Ang iba naman ay tinaasan ako ng kilay.Binaliwala ko nalang at umupo sa harap ni Micah.Hindi parin pala siya kumakain dahil wala naman akong nakitang kahit ano sa mesa maliban sa bag at ipod niya.
BINABASA MO ANG
LUCKY CHARM
Ficción GeneralTagalog story.. Editing--- Charmaigne Reese Lim.. Intelligent, lovable, kind, feirce, nature lover, adventurous & beautiful. But she still feel less and unsatisfied.Maybe beacause she was once left behind by the person she loved. But what would...