Kinuha ko ang isang high-waisted short shorts at pinaresan ng wine colored cami top. Wala naman akong matinong damit dito dahil karamihan ay pang sports at iilang pantulog. Okay lang naman siguro to dahil tapos na naman ang diner hindi naman formal kung magpaparty si lolo.
Naghanap ako ng parking space sa dulo ng mansyon ni lolo Greg dahil hindi ko inakala na mapuno ng sasakyan ang daanan.
Mukhang hindi yata ako nainform na ganito karami ang bisita ni lolo.Bumaba ako ng kotse at nilakad ang medyo malayong gate.Pagbungad ko palang ay halos mapaurong na ako sa pagka mangha.It's a formal party with music and lights. Lahat naka dress at hills at halos kaedad ko yata lahat ng bisita.Anong ibig sabihin nito? Si lolo nagbalik millenials?naku naman.
Tumigil muna ako at nag-isip. Hindi naman ako pupweding pumasok dahil siguradong pagtatawan ako sa suot ko. Oo nga ang sexy ko pero naka tsenelas lang ako. Kahit na sabihin kong mamahalin, tsenelas parin to.Kasalanan mo to bakla, bakit wala ka man lang sinabi.
I try to call jake pero walang sumasagot.Hindi naman ako pweding umuwi dahil nag promise ako kay Jake kaya naglakad ako patungo sa likurang bahagi ng mansyon para doon dumaan. Kilala naman ako ng mga guard kaya doon ako pumuslit at hanapin si Jake hindi naman siguro pumapasok ang mga bisita dahil nasa labas ang party.
Sa kitchen ako dumaan na parang magnanakaw. Panay ang lingon ko at baka may makakita sa akin.Mabilis kong tinakbo ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Kabisado ko lahat ng bahagi nito dahil dito ako palaging natutulog.Nasa dulong bahagi ang room ni Jake kaya dediretso nalang ako doon at iwanan tong gift ko kay lolo.Busy siguro si bakla. Meron naman akong spare key kaya hindi ko na siya kailangan pang abalahin.
Bubuksan ko na sana nang biglang bumukas ang kwarto sa kabila. Kwarto ni June yon, alam ko. Narinig ko ang tawa ng isang babaeng lumabas kasama si June.Para akong naestatwa at biglang sumama ang sestema ko.
Anong nangyari sa pakindat-kindat mo June? You just said you'll wait. Wala pa ngang bente-kwatro oras pinahopia mo na ako. Badtrip ka June!!
"Thanks for letting me clean my mess in your room June, I was so clumsy to even bumb in a wine. "
Sabay tawa ng babae, at ganon din si June.Humarap ang babae kaya nakilala ko kung sino.
Si Dahlia. Not the fashionista Dahlia but the Dahlia 2.0...
She's wearing a bodycon dress that reveals her curves and legs like a model. She is tall like June that's why they look good together.My mind gives them compliment and my heart aches.Why do I feel this. I'm not inlove with him. And that would be impossible because we just see each other for almost a month. Pero parang ang sakit isiping may babaeng pinapasok si June sa kwarto niya.Lalake siya kaya hindi malayong mangyari yong iniisip ko. Alangan namang magtitigan lang sila at mag bilangan ng blackheads.
Naku June,sinong niloko mo!I feel rare emotions that makes my hand shake. I could'nt even put the key directly to knob because my hand is shaking.Kaya ang nangyari ay nahulog ang susi at napalingon silang dalawa sa kinaruruonan ko.
"Charm? What are you doing there?
Si June na nakakunot ang noo.
Nagtataka ka ba? Kung ibalik ko kaya ang tanong mo sayo.What are you doing there in your room? What the F-no way. Besides I don't care.Lumapit siya ng naka tingin sa suot ko.Oo na alam ko na, I look like a party crasher.Di gaya niya naka black suit siya at sobrang gwapo. Parang may awards night lang.
BINABASA MO ANG
LUCKY CHARM
General FictionTagalog story.. Editing--- Charmaigne Reese Lim.. Intelligent, lovable, kind, feirce, nature lover, adventurous & beautiful. But she still feel less and unsatisfied.Maybe beacause she was once left behind by the person she loved. But what would...