Chapter twenty-three

32 3 0
                                    


Si June....???




Halos natulala ako ng ilang minuto.He's wearing a black shirt and faded denim pants.
Anong ginagawa niya dito. Bakit siya nandito?




Tiningnan ko siya and he just smirk. Wala siyang balak makipag kamay sa akin. E bakit pa? Magkakilala naman kami.




Tiningnan niya ako na parang sinusuri ang kabuuan ko at huminto ang paningin niya sa kamay ni Ash na nakahawak sa braso ko.




I saw his jaw clench at tiningnan niya ako ng masama.Dinampot ni ang baso ng martini at ininom.

Nakatingin din ang mga kaibigan ni Ashton sa akin ngunit hindi ganon ka intense.




"June pare this is Charmaigne".
Sabi ni Ashton. Nahalata niya yatang hindi umimik si June.



"I know her.!
Sabi ni June na parang walang pakealam at patuloy lang sa pag inom na parang mauubusan ng alak.




"Magkakilala kayo?
Baling ni ashton sa akin.




Tumango lang ako bilang sagot... I really feel awkward. Hindi niya naman ako kailangang ipahiya.



"Is she the girl who rejected you bro?
Tanong ng Australyano.
At siniko siya nung Vougnh.Medyo may tama na siguro at kung anu-ano ang sinasabi.

.

Talagang tinanong pa niya sa harap ko no?.. Medyo insensitive rin ang isang to. Ramdam ko na ang pag iinit ng pisngi ko.



"No, she is Ashton's dream girl. Sabi nung Vaugnh.




"I thought Charmaigne is the girl's name. "
Mahinang sabi nung Rex pero narinig ko rin.



Akala ko babae lang ang may karapatang magchismisan, mukhang ako pa talaga ang subject ng mga lalaking ito. Napansin kong medyo nahihiya si Ashton aa akin kaya inaya ko siyang bumalik kina Jake.


Nararamdaman ko parin ang titig ni June aa akin pero hindi ko siya kayang tingnan. Ganon ba siya ka galit sa akin?

Bumalik kami sa table namin at nagconcentrate nalang ako sa margarita.Umalis si Ashley para tingnan ang ibang bisita. Patuloy parin sa pagtugtog ang banda sa harap namin.


"Girl ang gana mo namang uminom.Anong ganap don?
Tanong ni Micah.




"Andon si June".sabi ko.



"Ha,E anong nangyari, magkaaway parin ba kayo?
Ani Micah.



"Ano bang ginawa mo kay June bakit na badtrip sayo?
Si Jake.



"Hindi ko alam. Nakakainis siya. "



"Tsk! Hayaan mo na nga.... Mag enjoy tayo. Wag mo na siyang isipin ha, ang ganda ganda mo pa naman ngayon o.Ani Micah.




"Nagseselos yon kay Ashton. Sabi ni Jake.



"Totoo? Ani Micah na parang di makapaniwala.


"Diba nag away kayo nung tumugtog si Ashton sa school? Tapos kadate kapa ni Ashton sa party niya."
Seryosong sabi ni Jake.




Hayan na naman siya sa mga theory niya.



"Hala, baka totoo nga Charm. Baka nagseselos nga si June kay Ashton.Mukhang exciting to girl. "
Ani Micah na parang kinikilig.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LUCKY CHARMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon