Chapter Nineteen

33 4 0
                                    


"Enjoyin mo lang ang pagyakap sakin sweetie. "

Ano?

Natigilan ako sa sinabi niyang yon. Ramdam kong nagsipag tayuan ang mga balahibo sa katawan ko at halos rinig ko na ang digmaan ng sundalo at maute sa dibdib ko.

Grabe!! Anong trip na naman kaya to?

Hinila ko ang kamay kong nakayakap sa likod niya at saka binatukan.

"Aray!! Sigaw niya at saka lumingon sa akin. Bakit ka nambabatok?

"Tss, sinuswerte ka rin e no? Sabi ko at saka siya inirapan.

"Ito naman,ayoko lang mahulog ka e.Nananakit agad-agad.!

"E ikaw kasi, andami mo pang arte. Nakakapit na nga't lahat dami mo pang ginagawa. "

"Concern lang naman po ako,bakit parang ilang na ilang ka naman?. Sabi niya habang nakangiti.

"Hindi ako naiilang no, at bakit naman ako mahuhulog e kumapit na nga at saka bakit ba mas marunong kapa sakin e motor ko to.!

"Hahahaha, ang sungit sungit mo.tinawanan niya ako. "Ang cute mo talaga pag napipikon. "

Tinulak ko paharap ang mukha niya dahil pakiramdam ko'y nag-iinit ang pisngi ko.

"Tara na nga!! Baka magbago pa ang isip ko. Sabi ko at agad niyang pinaandar ang motor ko.

"O, kumapit ka ha., kawawa naman ako pag nahulog ka.! Seryosong sabi niya pa.

Hindi ko na tuloy alam ang nararamdaman ko, hindi na talaga nilubayan ng digmaan tong dibdib ko.

"Ano sabi mo?

"Sabi ko, kawawa naman ako pagnahulog ka., naku inulit pa di ma gets! "Kasi ako ang magpapagamot sayo pagnagkataon.

A ganon, ganon pala yon. Akala ko kasi kung ano na. Assuming ko talaga!

"Okay! Sabi ko at parang nawalan ng gana.

"So lets go?

"Hmmm. Yon lang ang sagot ko. At agad niya pinatakbo ang motor.

Nagtaka ako nang huminto siya sa harap ng karenderya ni ate Malou. Agad naman akong bumaba nang makapag pahinga rin tong marathon ng puso ko.

"Teka, bakit dito? Tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo.?

"Hindi ah,  nakapagtataka lang kasi. Diba––,

"Ano? Salubong ang kilay niya.

"Diba ayaw mo dito?  Mukhang diring-diri kapa nga ei.

"Sinong  nagsabi? Wala akong maalala. "Dagdag pa niya. Maang-maangan lang?

."weeh?!

"Tsk.! Lika na nga. Nagugutom na ko Charm. Mamaya na tayo mag-usap pag busog na ko. "Sabi pa niya sabay hila ng kamay ko papasok sa loob.Napatingin ako sa kamay kong hawak hawak na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.

"HEY JUNE, nandito kami.

Napalingon ako ng marinig ang pagtawag kay June.

It's Jake and Micah.

LUCKY CHARMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon